Epilogue

437 14 2
                                    


A CHAT WITH A GHOST
Epilogue

Nakalipas na ang tatlong araw...

Di ko pa rin nakikita si Dae. Di ko na alam kung ano ang nangyayari sa burol ni mom. Di pa ako pinapalabas ng hospital. Nauubusan na ako ng hangin. Nauubusan na ako ng luha. Bawat minuto na nandito ako sa hospital, nasisiraan na ako ng ulo kakaisip.

Ang daming nasa utak ko ngayon.

Kumusta si Dae?
Anong nangyari sa burol ni mom?
Bakit hindi na ako binibisita nina Milky at Cho?
Bakit ang lamig at strikto na ni papa at kuya sa'kin?
Galit pa rin ba sila at ako ang sinisisi nila?

Hindi ako binibisita nina Cho at Milky simula ng maaksidente ako. Gusto ko sana silang makausap kaya lang wala na akong phone. Nasira sa aksidente.

"Malungkot ka na naman ate"

Napatingin ako kay Chichi. Isa siyang batang multo dito sa hospital. Siya nalang lagi ang kausap ko dahil alam ko naman na busy ang lahat. Isa pa siya sinusundo dahil may forty days pa siya. Ewan ko aa batang 'to, mas gusto niyang nandito kesa sa burol niya.

"Oo,Chichi. Wala na naman kasi akong makausap" sagot ko.

Binuhat ko ang sarili ko at umupo sa may kama paharap sa kanya.

"Nandito po ako" sagot niya.

Nginitian ko siya. Buti at nandito siya.

"Salamat Chichi. Bakit ayaw mong nasa burol mo?" tanong ko.

"Ayoko po kasing makita sina mommy at daddy na umiiyak kaya dito nalang ako" sagot niya.

Napangiti ulit ako. Baliktad kami. Gusto kong makapunta sa burol para makita man lang si mom.

"Chichi, may ipapahanap sana ako sayo. Dae ang-"

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si dad. Nagtataka itong tumingin sa'kin at parang may hinahanap sa kwarto ko. Umayos ako ng upo.

"Sinong kausap mo?" tanong niya.

"Wala po" sagot ko. I bite my lower lip.

"Don't lie to me, young lady"

Aish! Manneurism ko. Nakita niya. Narinig ko siyang huminga ng malalim at kinabahan ako dahil doon.

"We should visit a psychiatrist after ng burol. Di ko alam kung may epekto ang aksidente sayo o-"

"Dad, I'm not crazy!" sigaw ko. Napatakip ako ng bunganga. Ngayon ko lang nasigawan si dad. Tinignan ko si Chichi, nagtatago sa may kumot ko.

"Shouting me? Fine. We will visit tomorrow. Now, I'll go. Si Ever ang ipapagbantay ko sayo dito. Aasikasuhin ko pa ang burol ng mom mo" malamig na sabi ni dad sabay labas ng pinto.

Nakatingin na lang ako sa pintong nilabasan ni dad.

Iniisip niya talaga na nababaliw ako. Ilang beses na niya nakitang kausap ko si Chichi. Pilit kong tinatanggi ngunit ayaw niyang maniwala.

"Okay lang po 'yan, ate Fee" sambit ni Chichi sa tabi ko.

Pilit kong ngumiti but I was failed. Di ko na naman naipanalo ang laban ko sa kalungkutan.

"Ate, may picture ka ba ni Dae para mahanap ko?" tanong niya sa'kin.

"Wala eh"

Bumukas ulit ang pinto at pumasok doon si kuya Eloy nahalatang galing sa burol dahil sa suot niya.

"Hi Chi!" bati niya sa batang multo na katabi ko.

"Hello kuya"

"Kuya Eloy, bakit hindi ako binibisita nina Cho at Milky? Namimiss ko na sila. Simula ng magising ako, di ko na sila nakakausap" sabi ko.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Where stories live. Discover now