Chapter 8

527 14 2
                                    

A CHAT WITH A GHOST

Chapter 8

Nagtataka parin ako kung sino ang humawak ng paa ko kanina. Nandito na kami ngayon ni kuya sa sala at nanonood ng tv. Kinuha ko ang phone ko at chinat si Dae. Itatanong ko kung siya ba yun.

Me: Dae?

Nagreply naman siya agad.

Dae: Bakit baby?

Me: Baby amputs! May itatanong lang ako.

Dae: Mwo? (What?)

Me: Ikaw ba ang humawak sa paa ko kanina? Teka, saan ka natutong magkorean?

Dae: Natuto ako kapapanood ng k-drama and by the way, it wasnt me.

Napahawak ako sa dibdib ko. Tinamaan ako bigla ng kaba. Kung hindi siya, sino yun? Nagchat ulit si Dae.

Dae: Dont worry about her. She wont hurt you, I promise. Im always here to protect you.

Huh? Her? Ibig sabihin babae yung nagparamdam kanina? Hindi kaya

Me: Siya ba yung babae na nasa bintana kagabi?

Dae:

Ang tagal niya magreply. Kinakabahan na ako.

Sis okay ka lang? Pinagpapawisan ka dyan

Napatingin ako kay kuya. Napansin niya pala ako.

Okay lang. Medyo mainit kasi sagot ko.

Nagreply si Dae.

Dae: Yes

Anak ng!! Sabi na nga ba eh!!! That creepy girl geez. Agad kong nireplyan si Dae.

Me: Bakit niya ako ginugulo?

Dae: Dont worry. Wag mo siyang pansinin.

Me: Okay

I was really wondering about her. May gusto ba siya kay Dae tapos nagseselos siya sakin? Hahahaha haba ng hair ng multong yun ah!

Biglang nagchat si Milky at agad ko itong binasa.

Milky: Gurl!! Tara SM

Me: Tapos libre ko

Milky: Ano ka ba?! May pera ako ngayon noh

Natawa ako sa nireply niya. Aba! Bago, may pera siya.

Me: Okay, see you after one hour

Tatayo na sana ako ng biglang nagchat ulit si Dae.

Dae: Sino yang kausap mo?

Me: Ha?

Dae: I can see na may nirereplyan kang iba. Nakangiti ka pa. Lalake?

Natawa ako. Nilibot ko ang paningin ko. Saan kaya yun naka-pwesto?

Me: Its none of your business

Dae: Im getting serious. Who is it?

Pinatay ko na ang data at umakyat na ako sa kwarto. Mamaya na kita rereplyan Dae. Kailangan ko pang maligo at magbihis dahil may gala pa kami.

Inilapag ko ang phone ko sa kama. Biglang nag-ring ang phone ko pero saglit lang. Aba malupet! Tinext ako!

Unknown number: Sagutin mo ako kundi sasamahan kita sa banyo.

Nanlaki ang mata ko. Here he goes again. Agad kong binuksan ang data at chinat siya.

Me: Umayos ka. Baka pumunta akong albularyo ngayon.

Dae: Sino nga kasi yun?!!

Me: Maliligo na ako. Tignan mo nalang sa phone ko. May powers ka naman di ba? Hahaha

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora