Chapter 22

398 12 0
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 22

It was a cloudy Tuesday today. Nasa eskwelahan ako ngayon at nakaupo lang ako sa isang bench habang nakatingala sa langit. Hindi naman masyadong nakakasilaw dahil maulap. Pinagmamasdan ko ang bawat pagdaan ng ulap sa taas ko. Medyo magaan ang pakiramdam ko dahil hindi masyadong nagpaparamdam ang babae pero di parin kami kampante, baka nasa paligid lang siya. Kasama ko parin si Dae at nakikitingin din siya sa mga ulap. We are look like a crazy couple. Yes, crazy unique not ordinary couple.

“Hey nakita din kita”

Sabay kaming napatingin sa tumawag sa’kin. It was Gerald. I automatically smiled then nakita kong lukot na naman ang mukha ni Dae.

“Gerald” banggit ko sa pangalan niya.

“I chatted you. You didn’t chat me back. May nangyari ba?” tanong niya sabay upo sa kinauupuan ni Dae. I mean, nadaganan niya si Dae. Nanlalaki lang ang mata ko dahil tumagos ang katawan ni Gerald kay Dae. Bigla siyang tumayo at nagpagpag.

“Ang lamig naman sa pwestong ‘yan” natatawa niyang banggit.

Tumayo ako para magpantay kami at di niya na upuan ulit si Dae. Sakop niya kasi ang space eh. Sinipat ko ang phone ko sa bulsa ko then binuksan ang Messenger ko.

“Hmmm…wala ka namang message eh” sambit ko.

“Ha? Look here. May messages ako” sabi niya sa’kin.

Napabaling ako kay Dae at pangiti-ngiti lang ang loko. Tss.

“Ayts sorry baka nabura ko” palusot ko nalang.

“Wait, try ko kung ikaw ba talaga ‘to”

I saw him chatting an account na nakadisplay sa phone niya. Napatingin ako sa phone ko when there’s a message pop on it.

Gerald: Hi Fee

I replied.

Me: Hello

“Ikaw nga ito hehehe so uhmm, can we be friends?” tanong niya.

“Sure” I said.

“Okay good. Wait, ipapakilala kita sa girlfriend ko. Siya talaga ang may sabi na makipagkaibigan ako sa babae then I find you hehe”

Napakunot ang noo ko. May girlfriend na siya. Di na ako updated sa status ng crush ko ah. Well, dahil lang naman iyon kay Dae.

“Oh there she is, Joyce!” sigaw niya.

Nakita ko ang papalapit na babae sa’min. She was cute at sumisigaw ang singkit nitong mga mata. A korean or japanese barbie doll?

“Helloooo, I’m Joyce Ann Suyasa. You must be Fee, ‘yung hindi nagrereply kay Gerald hahahaha” natatawa niyang sambit.

“Ahh oo, sorry” sambit ko sa kanya.

“Nope, its okay. Kami nga dapat ang magsorry at inaabala ka namin. Libre kita. Lets eat. I think, that would be great. Gusto kasi kitang makilala eh. Kakaiba ka daw sabi ni Gerald”

Kakaiba? What does he mean? Napatingin ako kay Dae. Tumayo siya at tumabi sa’kin.

“Paanong kakaiba?” tanong ko.

“Ah eh ikaw lang daw kasi ang babaeng hindi siya pinapansin. Sa gwapong mukha niya daw”

“Ahh”

Napatango ako. Tama nga naman. Sa poging mukha nito, hindi papansinin.  I remember noong una kaming nagkita, pinipigilan ako ni Dae na linungin siya.

“So lets go” sabi nito. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa canteen. Hmmm, kung nagtataka kayo kung bakit wala sina Milky at Cho. It is because hindi sabay ang sched. namin. Magkakaiba kasi kami ng course eh. Pagdating namin sa canteen, naupo si Joyce sa tabi ko at sa harap naman namin si Gerald. Nakita kong naupo sa tabi niya si Dae. Bigla nalang napausog si Gerald at may pagtataka sa mata niya habang nakatingin sa gilid niya. I smiled. He can feel the presence of Dae.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora