Chapter 28

412 13 4
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 28

“Hi, Fee”

“Hi, Bravo” natatawa kong bati sa kanya. Well, bumalik na siya sa dating mahangin at hindi na lumalayo sa’kin pero ang pinagkaiba lang, may girlfriend na ang loko. Jell daw ang pangalan.

“Ano ba ‘yan kung kailan nagka-girlfriend ako, saka mo pinansin ang poging laging tumatawag sayo” singhal siya.

“C’mon, have fun with her” sabi ko at pinalo siya sa braso.

Nagwalk out naman ang loko at mukhang papunta sa building ng jowa niya.

I can say na medyo maayos na ako. After ng ritual, wala na akong nakikitang ni isang multo. Maybe, it was a good thing for me.

*Flashback*

“Mabuti at sinabi niyo sa’min, mga iha” sabi sa kanila ni dad sabay baling sa’kin. “Hahanapan nalang kita Fee ng bagong unit. Wag lang doon. Ang dami na palang pinapatay doon”

Sinabi kasi nina Cho at Milky na delikado ang unit dahil may pinapatay daw doon. Halfly true at paniwalang-paniwala naman sina mom and dad. Isama pa si kuyang todo tanong. Nandito kami ngayon sa bahay at linggo kaya wala silang mga pasok sa trabaho. Day off din ni mom sa flower shop.

“Jusko sana mahuli ang kriminal na pumatay kay Kristine” saad ni mom.

“Dad, mom, Cho, Milky at kuya. No need to do it for me. Sorry but maayos na ako sa unit na ‘yon. Ang dami ko ng memories doon at hindi ko kayang iwanan ‘yon”

Doon kami nagsimulang mag-usap at magkakilala ni Dae. Doon ko siya nakikita. Lahat ng memories ko tungkol sa kanya sa condominium na ‘yon nangyari. Every moments we spent on that unit was worthfull at hindi ko kailan man iiwan ang mga alaalang ‘yon. Kahit masakit, mananatili ako doon.

“Fee, napag-usapan na natin ito di ba? After ng pagpunta natin kay tito Eloy sasabi-“

“Tito Eloy?” tanong ni kuya.

“Tito po siya ni Kristine” sagot ni Milky.

“How old is he?” tanong ulit ni kuya.

“Maybe, he was nearly 24 or 26. We don’t know” sagot naman ni Cho.

“Bakit kailangan-“

“Kuya, please stop asking question. Mabait ang tito ni Kristine. Tigilan mo ‘yang pagdududa mo ng kung ano-ano” sabat ko.

“So? Shouldn’t I? Maraming delikadong lalake dyan, Phoebeatrizcia!” asik niya.

“Don’t call me using my full name!” sigaw ko.

Argh! I hate when calling my full name. Ang haba nito at si kuya lang ang hindi nabubulol sa pagbanggit ng pangalan ko.

“Fee, baka ikaw naman ang malagay sa panganib niyan. Di pa nahuhuli ang pumatay sa kaibigan mo” singit ni dad.

“Tama” sabi ni kuya then he grinned. Kakainis talaga. Ano kayang trip nito sa’kin at walang mapagtripang iba? Ow I remember, he doesn’t have girlfriend dahil wala siyang pakealam sa mundo. My brother was so heartless but still, I love him as my brother.

“Ayoko nga lumipat eh! Mahigpit na ang security doon sa condominium. Nagdagdag na din sila ng facilites at staffs para mas secure” paliwanag ko.

“Para naman sa kapakanan mo ‘yun” seryosong sabi ni Milky sa’kin.

“Bakit ba ayaw mo iwanan ang unit na ‘yon? May boyfriend ka bang kinakwarto mo doon kaya ayaw mong umalis kasi memorable bawat gabi?” tanong ni kuya.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat