Chapter 49

268 10 0
                                    


A CHAT WITH A GHOST
Chapter 49

Nanlalamig akong tumingin sa kawalan. Nakamasid lang ako sa field na nasa harap ko. Sinasabayan ng buhok ko ang hangin na humahaplos sa aking mukha.

Tumingala ako at pinagmasdan ko ang mga ulap na nagkukulay lila at pula. Papalubog na kasi ang araw.

Ito na ang araw na gagawin namin ang plano ni kuya Eloy. Ito na ang araw kung saan babalik sa normal ang lahat at malapit ng maging masaya kami ni Dae.

Sana lang magtagumpay ang lahat...

"Okay ka lang? You really looked bother" sambit ni Kenji.

Nandito na pala siya sa tabi ko hindi ko man lang napansin. Di pa pala din siya umuuwi.

"Yes, I am. I can't lie now"

"Why? Mamamatay ka na ba?" natatawa niyang sambit.

Sumeryoso bigla ang mukha ko at di ko na siya pinansin.

Maybe, Chester. Maybe I will die later dahil sa plano ni kuya Eloy. Kailangan kong gawin ito para kay Dae. Mahirap man pero susubukan ko pa rin.

Walang alam sina mom, dad at kuya sa mga nangyayari sa'kin. Ang alam lang nila, nag-aaral ako ng mabuti. Di rin nila alam ang tungkol kay Dae dahil baka di sila maniwala o kaya isipin nilang nababaliw ako.

Di kasi lahat ng bagay natatanggap ng mga tao lalo na sina mom at dad. To see is to believe lagi sila at hindi sila naniniwala agad.

Kung sasabihin ko naman sa kanila, alam kong magagalit sila sa'kin. Baka isipin pa nilang demonyo si Dae at baka humantong na pagbintangan nila si Dae sa mga kakaibang nangyayari sa'kin. Ayoko ng madamay pa sila. Mas konti lang ang nakakaalam, mas maganda.

"Bakit natahimik ka? I'm just joking, okay?" natatawang sabi ni Chester.

Alam ko namang nagbibiro lang siya. Ako lang ang seryoso dito at kung ano-ano ang iniisip.

"Chester, alagaan mo sana mabuti si Vin ha? Buti nalang at napapunta doon si kuya Eloy. Ang liit pala ng mundo at investor pa si kuya Eloy ng kompanya niyo"

Natatawa ako noong araw na 'yon. Bigla nalang tumawag si kuya Eloy na nasa bahay siya ng mga Garcia at kailangan daw ako. Di na niya sinabi sa tawag.

Syempre ako, pumunta agad ako. Nadatnan kong hinihintay ako nilang lahat. Nakakagulat nga dahil hinayaan lang ng papa ni Chester at Vin si kuya Eloy.

Sa dulo, napaalis din 'yung babaeng kumakatok. Sabi ni kuya Eloy, nakalibing daw ang bangkay na 'yon sa may ilalim ng bahay na tinatayuan nito. Ang creepy.

"Oo nga eh. Ang liit ng mundo. Inimbitahan lang siya ni daddy doon dahil isa siya sa investor. Di ko alam na malaki pala ang matutulong niya. Ngumingiti na ngayon si Vin at di na siya takot"

Napangiti ako. Buti at ganoon ang nangyari.

"Pero Chester hayaan mo ng lumabas si Vin. Hindi na siya bata. Wag mong ikulong ang kapatid mo" sambit ko.

"Oo na, oo na. Pero dapat may kasama siyang kahit sino. Baka mapahamak pa siya" sabi nito.

Napairap nalang ako. Tumayo ako sa bench at nagpagpag ng palda. Napansin kong tumayo na din si Chester.

"Ihahatid na kita" sambit niya.

Nanlaki ang mata ko. No, hindi pwede. Ngayong gabi gagawin ang plano ni kuya Eloy.

"H-ha? Hindi na. Magtataxi ako" sabi ko.

"No, I insist. Madilim na baka mapano ka pa" sabi nito.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Where stories live. Discover now