Chapter 31

339 13 1
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 31

“Huy!”

Napabalikwas ako ng tawagin ako ni Chester.

“B-bakit?”

“Kanina pa kita tinatawag dyan. Di ka naman nakikinig. Ano bang problema?” tanong niya.

“Wala, t-tara na” kabado kong sambit. Dito nakatira si Chester, Vin at daddy niya so tingin ko, safe naman kahit papaano. Di ko lang gusto ang presence ng bahay.

Bumaba na kami ng sasakyan. Unang pumasok si Chester at sinusundan ko lang siya. Binuksan niya ang isang malaking pinto at agad na pumasok doon. Sumilip muna ako. Medyo madilim ang kabuuan ng bahay.

“Bakit parang madilim?” tanong ko.

“Pundi pa kasi ang ibang ilaw. Nakalimutan kong ipapalit sa mga maids. Baka bukas, ipapaayos ko. Ang kwarto mo pala, katabi ng kwarto ni Vin sa itaas…Tara” tawag niya at nagsimula na siyang maglakad.

Sumunod naman ako sa kanya. Bago ako umakyat, medyo napahinto ako at napatingin sa isang painting na nasa gilid ko. Medyo madilim pero inaninag ko ang painting. Isa itong pinta ng isang babae at ang creepy ng ngiti niya. Medyo mahaba ang buhok at malaki ang mata nito na tila nakatingin sa akin. Its kinda disgusting having that kind of painting dito sa bahay.

Naglakad ulit ako at umakyat sa hagdan nang tumatayo ang balahibo ko sa painting na ‘yon. Pagdating ko sa pangalawang palapag ay nakita ko si Chester na nagpipihit ng isang door knob.

“Ito ang kwarto mo” sabi niya.

Binuksan niya ito at sumilip ako sa loob. My jaw dropped. Ang ganda niya. It was in modern design at hindi halata na may ganitong kwarto sa loob ng ganitong bahay. Mukha akong nasa world class hotel.

“Stunned?” natatawa niyang tanong.

“Y-yeah, ang layo ng itsura ng kwarto sa bahay” sabi ko.

“Haha, sort of, iyon ang purpose ng itsura ng bahay”

“What do you mean?” taka kong tanong.

“Mukhang haunted house di ba? Hinayaan lang ni papa na ganoon ang itsura sa labas para matakot ang mga magnanakaw at natawa ako ng tumalab iyon. Our house is now one of the scariest place dito sa subdivision” sambit niya.

Tumango nalang ako. Talagang nakakatakot. Mukha siyang lumang bahay tapos medyo maagiw pa. Ang mga puno sa labas parang pinagbigtian ng isang tao dahil may lubid pa ang isang puno doon. So creepy and scary.

“Paano kung may multo talaga dito, Chester? Iba talaga ang presence na nararamdaman ko eh” sabi ko. He just bursting of laughter so I rolled my eyes into him.

“Kaya ikaw ang pinapabantay ko kay Vin eh. Parehas kayong ganyan ang sinasabi. May white lady daw na laging naglalakad sa buong bahay. Wala naman akong napapansin maliban sa mga maids. By the way, ang room ko ay sa may tapat ni Vin” sambit nito.

“Okay, pwede ko bang makita si Vin?” tanong ko.

“Sure, lets go”

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kwarto ni Vin. Pinagbuksan ako ng pinto ni Chester then we heard na may kausap si Vin. I think, her passed away mother. Masaya ito ngunit nang makita ang kuya niya ay bigla itong lumungkot.

“Vin?” takang tawag sa kanya ni Chester.

“Kuya” walang ganang sabi nito.

“Nandito si Fee. Do you remember her?” nakangiting tanong niya.

Nginitian ko siya at biglang umaliwalas ang mukha niya.

“Ate Fee!” masayang tawag niya.

“Hello, Vin” bati ko. Naglakad ako papalapit sa kanya at naupo ako sa kama niya. Hmm, mukhang may tampuhan ang magkapatid base sa reaksyon ni Vin.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Where stories live. Discover now