Chapter 42

299 10 0
                                    


A CHAT WITH A GHOST
Chapter 42

"Ssshh, wala na ang babae, Fee"

"Sino siya, Dae?" tanong ko habang nakayakap kay Dae. Nanginginig pa rin ako sa takot dahil sa babaeng nakabigti. Hindi naman 'yon si Madel. Nasisigurado ko dahil iba ang itsura niya sa kanya. Nakalimutan kong bukas na naman pala ang third eye ko. Hindi pa rin ako sanay na makakita ng multo at ayoko ng parkiramdam na 'yon.

"Wala lang 'yun. Magpapalipat ako ng kwarto. Tara"

Hinatak ako ni Dae sa kung saan. Bumalik kami sa lobby at kausap ni dae ang isang babae. Pinapakinggan ko lang sila.

"Sir, bakit po kayo magpapalipat??" tanong ng babae sa front desk.

"May multo sa kwarto na 'yon" diretso nitong sagot. Nanlaki naman ang mga mata ng mga babae sa front desk. Bakit niya naman sinabi 'yon?

"M-multo?" tanong ng isang babae. Mukhang tensyonado ang babae. Something is wrong.

"Oo, now, tell me, may namatay ba sa kwarto na 'yon?"

"S-sir..."

"Sagutin niyo ako or I'll fire you all"

Pinisil ko ang kamay ni Dae at tumingin siya sa'kin. Dumidilim na kasi ang mukha niya.

"Why?" he mouthed.

"Keep calm, kuya Eloy" sabi ko.

"Eh ayaw nila akong sagutin eh" gigil niyang sabi.

Bumaling ako sa mga babae na nasa front desk. Bumaling ako sa babaeng nakasalamin na nasa harap ng isang computer desk. Di niya kami pinapansin and I think, she can give us answers.

"Miss? Ikaw na nakasalamin" tawag ko.

Umikot ang swivel chair at humarap siya sa'min.

"How may I help you?"

"Magpapalipat sana kami ng kwarto ang please, paki-bless sa pari ang room 344. May nakita kasi akong multo"

"Okay. Hindi na bago ang nagpapalipat ng kwarto sa'min dahil sa room 344. By the way, sorry for them dahil bawal kasi maglipat agad-agad ng kwarto kapag hindi valid ang reason but in your case, papayag kami pero sa'tin lang ang nangyari at nakita niyo....Makakasira ito sa imahe ng hotel" sabi ng babae.

Tumango ako. Bumaling ako kay Dae at nginitian siya.

"Ano bang nangyari sa room na 'yon?" tanong ulit ni Dae.

Tumingin ako sa babae. Huminga ng malalim ang babae bago ito tumayo at lumapit sa'min.

"Sir Hunter, may babae kasing nagpakamatay-"

"No, pinatay siya. I'm sure about it" pamumutol ni Dae.

"Sir, nagpakamatay po siya. Binigti niya ang sarili niya ang sarili niya at base sa mga police, walang foreplay na nangyari"

Kunot-noong tumingin ako kay dae. Paano niya nalaman na hindi nagpakamatay 'yung babae? Isang beses niya lang naman nakita.

"Pinatay nga siya-"

"Kuya Eloy" tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa'kin. "I'm tired" sabi ko.

"Okay, sorry. Amin na ang susi ng kwarto namin" utos niya.

Inabot naman sa kanya ang isang susi. Tumango nalang ako sa babaeng nasa front desk. I can still hear their whisphers. San hindi kami malagot kay kuya Eloy.

Sumakay kami sa elevator at tinungo ang room number 213. Pagdating namin doon, si Dae na ang nagbukas ng kwarto. Sinilip niya muna iyon bago ako pinapasok. Nakahinga ako ng maluwag ng papasukin ako ni Dae sa kwarto. Maganda dito at medyo maaliwalas. Makikita mo ang view sa veranda ng room. Buti nalang at walang multo dito.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Where stories live. Discover now