Chapter 32

392 13 1
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 32

Tito Eloy’s PoV

Sinabi ng mga kaibigan ni Fee kung anong plano niya para malaman kung saan nakalibing ang bangkay ni Madel. Ibinigay ko kasi ang number ko sa magkakaibigan na iyon, baka sakaling hingiin nila ang tulong ko. Nanghihingi din ang mga ito ng proteksyon para kay Fee at balak ng mga ito na pumunta bukas ng umaga sa bahay.

Biglang namatay ang kandilang sinisindihan ko. Hay nako, nandito na naman ang makulit na multo.

“Bakit ka na naman nandito?” tanong ko.

“I saw my fvcking body having a fvcking bad spirit and he was fvcking flirting with my fvcking girl!!!” sigaw niya.

“Kalma lang. Fvcking lang ang naintindihan ko eh. Ayusin mo nga ang pagsasalita mo. Wag kang puro mura dyan. Basbasan kita ng holy water eh”

Bunganga nito di mapigil. Itong multo na ‘to, naging kaibigan ko na ‘yan dahil napaka-masunurin at syempre ayaw akong tantanan dahil ako na lang daw ang kausap niya. I’m just 25 years old at DI AKO MATANDA tulad ng iniisip ng iba kong kapit-bahay sa malayo so may kalokohan din kaming naiisip minsan. Sumaya man lang ang buhay ko kahit konti.

“Nakakainis kasi! Kinikilig si Fee dahil sa kanya and now, I was fvck-“

“Isa pang mura, papalayasin kita dito sa bahay ko” babala ko sa kanya.

“Eloy naman! Kasalanan mo kaya kung bakit hindi ko siya makausap. Ikaw kasi pinilit mo pa ako eh! ‘Yun tuloy may umaaligid na impostor sa kanya!” bulyaw nito sa’kin.

“Nagseselos?” kalmado kong tanong.

“Di ba halata?! Potek ka Eloy! Ni minsan ba hindi ka nagselos?!” tanong nito.

Hindi ako nakasagot. Di ko pa kasi naranasang magselos dahil wala namang umaaligid sa mahal ko dati. Nagsalita ulit si Dae.

“Nabasag ko tuloy ‘yung ilaw ng lamp shade ni Fee! I know my identity dahil sa impostor na ‘yon but…di ko parin maalala then I saw my body, I saw him…It was moving alone without me! I was shocked! Para kang nakakita ng isang laruang naglalakad but well, I was a freaking handsome toy kung ihahalintulad sa laruan. Do you fvcking undestand me, Eloy?! Argh! Damn!” sigaw niya.

“Nagbuhat ka pa ng bangko. So you mean to say, may bad spirit na nakasapi sa katawan mo at paano mo naman nalaman na katawan mo ‘yon ni hindi mo nga makita ang sarili mo sa salamin?” sabi ko. Naupo ako sa may fire place then nagpainit ng konti. Ber months na kaya ang lamig na ng hangin dito. Oh? Natahimik ang multo. Tinignan ko siyang nakayuko at nakaupo din sa gilid.

“My Fee called him Dae then she hugged him” malungkot nitong sabi. Ito na naman ang drama niya. Lagi nalang siyang ganyan. Magagalit tapos magdadrama tapos sisisihin ang sarili. “My Fee cries in his arms. My Fee saying I love you to him. My Fee was happy with him. My Fee always thanks to him dahil akala niya siya ang nagpaalis sa babaeng sumusunod sa kanya. My Fee believes on his lies. My Fee…kissed him because she thinks that I was him. It was my fault. Niloloko siya pero wala akong magawa. Niloko ko din naman siya eh”

I looked a him. He was helpless, crying at walang magawa. At least, may chance nang magkatuluyan sila pero sa’kin wala talaga eh. May nitso na sa sementeryo so patay talaga siya.

“Ang sakit Eloy. Akala ko wala ng mas sasakit sa makita kong naghihirap siya dahil sa’kin. Akala ko wala ng mas sasakit dahil sinaktan ko siya at nagpanggap akong masamang espirito. Akala ko wala ng mas sasakit sa paglayo at pagblock ko sa kanya. Akala ko lang pala. ‘Yun pala mas masakit na mahal niya nga ako ngunit akala niya ako ang minamahal niya”

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Where stories live. Discover now