Chapter 16

495 14 9
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 16

Minsan, napapaisip ako. Tama pa ba ang choice kong mahalin ang isang multo? Tama pa ba ang ginagawa ko?

Pero...

Tingin ko, hindi ako pumili. Kusa ko itong naramdaman at lumabas nalang sa mga bibig ko ang mga salitang..

“I love you Dae”

Sa kanya lang ako masaya...

Siya ang tanging lalake na nagparamdam sa’kin ng ganitong pakiramdam. Di ko lubos akalain na nagmamahal ako ng multo ngayon.

Tama ba?

Walang mali sa salitang pagmamahal...

Ang mali ay kung pinipit mong magkatuluyan kayo ng isang tao iyong minamahal...

Tunay na sugal nga ang pag-ibig. Kaya lang, sa sitwasyon ko, halatang talo na ako.

“Huy, tulala!”

Napatingin ako sa tumawag sa’kin si Chester lang pala. Nasa canteen na pala kami, nakaupo lang ako at nakatunganga.

“Bakit?” tanong ko.

“Malalim yata ang iniisip mo. Ano bang meron?” tanong niya rin.

Isa pa itong si Chester. Siguradong magagalit siya sa’kin kung malalaman niyang boyfriend ko pala ang nakasagasa sa kapatid niya. Well, I’m not sure kung si Dae talaga ‘yun. I just shrugs at him then pinagmasdan ko ulit ang paligid. Dae was flying away to somewhere, I think. Asan naman kaya napadpad ‘yung Baby ghost ko? Humanda talaga ‘yun kapag nalaman kong nambabaeng multo ‘yon. Napabaling ako kay Chester nang magsalita siya.

“Okay, di naman ako mapilit. I’m just here as your friend.” sambit niya.

Kinuha ko ang burger na nasa tray niya at kinain ito. Kaibigan daw eh.

“Hoy-“

“Bayaran ko mamaya” pamumutol ko.

“Unbelievable” asik niya.

Lumipas ang ilang sandali at uwian na. Ito na...pupunta na kami sa tito ni Kristine. Lumabas ako ng room at nagulat ako ng biglang sumulpot si Dae sa harapan ko. Kunyari, di ko siya nakita para hindi halata. Di ba alam nito na hapon na at maggagabi pa. He was scary.

Naglakad ako papuntang parking lot at nakita ko silang tatlo. Nagdadaldalan na naman.

“Oh Fee” tawag ni Kristine sa’kin. Una siyang nakapansin sa’kin.

“Kasama mo parin ba ‘yung multo?” tanong ni Cho.

“Yup, nasa tabi ko siya” sagot ko.

Ito si Cho, masyadong triggered eh. Sinabihan ba naman ng panget si Baby ghost ko.

“My Fee, paano kung-“

“Sshh, kalma Baby ghost. Di ka naman itataboy ng uncle ni Kristine” sabi ko.

“Sino kausap mo dyan?” tanong ni Milky.

“Uhmm obviously ‘yung multo. May pa-baby ghost pa” sagot sa kanya ni Cho.

“Tara na. Baka masyado na tayong gabihin pag-uwi” sabi samin ni Kristine.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kotse niya. Sana all may kotse. Siguro ang yaman ng pamilya ni Kristine kaya siya may kotse. Papasok na sana kami ng pigilan kami ni Milky.

“T-teka, sino tatabi sa multo?” tanong niya.

Napatingin ako kay Dae. Nakayuko lang siya. Alam ko ang nararamdaman niya. Napapapout nalang siya dahil sa mga kaibigan ko.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Where stories live. Discover now