Chapter 26

382 13 2
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 26

Fee’s PoV

Pinalabas ako ng lalakeng nurse at hindi ko naibalik ang bracelet niya. Lumabas nalang ako ng hospital dahil hindi ko na kaya ang amoy at ang mga nakikita kong kaluluwa. Konti nalang magiging kamukha ko na sila dahil nangingitim ang paligid ng mata ko.

Naupo muna ako sa isang bench. Nasa hardin ito ng hospital at medyo mataas ang lugar. Tanaw ko parin sa likuran ang building ng hospital. Maganda dito. Dito siguro kadalasan dinadala ang mga pasyenteng gustong lumabas sa building.

Napasandal ako. Hinintay kong sumikat ang araw at tumama ito sa balat ko. Napapikit ako. I’m so tired. Really, tired and sleepy pero buhay na buhay pa ang katawan ko at ayaw magpahinga. Asan na ba si Dae? Hindi na siya nagpakita.

Napadilat ako ng may mahinang sinag ng araw na unting-unting umaakyat sa katawan ko. Lumiwanag ang paligid ko. Inilibot ko ang paningin ko.

“Ang ganda” puri ko sa paligid.

Hindi ko ito napansin kanina dahil madilim. Napaangat ang ulo ko ng may nahulog na dahon sa harapan ko. May puno pala sa itaas ko. Wait…this place looks familiar. Parang nakita ko na ito dati…

Suddenly, I gasped. Napatayo ako at pinagmasdan ang kinauupuan ko kanina.

This place, that bench, that tree!

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinignan ko ang profile ni Dae…Napatakip ako sa bunganga ko. Tumulo na naman ang luha ko. Malapit na ako ma-dehydrate kaiiyak. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko lubos maisip na mahahanap ko ang lugar na ‘to. Ito ang lugar kung saan nakakulong si Dae tuwing biyernes….

Someone’s PoV

I just saw that lady. Alam kong may kakaiba sa babaeng iyon at di siya maalis sa utak ko. Kahit naglalakad ako sa daan bigla nalang titibok ng mabilis ang puso ko. Di ko alam ang dahilan. Hindi ko siya gusto pero ang puso ko tumitibok sa kanya. What the fvck is going on?!

Una sa isang building tapos malalaman ko nalang na malapit siya sa unit ko. Damn! I want to kill her pero pinipigilan ng puso ko! Fvck!

Gusto kong mabuhay ng walang kaagaw sa katawan na ‘to at tingin ko, hindi pa umaalis ang kaluluwa ng g@gong ‘yon! Kailangan na niyang mawala dahil kahit anong oras, alam kong babalik ‘yon!

Sobrang dami ko ng isinakripisyo para lang mabuhay muli tapos sisirain lang ng pusong ito. Damn it! Magdidilim na naman ang paningin ko.

Fee’s PoV

It was a rainy day today. Araw ng libing ni Kristine ngayon at tila sumasabay ang kalangitan sa pagtulo ng luha ko. Si kuya lang ang kasama ko ngayon. Baka bigla daw kasi akong himatayin, sabi ni mama. Sinabi ko namang kasama ko si Cho at Milky pero nag-insist parin sila. Napatingin ako sa hawak kong bracelet. Hindi ko ito pwedeng suotin dahil hindi naman sa’kin ‘yun. Ibabalik ko sana ito sa tito ni Kristine pero mailap ang tito niya. Masama parin ang loob nito sa’kin.

Napaangat ako ng tingin sa kulay abong kalangitan. Sa buong linggo ng lamay ni hindi man lang nagpakita si Dae kahit minsan. Iniisip ko nalang na baka nanghihina siya o baka may problema siya or worst….kinuha na siya ng taga-sundo niya. Kahit naka-shades ako, halatang umiiyak ako dahil tumutulo ang luha ko sa pisngi.

Iniisip ko nalang na sana mali ang nasa isip ko na sinundo na siya. Hindi pa niya naman kilala ang sarili niya at sigurado akong magsasabi siya sa’kin kung aalis na siya.

“Fee, stop crying like a baby”

Napatingin ako kay kuya na katabi ko. Nakatikim ito ng isang palo sa braso. Panira talaga ng moment ito eh!

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Where stories live. Discover now