Chapter 24

369 13 3
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 24

Fee’s PoV

Napadilat ako ng maramdaman kong nasa isang sobrang tahimik na lugar ako. Bumangon ako galing sa pagkakahiga ko sa isang semento...

Teka...

“Semento?!”

Inilibot ko ang aking paningin at nanlaki ang mata ko ng wala na pala ako sa kwarto ko. Asan ako? Isa itong madilim na lugar ngunit sapat ang liwanag ng buwan para makita ko ang paligid.

May mga building...

Pamilyar ang mga ito...

“Nasa campus ako?!!!” sigaw ko.

Nananaginip ako. I’m sure dahil alam kong katutulog ko lang sa kama. Teka, si Dae.

“Dae? Dae? Dae?!” tawag ko sa kanya.

Naramdaman kong may pumatak sa balikat kong likido. Napatingin ako dito. Kulay pula ito at malapot. Nakaamoy ako bigla ng isang nakasusulasok na amoy. Tila amoy ng isang bangkay. May tumulo na likido ulit.

“Fee”

Nagsitayuan ang balahibo ko sa narinig ko. ‘Yung boses...iyon ang boses ng babaeng espirito.

“Fee” tawag niya ulit.

Parang ang lapit niya sa’kin. Napatingala ako at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang itim niyang mata at ang mukha niyang biyak ang panga.

“Ahhhhhh!” sigaw ko at nagsimula na akong tumakbo. Binuksan ko ang gate ng campus at pagpasok ko sa loob, nagulat ako ng nasa ganoong pwesto na naman ako. Tumakbo ulit ako papunta sa gate. Lumabas agad ako at nanlaki na naman ang mata ko ng makitang nasa gitna na naman ako ng campus. Dahan-dahan akong tumingala at nandoon ang babae. Tumakbo ulit ako ngunit napahinto ako ng sumulpot siya sa harapan ko. Itinaas niya ang kamay niya at nagulat ako ng lumutang ako kasabay nito. Nagpupumiglas ako pero hindi ako makababa. Naramdaman kong halos nababali ang parte ng katawan ko sa sobrang sakit. Parang tinutusok ng libong karayom ang katawan ko. Naririnig ko lang siyang tumatawa habang pinagmamasdan ako.

“Kailangan mong mamatay dito sa panaginip. Kung hindi kita mapapatay, ikukulong nalang kita”

Patuloy lang ang paglutan ko at pataas ng pataas. Napapikit ako. Nagsimula ng tumulo ang luha ko. Asan ka Dae?

“Ahhh!!! Aray!!!!” sigaw ko. Sobrang sakit. Halos baluktutin niya ang katawan kong parang goma.

“Sige lang, Fee. Ang sigaw mo ang lalong nagpapalakas sa’kin” natatawa niyang sambit.

“DAE!!!!!!” Sinigaw ko ang pangalan ni Dae. Asan na siya?! I need him!

“Walang darating dahil mahina ang-“

Napapikit ako ng mariin dahil sa sobrang sakit. Naramdaman kong may katawang bumagsak sakin at niyakap ako. Nahulog ako galing sa pagkakalutang at naramdaman kong lumapat ang katawan ko sa kama ko.

Napadilat ako. Nakita ko si Kristine na pawis na pawis at nakatingin sa’kin. Napabaling ako sa kamay kong hawak niya. May suot akong bracelet na hindi naman pagmamay-ari ko.

“A-anong nangyari?” tanong ko.

“Asan si Dae?” tanong niya.

“Si Dae...”

Bumalik ang alaala kong may yumakap sa’kin. Hindi kaya si Dae ‘yon. Nilibot namin parehas ang aming paningin para hanapin si Dae....Teka..

“Nakakakita ka ng multo?!” gulat kong tanong.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Where stories live. Discover now