Chapter 33

383 13 3
                                    

A CHAT WITH A GHOST
Chapter 33

Fee’s PoV

Idinilat ko ang mata ko ng maramdaman kong wala na akong katabi. Napaupo ako agad sa may kama at inilibot ang aking paningin. Ngayon ko lang napansin ang eleganteng disenyo ng kwarto. Kulay bughaw ang kabuuang kulay nito at ang mga gamit, napaka-ayos ng pagkakalagay. Marami ding educational books sa may shelf niya. Wait, asan ba si Vin?

“Asan siya?” bulong ko sa sarili.

Binuksan ko ang pinto at tumambad ang isang maid, may katandaan na ito. Patuloy lang siyang naglilinis ng mga mamahaling vase at mukhang hindi nito napansin ang presensya ko.

“Asan si Vin?” tanong ko.

Mukhang nagulat ang maid sa pagtanong ko. Di talaga nito ako napansin.

“Nasa kusina po siya ma’am, kasama ni sir Chester”

“Okay po. Fee nalang po ate” nakangiti kong sabi.

“Sorry po ma’am. Iyon po ang bilin ni sir Chester sa’min” sagot ng matanda.

“Ah okay po”

Tumango nalang ako then naglakad na pababa ng hagdan. Ang strikto naman ni Chester, boss na boss sa bahay.

Napatigil ako sa paglalakad dahil bigla akong tinamaan ng kaba. A little bit nervous dahil makikita ko na naman ang painting na nakita ko kagabi. Muli akong naglakad. Pagkababa ko ng hagdan, sumulyap agad ako sa gilid kung saan nakapwesto ang painting.

Asan na ‘yun? Bakit bintanang kasing laki ng painting ang meron? Di kaya... Mahina akong napamura nang marealize ko kung ano ang nakita ko kahapon.

“Fee”

“Ay palaka!”

“Wow, sa gwapong mukhang ‘to? Palaka?”

I rolled my eyes. Hangin grabe, baka liparin ako dito.

“Chester naman. Wag ka kasing manggugulat bigla” sabi ko.

“Hindi ako nanggugulat. Sadyang nagulat ka lang sa kagwapuhan kong taglay” natatawa niyang sambit.

“Duhh, by the way, may painting ba kayo ng isang babae?” tanong ko.

“Wala, bakit?”

“Fvck” asik ko.

“Don’t cuss. Baka marinig ka ni Vin. Nga pala, bakit mo naman naisip na may painting kami ng isang babae dito sa bahay?” tanong ni Chester.

“Ahh wala lang. Nagugutom na ako” pag-iiba ko ng usapan.

“Maraming food sa kusina. Sabayan mo si Vin. Mabagal kasi kumain ‘yon. Magbibihis na ako. Maghanda ka na rin pagkatapos mong kumain. May pasok pa tayo” nakangiti nitong sambit. Akmang aakyat na siya ng hagdan ng magsalita ako.

“T-teka, sino maiiwan kay Vin?” tanong ko. Bumaba siya ulit.

“Nandito ang mga maids. Dadating din mamayang seven si dad at sasabay ka sa’ming magdinner” sagot nito sabay akyat ng hagdan.

“Teka-“

Bumaba na naman siya ngunit nakangisi ito na ikinagtataka ko.

“Ayaw mo yatang mawala ang pagmumukha ko, Fee. Magkikita pa naman tayo mamaya” sambit nito.

“Hindi noh! Itatanong ko lang kung saan papunta ang kusina?” tanong ko sabay irap sa kanya.

Humagalpak ito ng tawa. Grrr! Sarap tuhudin ng ano niya! ‘Yung ano niya!

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Where stories live. Discover now