Chapter 7

587 18 3
                                    

A CHAT WITH A GHOST

Chapter 7

Asan? tanong ko.

Nandito lang siya. Sure ako sabi niya sakin.

Tingin sa kaliwa

Tingin sa kanan

Tingin sa likod

Ano ba itong pinagsasabi ni Jacob?

Wala naman ah sabi ko sa kanya.

Napansin kong nakatingin siya sa bandang itaas ko. Napalunok ako. Parang kinakabahan ako ah. Ano tinitignan niya sa taas ko?

J-Jacob tawag ko.

Ayokong tumingala. Wag kang titingala. Pigilan mo ang sarili mo t@nginaaa!!!!!

Dae tawag niya sakin.

B-bakit? kabado kong tanong.

Tumingin sa mata ko si Jacob. Kinakabahan din siya, ramdam ko. Mas kinabahan ako sa isinagot niya.

N-nasa taas mo siya sagot niya sabay turo.

Ha?

Tumingala ako. Pot@! Sabi ko, wag kang titingala eh!!!

AAAAAAHHHHH!!! sigaw ko at agad na tumakbo palayo.

T@ngina!!! Nakakadiri ng mukha niya!!!!! Biglang sumulpot si Jacob sa harap ko kaya tumigil ako.

Dude, magpakalalake ka naman para kay Fee sabi nito.

Napakamot ako sa batok ko. Tumalikod ako at tinignan ulit yung babae. Sh!t! Nakakatakot talaga ang mukha niya. Wala siyang puti sa mata, sira ang panga niya at puro dugo ang uniporme niya. Nakatingin lang siya samin. That girl is so creepy.

Naramdaman kong lumakas ako. May nakakaalala sakin sa ganitong oras? Its almost one in the dawn. Ang galing naman. Napangiti ako.

Lumapit ako sa babae. Sinabayan naman ako ni Jacob. Nang makalapit na kami, tinagilid ng babae ang ulo niya.

Anong kailangan mo sa kanya? seryoso kong tanong.

Ilang segundo at hindi muna siya sumagot. Ginagalaw-galaw niya lang ang ulot niya.

Hoy! Tinatanong-

Gusto kong makuha ang katawan niya pamumutol niya.

Ang boses niyamay pagkamatinis at nakakatakot talaga. Tsk! Be brave Dae. Multo ka rin tulad niyan. Bakit ang panget ng boses niya? Sinagot ko siya.

Hindi kita papayagan. Wala akong pake kung ano ang rason mo kung bakit gusto mo ang katawan niya. Layuan mo siya. malamig kong sagot.

Tumawa siya na parang demonyo. Bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Hindi ko pinakita ang gulat ko. Di niya ako matitinag ngayon. Hinawakan niya ang sunog kong pisngi at bumulong.

Hindi mo ko mapipigilan. Malapit na bumukas ang third eye niya at magkikita din kami sambit niya at agad siyang naglaho.

Fvck that spirit!! Napatingin ako kay Jacob. Naiinis ako sa sarili ko. Kasalanan ko ito.

Kalma Dae sambit niya.

Kukunin niya ang katawan ni Fee, Jacob!! Kalma?! Gusto mo ako kumalma?!! Kasalanan ko to!! Kung hindi ako nakipag-usap sa kanya, hindi sana siya pag-iinteresan ng multong yon! bulyaw ko kay Jacob.

T@ngina!! Wala man lang siyang reaksyon. Diretso lang siyang nakatingin sakin. Tss!

Nandyan ka naman para protektahan siya di ba? tanong niya.

Ngumiti ng nakakaloko si Jacob. May gana pa siyang ngumiti?! Masasapak ko na talaga ito eh.

Anong nginingiti mo dyan?! galit kong sambit.

A CHAT WITH A GHOST (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon