CHAPTER 12

236 10 0
                                    

Christine POV

Andto ako sa may pinto ng room namin ngayon inaatay ko kasi si Bailey. Teka 7:00 am na bakit wala pa rin yun. Hooh!!kaya ko to bakit ba kinakabahan akong mag sorry ay si Bailey lang naman yun. Nakita kong paparating na si Bailey kaya nag ready na ako.

"Bailey!!" tawag ko sa kanya

"Bakit??" sagot niya

Buti naman pinansin niya ako kahit walang emosyon mukha niya

"Pwede ba tayong mag usap??"tanong ko

"Kailan ba??" sagot niya na di man lang tumingin sakin

"Kung pwede sana ngayon na??" sabi ko

"Sige 7:00 am pa lang naman 8:00 am pa naman start ng klase natin" sabi niya

Pumunta muna kami sa Canteen at dun nag-usap

"Hmm...Bailey sorry kase diba nauna kang magtanong tapos si Alexius yung sinagot ko ay este pinayagan kong manligaw...Bailey sorry na promise babawi ako" paliwanag ko

"Ano pa nga bang magagawa ko?? Edi patawarin ang matalik kong kaibigan na mahal na mahal ko at siyempre naiintindihan naman kita" sabi niya

"So okay na tayo??" sabi ko

"Hindi pa totally" sabi niya

"Huh?? Bakit??" sabi ko na naguguluhan

"Kailangan mo akong ilibre ng milk tea sa loob ng isang linggo at ang gusto ko ikaw ang bibili...ayy meron pa gusto ko yung P50.00 ang presyo" sabi niya

"Ha!!!Grabe naman yun mamumulubi ako" sabi ko

"Edi wag ikaw rin" sabi niya

"Oo na" sabi ko

"Tara na sa room" sabi niya

"Tara!!!" sabi ko

Sa wakas okay na kami ni Bailey akala ko kase hindi na kami magiging okay. Pagbalik namin sa room nagkakagulo pa rin mga kaklase namin wala pa kase ang teacher. Siguro 7:48 am natapos usapan namin tapos dumating na ang teacher saktong 8:00 am buti na lang hindi nagturo sinabi lang na wala kaming klase buong maghapon kase may pag-uusapan daw ang mga teacher na mahalaga. Sabi ko nga sobrang mahalaga ba yun maghapon ba namang pag-usapan.

Bailey POV

Buti naman naisipan ni Christine mag-sorry matagal tagal ko ring inantay yun sinagot na kaya ni Christine si Alexius maitanong nga wala namang ginagawa eii.

"Hoy!!!Christine" tawag ko sa kaniya

"Po??" sabi niya

"Grabe ka makapo matanda na ba ako??" sabi ko

"Bakit ano ba yun??" sabi niya

"Sinagot mo na ba si Alexius?" tanong ko

"Hindi pa...Bailey okay lang ba sayo kung sasagutin ko na siya?" tanong niya sa akin

"Oo naman basta masaya ka basta kapag sinaktan ka ng lalaking yun sabihin mo lang sakin at kamao ko na ang bahala sa kaniya" sabi ko

"Oo nga pala kilala mo na ba ang kapatid ko??" tanong niya

"Hindi pa" sabi ko

"Sa bahay ka na mag-dinner para makilala mo" sabi niya

"Okay..." sabi ko

"Hmm...Bailey pwede manghingi ng help?? Pleeaaassee..." tanong niya

"Anong klaseng tulong po ba ang kailangan??" tanong ko

"Ano kayang magandang set-up ng pagsagot ko kay Alwxius??" tanong niya

'Grabe Christine sa akin ka pa humingi ng tulong manhid ka ba alam mo namang nasasaktan ako' yan ang sinasabi ng utak ko pero nag-suggest pa rin ako sa kaniya.

"Bigyan mo siya ng dalawang doughnut" sabi ko

"Hindi ba parang sobrang coommon na nun??" sabi niya

"Edi sabihin mo na lang kakain kayo ng dinner sa Jollibee tapos saka mo ibigay yung dalawang doughnut sabihin mo yun yung sagot mo ako ng bahala para maging maganda yung fastfood" sabi ko


"Okay...Thank You" sabi niya

"Kailan mo ba sasagutin si Alexius??" tanong ko

"Kapag natapos yung mga plano mo" sagot niya

"Kailan natin sisimulan??" sabi niya

"Tommorow natin sisismulan" sabi niya

"Okay..." sagot ko

Ilang oras rin ang nakalipas at yun lang ang pinag-usapan namin. Naisip namin na hayaan lang na may ibang costumer yung Jollibee para hindi agad mahalata ni Alexius tapos kakausapin namin ang may-ari kung pwedeng lagyan ng mga palamuti or design yung buong Jollibee at sinabi ko na rin kay Christine na bumili na agad siya ng doughnuts bago sila magkita ni Alexius.

*UWIAN

"Bukas na lang pagkatapos ng klase natin pupuntahan yung Jollibee at kakausapin ang may-ari" sabi niya habang naglalakad kami papunta sa bahay nila.

"Sige...Paano pag umayaw o kaya di pumayag ang may-ari ng Jollibee Ano ng gagawin natin??" tanong ko

"Basta ako ng bahala sa pmimilit" sabi niya


"Hahaha ikaw pa kagaling galing mo mamilit" sabi ko

Pagdating sa bahay nina Christine nakita ko yung kapatid niya yata kase medyo hawig niya maputi nga lang yun hindi ko naman sinabi na maitim si Christine mas maputi lang yun.

"Chrisha si Bailey nga pala...Bailey si Chrisha kapatid ko" sabi ni Christine

"Hello po Chrisha po pala kapatid ni Ate Christine" sabi niya at inabot ang kamay sakin

"Bailey nga pala Boy Bestfriend ng ate mo" sabi ko naman at tinanggap ang kamay niya para makipag-shake hands.

"Ayy akala ko Boyfriend" sabi ni Christine

"Hahaha ang boyfriend ng ate mo ay si Ale-" sabi ko at naputol dahil tinakpan ni Christine ang bibig ko

"Wala...wla akong Boyfriend" sabi ni Christine

Wala?? ay bakit tinatakkpan mo bibig ni Kuya Bailey?" sabi ni Chrisha

"Basta wala" sabi ni Christine

Pagkatapos ng usapan ay kumain na kami at umuwi na agad ako para paghandaan ang set up na gagawin namin. Kahit masakit para sa akin na sasagutin na ni Christine si Alexius wala na akong magagawa kailangan ko talagang magparaya kahit masakit isipin na sasaya siya ng hindi dahil sakin kundi dahil kay Alexius. Oras na malaman kong sinaktan ni Alexius si Christine hinding hindi ko nan ipapaubaya si Christine sa kanya. Sasabihin ko lang sa inyo hindi porket nagpaubaya ako ay sumuko na ako at hindi porket hindi ko ipinaglaban ay hindi ko talaga mahal minsan kase talagang kailangan mong magpaubaya o lumaban pada sa ikasasaya ng taong mahal mo. Kung ipaglalaban ko si Christine o lalaban ako lalo lang mahihirapan si Christine.

-RianeMich-

 The Boy Changed The GirlOnde histórias criam vida. Descubra agora