CHAPTER 40

103 2 0
                                    

A/N

Guyys, may bagong story kami ang title ay "Guess The Title"
Please support wuv u,  ♡

Bailey POV

Assussual nasa room na naman kami ngayon dahil friday. Habang wala pang klase ay tumambay na muna kami sa labas ng room. Kasama ko nga pala si Christine ngayon wala pa si Aron eh.

"Ano Christine okay na ba sayo yung tungkol sa pagbalik natin sa Sagpro??" tanong ko sa kaniya

"Oo...Tinanong ko na rin sina Mama" sagot niya

"Buti naman kung ganon" sabi ko

"Uyy anong pinag-uusapan niyo diyan??" biglang tanong samin ni Aron

"Okay na, payag na si Christine na bumalik kami sa Sagpro" sagot ko

"Buti naman, sasama ako ha" sabi ni Aron

"Oo naman, isama din natin sina Dave at Jun" sabi ni Christine

"Ayun na pala yung dalawa eh" sabi ko at tinuro sina Dave

"Hoy! Dave at Jun bilis-bilisan niyo nga ang paglalakad niyo daig niyo pang naglalakad sa buwan eh" sigaw ni Aron sa dalawa

"Oo eto na" sigaw pabalik ni Jun at tumakbo na yung dalawa palapit sa amin

Pagkalapit na pagkalapit ng dalawa ay agad kong sinabi sa kanila ang tungkol sa paglipat namin ng Sagpro.

"Kayong dalawa sasama ba kayo samin??" tanong ko

"Oo naman kahit saan pa kayo magpunta" sabi ni Dave

"Sure na kayo??" tanong ko ulit

"Oo naman" sabi naman ni Jun

"Okay sabi niyo wala ng bawian. Pumayag kayo kaya sasama kayo samin sa paglipat namin sa Sagpro" sabi ko

"Ha?? Eh bakit hindi mo agad sinabing sa Sagpro pala pupunta??" tanong ni Jun

"Ooppss pumayag na kayo kaya wala ng bawian" sabi ni Christine

"Pero" pagtutol ni Dave

"Walang pero pero" sabi naman ni Aron

"Pero sino bang may sabing tutol kami??" tanong ni Dave

"Ibig sabihin payag kayo??" tanong ko

"Aba siyempre naman. Malay natin baka kaya hindi ako nagkakaroon ng love life dito dahil nasa Sagpro pala ang ka-destiny ko" sabi ni Jun

"Hahahha buti naman at pumayag kayo" sabi ni Christine

"Kami pa" sabi ni Dave

"Ayun na yung tatlong couple oh!" sabi ni Christine at tinuro yung tatlong couple na naglalakad

"Xyrille!!! Punta kayo dito" sigaw ko sa kanila

Naglakad naman sila palapit samin at tinanong agad kung anong meron.

"Oh! Anong meron?? Parang nagme-meeting kayo" sabi ni Axyrus

"Actually nagme-meeting talaga kami. Balak namin ni Christine na bumalik sa Sagpro at sasama sina Aron" sabi ko

"Kayo ba gusto niyo bang sumama??" tanong ni Aron sa kanila

"Ibig mong sabihin magta-transfer kami sa Sagpro??" tanong ni Matt

"Oo ganon na nga" sabi ni Dave

"Oh! Ano payag ba kayo??" tanong ni Jun

"Sumama na tayo Xyrille para naman ma-experience natin sa Sagpro" sabi ni Jammy kay Xyrille

 The Boy Changed The GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon