CHAPTER 23

198 5 0
                                    


Bailey POV

Eto ako ngayon sa kwarto ko nag-aayos habang iniisip si Christine. Sana hindi siya magbago kahit masaktan siya. Pumunta na ako sa garahe at sumakay sa kotse ko at pumunta na sa school.

Pagdating ko sa school habang naglalakad ako nakikinig ko ang mga bulungan tungkol kay Christine gaya na lang nito.

"Alam niyo na ba yung balita?? Break na daw sina Christine at Alexius." Girl 1.

"Oo nga sayang ang sweet pa naman nila." Girl 2.

"Sabi sa inyo eii pinag-pustahan lang siya." Girl 3.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad kesa naman magdilim pa ang paningin ko at masigawan sila. Siyempre bilang isang heartthrob kailangan kong maging mabait para hindi bawas pogi points.

"Bailey!!!" tawag sakin ni Felix.

"Oh! Bakit??" tanong ko.

"Alam ko na alam mo na na break na si Christine at Alexius." sabi niya.

"Ano naman kung alam ko na??" tanong ko.

"Edi masaya ka na kase may pag-asa ka na." sabi niya.

"Hindi rin...May pag-asa nga ako hindi naman siya masaya." sabi ko.

"Sa bagay." sabi niya.

"Hay naku!!! Tara na nga malapit ng mag-7:30 am." sabi ko.

"Oo nga." sabi niya at sumabay na sakin sa paglalakad.

"Nandiyan na ba si Christine??" tanong ko.

"Oo...Alam mo ang laki ng pinagbago niya bigla na lang siyang naging cold basta yung tipong never na siyang ngingiti kase yung mga ngiti niya halatang pilit." sabi niya.

"Grabe ka naman dun sa never na siyang ngingiti...What if magkaron ng taong magpapasaya sa kaniya kagaya natin." sabi ko.

"Oo nga sana kayanin ng powers ko." sabi niya at sabay naman kaming natawa.

Pagdating sa room ay may sinabi samin ang adviser namin.

"Okay class ganito magsisimula na ang program kaya naman yung mga panlaban mag-ready na...Felix ikaw ang unang lalaban kaya naman umayos ka ha alam kong puro ka kalokohan." sabi ni Ma'am kaya nagtawanan kami.

"Hahhahah." tawa naming lahat maliban sa katabi kong nakatingin lang kay Ma'am ng walang karea-reaksiyon.

"Christine okay ka lang ba??" tanong ni Ma'am kay Christine.

"Okay lang po ako Ma'am." walang ganang sagot niya.

"Okay." sabi na lang ni Ma'am at nagpatuloy sa mga sinasabi niya.

Hindi na ako nakinig pa dahil alam ko na naman ang gagawin ko.

"Okay class pwede daw kayong mag-uli habang lumalaban yung iba niyong kaklase maliban na lang kapag sumayaw na at nag-spoken poetry." sabi ni Ma'am.

Pag-alis ni Ma'am ay nagsilabas na ang iba at magpaalam naman sa akin si Felix.

"Uyy Bailey una na ako ah may laban pa ako eii." sabi niya.

"Sige Good Luck." sabi ko naman sa kaniya.

"Christine una na ako ha." sabi niya kay Christine.

"Okay Good Luck." sabi ni Christine at ngumiti pa kaso pilit ang ngiti niya.

"Thank you." sabi ni Felix at umalis na.

 The Boy Changed The GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon