CHAPTER 26

176 4 0
                                    

Christine POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa room namin ng makita kong makakasalubong ko na naman ang Hot Dragons.

Napansin kong nakahanda na ang kamay ni Stacey para sampalin ako kaya naman naghanda rin ako para pigilan yun. Tama nga ako sasampalin niya ako pero agad ko yung napigil.

"Aray! Bitiwan mo nga ako" sabi niya

"Eh kung ayoko?? May magagawa ka ba??" tanong ko

"Meron" sabi niya

"Ah talaga...Diyan ka na nga" sabi ko at tinulak siya

"Ang tapang mo yata ngayon porket gumanda ka na kase nag-aayos ka na" sabi niya

"Matagal na akong mas maganda sayo" sabi ko

"Paano namang nangyaring mas magada ka sakin ha??" tanong niya

"Isa lang naman ang pinagkaiba natin diba??" sabi ko

"Ano yun??" takang tanong niya

"Ikaw walang puso ako meron" sabi ko

"What??" sabi niya

"Bakit mahirap bang intindihin?? Sorry nakalimutan kong wala ka rin palang utak. Bye" sabi ko at iniwan silang mga nakanganga

Kung inaakala nilang magpapa-api pa ako sa kanila tulad ng dati puwes nagkakamali sila dahil hindi na ako ang Christine na kilala nila. Hindi na ako yung Christine na okay lang kahit apihin ng iba.

Pagdating ko sa room nakita kong nagkukuwentuhan lang si Felix at Bailey. Lumapit naman ako sa kanila at agad naman nila akong binati.

"Good Morning Christine!!!" bati sakin ni Felix

"Good Morning" bati ko sa kaniya

"Aba ano kayang nakain nito at binati kami" sabi ni Bailey

"Hahaha oo nga" sabi ni Felix

"Tumigil na nga kayo" sabi ko at umupo na sa upuan ko.

Tumigil naman sila. Maya-maya pa ay dumating na ang teacher at nagklase. Kumain lang kami nung recess at lunch.

*UWIAN

"Christine hatid ka na namin" sabi ni Bailey

"Wag na sabay kami ni Chrisha eii" sabi ko

"Ahh sige ingat kayo bye" sabi ni Felix at umalis na

"Una na rin ako ha may gagawin pa ako eh" sabi ni Bailey

"Sige ingat" sabi ko

Inantay ko na lang si Chrisha at maya-maya pa ay dumating na siya kasama si Axel.

"Hello ate Christine" bati ni Axel sakin

Tinanguan ko na lang siya at binaling ang tingin ko kay Chrisha

"Tara na" sabi ko at nauna ng maglakad narinig ko pa silang mag-usap

"Sige una na ako ha" sabi ni Chrisha kay Axel

"Sige ingat kayo...Kitakits bukas" sabi ni Axel

"Chrisha" tawag ko ulot kay Chrisha

"Sige bye" kinig kong sabi pa ni Chrisha at sumunod na sakin

Pagdating sa bahay ay pumunta agad ako sa kwarto para magbihis. Pagkatapos ay bumaba na agad at pumunta kay Mama para magpaalam sa kaniya.

"Ma pwede bang lumipat na ako ng school??" tanong ko

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now