CHAPTER 43

89 6 0
                                    


Axel POV

Linggo na ngayon kaya naman may date kami ni Chrisha. Every sunday kase nagsisimba kaming dalawa tapos pagkatapos ng misa ay nagde-date kami. Ayos na ako at napakain ko na rin si Lola si Kuya Jay na lang ang iniintay ko. Maya-maya pa ay dumating na si Kuya Jay.

"Ayos na ayos ka ngayon Axel ah." sabi niya.

"Kuya Jay una na ako ha magsisimba kase kami ni Chrisha." sabi ko.

"Sige ako na ang bahala kay Lola." sabi niya.

Umalis na ako at pumunta na sa bahay nina Chrisha. Pagdating dun ay sinalubong ako ni tita Crisha mama nila.

"Axel pasok ka muna nagbibihis pa si Chrisha eii." sabi ni tita.

Pumasok na kami sa loob. Pagkapasok ay nagsalita si tita.

"Axel ingatan mo si Chrisha ha first boyfriend ka niyan." sabi ni tita.

"Opo tita wag po kayong mag-alala." nakangiting sabi ko.

"Axel kamusta na??" tanong naman ni Ate Christine na naka-upo.

"Okay lang Ate...Ikaw kamusta??" tanong ko sa kaniya.

"Okay lang rin." sagot niya.

Nabalot naman kami ng katahimikan hanggang sa bumaba na si Chrisha.

"Tara na Axel." sabi ni Chrisha.

"Tita, Ate una na po kami." paalam ko kay Tita at Ate.

"Sige ingat kayo." sabi ni tita.

"Opo Ma!" sabi ni Chrisha at humalik pa sa pisnge ni tita.

"Ah kaya pala." sabi niya.

"Kamusta ka naman??" tanong ko sa kaniya.

"Ok lang naman." sabi niya.

"Na-miss kita." nakangiting sabi ko.

"Hahaha wag mo nga akong pinapakilig baka kapag nawala ka hanap-hanapin ko." sabi niya.

"Bakit naman ako mawawala sayo?? Eh sayong-sayo lang ako." sabi ko.

"Hahahaha sabi mo eii." sabi niya.

"Anyway bakit nga pala dito mo naisip na mag-date tayo??" tanong ko.

"Fresh kase yung hangin dito." sabi niya.

"Ah sa bagay." sabi ko.

"Axel don't get me wrong ha. Bakit hindi mo pa ako pinapakilala sa parents mo??" tanong niya.

"Wala na kase akong parents. Si Mommy namatay nung pinanganak niya ako tapos si Daddy naman na-aksidente." sagot ko.

"Sorry." sabi niya.

"Okay lang yun. Gusto mo kay Lola na lang kita ipakilala??" tanong ko sa kaniya.

"Sige ba." sagot niya.

"Sige mamaya." sabi ko.

Kumain lang kami ni Chrisha. Tumambay din dun sa magandang pwesto dito kung saan maganda ang view. Maya-maya pa ay nagyaya na siyang umuwi.

"Axel tara na." sabi niya.

"Punta na tayo sa bahay??" tanong ko.

Ngumiti naman siya bilang sagot. Pumunta na kami sa kotse at nag-drive na ako papunta sa bahay. Nakita ko na namang nakatulog si Chrisha.

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now