CHAPTER 52

57 2 0
                                    

Bailey POV

Nandito ako ngayon sa room naka-upo at nagsusulat sa notebook ko. Habang nagsusat ako hindi ko napansing naka-upo na pala si Christine sa tabi ko. Saka ko lang napansin nung binati niya ako.

"Good morning bestfriend ko." bati niya sakin kaya napalingon ako sa kaniya.

"Good morning din bestfriend ko." sabi ko at lumingon sa kaniya.

"Ano yang ginagawa mo??" tanong niya.

"Teka ikaw ba yan?? Ikaw ba yung bestfriend ko??" tanong ko rin sa kaniya.

"Oo naman, ako lang naman ang tatawag sayo ng bestfriend ko eii." sagot niya.

"Anong nangyari?? Yung pananamit mo iba na, ibig ko sabihin hindi na tulad ng dati yung uniform mo. Yung dati mong uniform maluwag sayo tapos ngayon sakto lang sayo. Wala ka na ring salamin. Umamin ka nga ikaw ba yan baka naman may sumapi lang sayo." sabi ko.

"Ahahaha sino namang sasapi sakin?? Ako nga to at saka kaya kami nasa mall kahapon kase gusto ni Chrisha na mag-make over ako at ito ang kinalabasan." sabi niya.

"Okay okay naniniwala na ako. Buti naman at pumayag ka sa gusto ni Chrisha." nakangiting sabi ko.

"Bakit gumanda na ba ako?? Hindi na ba ako pangit??" tanong niya.

"Kahit kailan hindi ka naging pangit sa paningin ko." bulong ko.

"Ano yun?? Hindi ko narinig eii." sabi niya.

"Sabi ko hindi ka naman pangit may mali lang sa mata nila." sagot ko.

"Edi sinabi mo na ring pangit ako." sabi niya.

"Hindi ah mali ka lang ng pagkaka-intindi." sabi ko.

"Naku makapagbasa na nga lang." sabi niya at kinuha yung nag-iisa niyang pocket book.

"Iisa lang ba yang pocket book mo??" tanong ko sa kaniya.

"Oo hindi pa kase ako nakakabalik sa book store eii. Bakit mo naitanong??" tanong niya rin.

"Ilang beses ko na kaseng nakita yang libro na yan." sagot ko.

"Ah hindi ko pa kase natatapos eii." sabi niya.

"Gusto mo libre kita ng pocket books??" tanong ko.

"Sige ba." sagot niya.

"Sa sabado ha susunduin kita sa bahay niyo tapos ibibili kita ng mga pocket books." nakangiting sabi ko.

"Sige, nga pala mamaya makikipag-ayos na tayo kay Alexius." sabi niya.

"Oo, saan ba natin siya kakausapin??" tanong ko.

"Sa coffee shop na lang kaya." sagot niya.

"Sige." sabi ko na lang.

Nagbasa na siya ng libro habang wala pang teacher. Habang nagbabasa ay siya namang dating ni Felix.

"Good morning!!!" bati niya samin.

"Good morning din." bati sa kaniya ni Christine at humarap.

"Woooaaahhh...Ikaw ba talaga yan Christine?? What happened to you??" tanong ni Felix sa kaniya.

"Para kang si Bailey eii. Nag-make over lang ako ng kauti, yung kapatid ko kase eii." sabi ni Christine.

"In fairness sayo ha, mas gumanda ka ngayon teh." sabi ni Felix na nagmistula pang bakla.

"Hahaha thank you." sabi ni Christine.

 The Boy Changed The GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon