CHAPTER 50

67 3 0
                                    

Bailey POV

Nandito ako ngayon sa bahay 5:00 pm na kase. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung sinabi sakin ni Christine na makikipag-ayos na siya kay Alexius. Ayos lang naman makipag-ayos ang iniisip ko lang ay yung mararamdaman ni Christine kapag nagkita ulit sila.

Buti na lang hindi sila nagkita kanina. Change topic na nga lang. So yun na nga kababalik lang namin kanina diba. Nagtataka siguro kayo kung paano namin isinurprise si Felix kanina. Ganito kase yun.

FLASHBACK

Dumating ako ng 6:00 am sa school tapos sunod na dumating si Christine.

"Bailey wala pa sina Aron??" tanong niya.

"Wala pa nga eh." sagot ko.

"Ah ganon ba, anyway may naisip akong plano." sabi niya.

"Ano naman yun??" tanong ko.

"Gusto ko kaseng i-surprise si Felix. Naisip kong gawing kakuntsaba yung mga kaklase natin. Sasabihin natin sa kanila na hindi muna sila papasok sa room pagkatapos ng flag ceremony. Magpapaalam rin tayo kay Ma'am na sa time na lang ng 2nd subject siya magturo." sabi niya.

"Mukhang maganda yan ah. Naisip ko maganda kung may formation yung mga classmate natin tapos nakangiti sila." sabi ko.

"Baka naman magmukha silang timang nun." sabi niya.

"Hahaha okay lang yun." sabi ko.

"Hahaha tara na nga kausapin na muna natin si Ma'am tapos mamaya na lang yung classmate natin kapag nasa pila na." sabi niya.

"Tama para isang beses lang tayo magsasalita." sabi ko.

Pumunta na kami sa teachers office at lumapit sa table ni Ma'am Jennie. Paglapit namin ay agad naming binati si Ma'am.

"Good morning Ma'am Jennie." bati namin sa kaniya.

"Good Morning din Bailey and Christine, buti naman at naisipan niyong bumalik dito." nakangiting bati ni Ma'am samin.

"Ma'am may favor po sana kami sa inyo." sabi ni Christine.

"Ano yun??" nakangiting tanong ni Ma'am.

"Ma'am pwede po bang sa time na lang ng 2nd subject kayo magklase??" tanong ko kay Ma'am.

"Ah pwede naman kase absent yung teacher niyo sa 2nd subject niyo. Bakit niyo naman gustong sa 2nd subject na lang ako magturo??" sagot ni Ma'am at tinanong rin kami.

"Gusto po kase naming surpresahin si Felix." sabi ni Christine.

"Sige sige sa time na lang ng 2nd subject niyo ako magtuturo at saka good luck sa inyo." nakangiting sabi ni Ma'am.

"Thank you po Ma'am." sabi ko.

Ngumiti na lang samin si Ma'am. Pumunta na kami sa room at tumambay na muna bago magsimula ang flag ceremony at inantay na makumpleto ang mga classmate namin. Naisip naming sa room na lang namin sabihin.

1 hour later

Sa isang oras na paghihintay ay maraming bumati samin at sa wakas kumpleto na kaming lahat at hindi kasama si Felix dun. Bago kami pumunta sa gym para sa flag ceremony ay sinabi na namin sa kanila.

"Guys good morning sa inyo may favor lang sana kami ni Christine." sabi ko.

"Ano ba yun??" tanong ni James.

"Gusto kase naming surpresahin si Felix. Naisip namin na hindi muna tayo papasok sa room hanggang sa lumabas siya sa room mukhang didiretso na kase siya sa dito kase late na yata siyang dadating." sabi ni Christine.

"Paano kung hindi siya dumiretso dito??" tanong ni Shane.

"Sure ako didiretso yun dito. Gusto sana naming palibutan niyo kami para hindi agad kami makita ni Felix. Gusto rin naming ngumiti kayo sa kaniya kapag lumabas na siya." sabi ko.

"Okay yun lang pala eh game kami diyan." sabi ni James.

"Diba guys." sabi ni Shane.

"Oh! Yes." sabi nilang lahat.

"Okay thank you guys." sabi namin ni Christine.

Pumunta na kami sa gym pagkatapos pag-usapan ang plano.

End of FLASHBACK

So yun na nga ganon ang nangyari. Natatawa pa nga kami sa naging reaksiyon ni Felix paglabas niya nun.

Christine POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko gumagawa ng scrapbook. Trip ko lang walang magawa eii. Habang ginagawa yung scrapbook ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

*Tok Tok Tok

"Ate halika rito sa labas may sasabihin lang ako." sabi ni Chrisha sa labas ng kwarto ko.

"Oo wait lang." sabi ko.

Inayos ko na muna yung mga gamit na ginamit ko kanina. Pagkatapos ay lumabas na ako. Nakita kong nasa sala siya kaya lumapit na ako sa kaniya.

"Ano ba yung sasabihin mo??" tanong ko kay Chrisha.

"Ate mag-make over ka kaya." sagot niya.

"Huh?? Ano namang babaguhin ko?? Nagpa-rebond na nga ako eii." sabi ko.

"Please." sabi niya at nag-puppy eyes pa.

"Kailan ba??" tanong ko.

"Ngayon na." nakangiting sabi niya.

"Ano now na as in now na talaga?? Eii 5:00 pm na ah." sabi ko.

"Oo ate kaya nga nakabihis na ako eii. Nagpaalam na rin ako kay Mommy." sabi niya at saka ko lang napansing nakabihis nga siya.

"Sige sige magbibihis lang ako." sabi ko.

Pumunta na ulit ako sa kwarto ko para magbihis. Sinuot ko lang ay yung over sized kong t-shirt na stripe tapos yung pants na adidas na may tatlong guhit na white sa gilid.

Hindi na ako tumanggi dahil mukhang hindi na ako makakatanggi.Lumabas na ako at bago kami umalis ni Chrisha ay nagpaalam muna kami kay Mama.

"Ma alis na po kami." sabi ko.

"Sige mag-iingat kayo." sabi niya.

-RianeMich-

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now