CHAPTER 81

32 3 0
                                    

Bailey POV

Makalipas ang ilang araw ay graduation na namin ngayon. Siyempre magkatabi kami ni Christine kase nasa unahan ang mga may honor. Nasabi na niya sa inyo na ako ang Valedictorian at siya naman ang Salutatorian. Maya-maya pa ay si Christine na ang tinawag.

"For our Salutatorian this school year. I present to you Ms. Christine Mae Abolucion." sabi ng teacher.

Tumayo naman si Christine pero bago siya pumunta sa stage ay binati ko muna siya.

"Congratulations Girlfriend ko." sabi ko.

"Thank you Boyfriend ko." nakangiting sabi niya at umakyat na sa stage kasama si Tita.

Pagkatapos ng picture nina Christine ay ako naman ang tinawag.

"And for our Valedictorian this school year. I present you Mr. Bailey Park." sabi ng teacher.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa stage. Nang makasalubong ko si Christine ay saka niya ako binati.

"Congrats Boyfriend ko." sabi niya.

"Thanks Girlfriend ko." nakangiting sabi ko.

Pumunta na ako sa may hagdan kung saan naron sina Mom at Dad. Pag-akyat namin ay proud na proud na nagsalita si Dad.

"Congrats Bailey, you made it. Congrats din sa girlfriend mo." sabi ni Dad.

"Thanks Dad." sabi ko.

"Congrats baby boy. Thanks for making me proud to you again and again." sabi ni Mom.

"Thanks Mom." sabi ko.

Picture muna kami saka bumaba sina Mom and Dad dahil may speech pa ako.

"Good morning everyone. Don't worry guys kase hindi ko na pahahabain ang speech ko." sabi ko at medyo natawa

"First of all thank you sa suportang ibinigay satin ng mga parents and guardians natin. Thank you rin sa mga gurong walang sawang nagturo at tumulong satin para maka-graduate tayo ngayon." sabi ko at tumingin sa mga parents at teacher

"Second, congratulations sa ating lahat cause we finally made it. Sana maabot niyo ang mga pangarap niyo dahil ilang years na lang ay makakapagtapos na tayo, magkakaroon na tayo ng trabaho." sabi ko at mga students naman ang tiningnan.

"Last, para to sa mga kpop fan na tulad ko. Guys we finally made it kahit na maraming nagsasabi na sagabal ang kpop sa studies natin. Congratulations guys kase hindi lang pagiging grade 12 students ang nalampasan natin, nalampasan rin natin ang pangdi-discriminate satin ng iba, kesyo kpop fan daw tayo kaya hindi daw tayo loyal sa pilipinas. Isa lang yan sa sinasabi nila. Sana hindi na nila tayo i-discriminate. Thank you sa pakikinig, again Congratulations that's all" sabi ko at bumaba na

"Yes! Pinagtanggol niya ang kpop fan." sabi ni Chelsea na katabi ni Christine, third honor siya eh.

"Hahaha siyempre." sabi ko na lang at umupo na sa tabi ni Christine.

Pagkatapos ng seremonya ay dumiretso kami sa bahay nina Christine para dun mag-celebrate. Pagdating dun ay nakita kong nag-uusap si Mom at ang Mama ni Christine. Umalis rin kase agad sina Aron at yung iba pa.

"Girlfriend ko!" tawag ko kay Christine.

"Po??" tanong niya at patuloy sa pagkuha ng pagkain.

"Tingnan mo si Mom at yung Mama mo." sabi ko kaya tiningnan niya.

"Close na agad sila??" tanong niya.

 The Boy Changed The GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon