CHAPTER 36

122 3 0
                                    


Jay POV

Nandito ako sa room ngayon at nag-iisip pa rin kung gagana ba yung 2nd plan ko. Naisip ko kasing magpaulan na lang habang nasa harap ng room nina Mikka at hindi ako sisilong hangga't hindi niya ako pinapayagang manligaw ulit sa kaniya.

Mamaya pag-uwi sa bahay tatawagan ko si Mommy at sasabihing alam ko na ang ginawa niya para mapag-hiwalay kami ni Mikka. Nasa States si Mommy at Daddy ngayon kasama ang parents ni Alexius. Habang nag-iisip biglang may tumawag sakin.

"Jay may naghahanap sayo" sabi ng kaklase ko

Pumunta na ako sa pinto at nakita kong magkasama si Axel at Chrisha. Sana ganiyan din kami ni Mikka.

"Axel, Chrisha Anong ginagawa niyo dito??" tanong ko.

"Kuya Jay pwede bang sumabay ka saming mag-recess ngayon??" tanong ni Chrisha.

"Hahaha huwag na baka masira ko pa ang moment niyo." sabi ko.

"Hahaha Kuya hindi no at saka gusto ka lang naming kausapin." sabi ni Axel.

"Sige na nga nakakahiya naman sa inyong dalawa." sabi ko.

Naglakad na kami papunta sa cafeteria. Pagkatapos naming maghanap ng mauupuan ay umorder na si Chrisha ng makakain namin.

"Kuya Jay okay ka lang ba??" biglang tanong sakin ni Axel.

"Kailangan eh." sabi ko at napakamot na lang ng ulo.

"Sa bagay." sabi ko.

Bumalik na si Chrisha at may mga dalang cake at drinks.

"Love tulungan na kita." sabi ni Axel at kinuha yung dala ni Chrisha.

"Thank you...Kuya Jay chocolate cake na lang din yung binili ko para sayo hindi ko kase alam kung anong gusto mo eii." sabi ni Chrisha.

"Okay lang yun." sabi ko.

"Ano palang pinag-uusapan niyo??" tanong ni Chrisha.

"Usapang lalaki lang yun love." sagot ni Axel.

"Ah okay." sabi niya at umupo na sa tabi ni Axel.

"Kuya Jay may 2nd plan ka na diba. Pwede mo bang sabihin samin kung ano yun??" tanong ni Axel sakin habang kumakain.

"Magpapaulan ako sa harap ng room nila." sabi ko at tinuro si Chrisha.

"Hahaha Kuya nagbibiro ka ba?? What if hindi umulan??" tanong naman ni Chrisha.

"Actually seryoso ako dun. Edi kung kailan lang umulan saka ako magpapaulan tapos sasabihin ko sa kaniyang hindi ako aalis dun hangga'thindi niya ako pinapayagang manligaw ulit sa kaniya." sagot ko.

"Pero Kuya baka naman magkasakit ka dun." sabi ni Chrisha.

"Oo nga Kuya Jay at saka paano naman yung klase mo??" tanong ni Axel.

"Yun nga ang point ko dun yung magkasakit ako. Kailangan niyong pilitin si Mikka na payagan na ako na manligaw sa kaniya. Kailangan niyong iparamdam sa kaniya na kung hindi dahil sa kaniya hindi ako magpapaulan at yung klase ko hindi ako aattend dun." sagot ko.

"Okay pero sana gumana na yun." sabi ni Axel.

"Kung gumana yun. How about your Mom Kuya nakausap mo na ba siya about dito??" tanong ni Chrisha.

"Kakausapin ko siya mamaya kaso sa phone lang kase nasa states sila ni Daddy." sagot ko.

"Okay goodluck na lang sayo." sabi ni Chrisha.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming room. Lumipas ang mga oras at ngayon ay uwian na. Dumiretso na ako sa bahay at agad na nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay tinawagan ko agad si Mommy.

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now