CHAPTER 48

64 2 0
                                    

Christine POV

Nandito pa rin ako ngayon sa room nakikinig sa discussion ni Ma'am Jennie. Katabi ko si Bailey sa upuan na nasa ikatlong lane ng walong lane ng upuan na by pair. Si Felix sa likod ko at katabi si Aron na nasa likod ni Bailey.

Sa likod ni Felix ay si Dave at sa likod ni Aron ay si Jun. Sa likod ni Dave naka-upo si Xyrille at sa likod ni Jun ay si Jammy. Sa likod ni Xyrille naka-upo si Matt at sa likod ni Jammy ay si Iyashica.

Sa likod ni Matt naka-upo si Axyrus at sa likod ni Iyashica ay si Jairah. Hindi ko alam pero yang tatlong couple na yan ay hindi pa nagka-hiwalay kahit isang beses simula nung makilala ko sila.

1 hours later

Recess

Inaayos ko ngayon ang mga gamit ko na ginamit sa discussion kanina. Pagkatapos kong ayusin ay nagsalita si Bailey na nasa tabi ko pa rin ngayon.

"Christine tara na, itu-tour pa natin sina Aron." sabi niya at bigla namang may tumawag sakin (Insert Ganito na Pala ang Pag-ibig by Marika Sasaki.).

"Sige una na kayo sasagutin ko lang to." sabi ko.

"Sige sunod ka kaagad ha." sabi niya.

"Oo." sagot ko at umalis na sila.

Pagka-alis na pagka-alis nila ay sinagot ko na agad ang tumatawag sakin.

"Hello Rex." sagot ko sa tawag.

"Ano may narinig ka na bang pinaplano nila samin??" tanong niya.

"Wala pa naman. I think focus pa sila ngayon sa paglipat namin dito." sagot ko.

"Okay that's all, balitaan mo na lang ako kapag may nalaman ka na." sabi niya at ibinababa na ang phone.

Paglabas ko ng pinto may biglang humila sakin at dinala ako sa likod ng room namin.

"Aray ano ba yun??" nakatungong tanong ko sa humila sakin.

"Sino yung kausap mo??" tanong niya rin sakin.

"A-aron." kabadong banggit ko sa pangalan niya.

"Sinong kausap mo sa phone kanina??" inis na tanong niya.

"S-si Rex." nakatungong sagot ko.

"Bakit mo siya kausap?? Paano mo siya nakilala??" takang tanong niya.

"Nagpakilala sila sakin." maikling sagot ko.

"Tapos??" inip na sabi niya.

"Sinabi nilang kalaban ng grupo nila ang grupo niyo. Naging kakampi nila ako at inutusang manmanan kayo." sagot ko na naiiyak na pero pinipigilan ko lang.

"Bakit?? Bakit mo nagawa samin yun Christine?? May nagawa ba kaming masama sayo??" tanong niya na halatang pinipigil ang inis.

"Kaya ko lang naman nagawa yun kase gusto kong gumanti." sabi ko at tuluyan ng umiyak.

"Gumanti kanino?? Sa ex mo ba ha!!!" inis na sabi niya.

"Oo, gusto kong gumanti sa kaniya. Hindi ko kase maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng babae sa school na ito ay ako pa, ako pa yung napili nilang pagpustahan." sabi habang patuloy na tumutulo ang luha na nanggagaling saking mata.

"Naiintindihan kong gusto mong gumanti sa ex mo pero huwag mo na kaming idamay. Payong kaibigan lang ha kahit na hindi mo kami itinuring na kaibigan, hindi mo naman kailangang gumanti sa ex mo. Nalaman kong nung lumipat ka sa Bangmy hinanap ka ng ex mo kay Bailey. Nahalata ni Bailey na minahal ka talaga ng ex mo at nung lumipat ka nasaktan siya dahil naalala ka na niya, naalala na niya na best friend ka niya. Yung sakit na naramdaman niya nung panahon na yun na nararamdaman niya pa rin hanggang ngayon sapat na para sa paghihiganting gusto mo." mahabang sabi niya.

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now