CHAPTER 74

30 3 0
                                    

Christine POV

Nandito ako ngayon sa room kasama si Bailey at Felix. Ina-antay namin sina Aron, Dave at Jun. Yung ibang classmates namin ay nagsi-uwian na kase tapos na rin naman ang program.

Ganon din ang trouble couple, actually pina-uwi namin sila kase baka idamay sila dahil kilala sila nina Rex.

"Buti na lang nanalo sina Aron." sabi ni Felix.

"Oo nga eii, nakita ko nga ang daming sugat ni Aron." sabi ko.

"Malakas rin kase si Rex. Si Eros naman hindi masyado kaya iisa lang ang sugat ni Dave." sabi ni Bailey.

"Nasaan na ba ang mga yun?? Bakit ang tagal??" tanong ko.

"Ayun na sila oh." sabi ni Felix.

Sinalubong naman namin sila. Nagtaka ako kung bakit akay ni Jun si Aron kaya tinanong ko si Jun.

"Bakit akay mo si Aron??" tanong ko kay Jun.

"Hindi na kase niya kayang maglakad ng maayos." sagot ni Jun.

"Pero diba naglalakad naman siya kanina." sabi ni Felix.

"Ginawa ko yun para hindi ipahalata kay Stacey. Please huwag niyong sasabihin kay Stacey, ayokong mag-alala siya sakin." sabi ni Aron.

"Aron, kailangan mong sabihin yan kay Stacey baka kase magalit yun sayo kapag sa iba niya nalaman." sabi ni Bailey.

"Kaya nga Aron, baka yun pa ang pumatay sayo." sabi ni Felix.

"Para rin may mag-alaga sayo mamaya." sabi ko.

"Alam mo namang nag-aalala lang yun sayo kase mahal ka nun." sabi ni Dave.

"Oh! Ano?? Sasabihin mo na ba??" tanong ni Jun.

"Okay, okay." sabi ni Aron.

"Maupo na nga muna tayo dun." sabi ko at tinuro yung bench.

Naupo na kami, bale may apat na bench dito, yung isa ay katapat namin at yung isa ay katapat ni Felix. Naka-upo ako sa kanang tabi ni Bailey at si Jun sa kaliwa.

Sa kabilang upuan naman naka-upo si Felix at sa harap namin naka-upo sina Dave at Aron. Maya-maya pa ay palapit na samin sina Stacey, Margot, Chelsea at Ally.

"Sinabay na namin si Ally." sabi ni Stacey pagkalapit nila samin at umupo sa tabi ni Aron kase lumipat na si Felix dun sa isa pang upuan.

Ang apat na bench na may konting pagitan ay may mga naka-upo na. Gaya ng sabi ko kanina naka-upo ako sa kanang tabi ni Bailey sa pinaka-dulong bench sa kanan. Si Jun naman sa kaliwa niya.

Dun sa sunod na upuan na nasa kaliwa namin, sa gitna naka-upo si Felix. Si Chelsea sa kanan niya at si Ally sa kaliwa. Sa harapan naman namin naka-upo sa gitna si Aron at si Stacey kase lumipat si Dave dun sa upuan na kaharap nina Felix para makatabi si Margot.

"Ah thanks." sabi ni Felix at naupo sa isang upuan kasama si Ally.

"Stacey may sasabihin daw sayo si Aron." sabi ni Dave kay Stacey.

"Ano yun??" tanong ni Stacey.

"Aron sabihin mo na." sabi ni Jun.

"Kayo na lang magsabi." sabi ni Aron.

"Ano ba yun??" takang tanong ni Stacey.

"Sure ka kami na lang magsasabi." sabi ni Felix.

Tumango naman si Aron.

"Si Aron kase hindi pa talaga okay." sabi ni Bailey.

"Ano??" gulat na tanong ni Stacey.

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now