CHAPTER 20

182 7 0
                                    


Chrisha POV

Good morning everyone, kamusta tulog niyo sana okay para nasa mood magbasa. Sunday ngayon kaya dito lang ako sa bahay kase may gagawin sina Mom kaya wala akong kasamang magsimba.

Bumangon na ako at inayos ang napakaganda kong bed bago ako humarap sa salamin at nagsuklay. Pagkatapos kong magsuklay ay agad rin akong bumaba.

Anong oras na kaya?? Tingnan ko ang wall clock at nakita kong 6:30 pa lang, siguro nagluluto na si Ate para sa breakfast namin. Pagpunta ko sa kusina tama nga ang hinala ko nagluluto nga siya.

"Good morning!!! Ate...hmmm ang bango naman ng niluluto mo ano ba yan??" sabi ko kay ate at inamoy pa ang niluluto niya.

"Good morning din...Adobo." sabi ni Ate.

"Wow...Siguradong masarap yan ikaw pa." sabi ko.

"Hahaha siyempre matagal tagal ko rin tong pinag-aralan para sa inyo." sabi niya.

"Yiiieee ang sweet talaga ni Ate." sabi ko at umupo muna sa isang upuan at pinanuod siyang magluto.

"Mas sweet ang manliligaw mo." pang-aasar niya.

"Ahh asaran pala gusto mo...pinakasweet naman yung boyfriend mo." pang-aasar ko.

"Mas sweet yung manliligaw mo biruin mo yun talagang kinausap pa si Mama sa harap mo tapos ibinili ka pa ng libro." sabi ni Ate.

"Mas sweet yung boyfriend mo biruin mo yun magtatanong lang kung pwedeng manligaw sa field pa at may mga pick up lines pa." sabi ko.

"Mas sweet ang Papa niyo." singit ni Mom.

"Good Morning!!! Mom." sabi ko at humalik sa cheeks ni Mom.

"Good Morning!!! Ma." bati naman ni Ate kay Mom.

"Good Morning!!! din mga beautiful daughter ko." sabi ni Mom.

Maya-maya ay naluto na ang adobo at kumain kami ng masaya. Pagkatapos kumain ay tumambay muna ako sa garden.

Paakyat na ako ng kwarto ng biglang may nagdoor-bell. Sino kaya yun ako na magbubukas mukang busy pa sina Ate eii.

Pagpunta ko ng gate nakita ko yung kotse ni Axel at si Axel na nakatayo at kumakaway sakin. Pinagbuksan ko naman siya ng gate.

"Good Morning!!! Beautiful." nakangiting bati niya sakin.

"Anong ginagawa mo dito??" tanong ko sa kaniya.

"Hindi mo muna ako yayayain pumasok??" biro niya.

"Pasok ka." sabi ko at nauna ng pumasok sa loob ng bahay.

"Mom si Axel nandito." sabi ko.

"I told you Chrisha mas sweet siya." bulong ni Ate.

"Bahala ka nga." asar na sabi ko kay Ate na ikinatawa niya.

Hinayaan ko na lang si Ate at pumunta sa sala kung saan naroon si Mom at umupo sa upuan.

"Good Morning!!! Tita." bati ni Axel kay Mom.

"Good Morning!!! din...Ano nga palang ginagawa mo dito??" tanong ni Mom.

"Gusto ko po sanang magpaalam kung pwedeng hiramin sa inyo si Chrisha." sabi ni Axel.

"Saan ba kayo pupunta??" tanong ni Mom at nanatili naman akong tahimik.

"Magsisimba po kami tapos magde-date pagkatapos ng misa." sabi ni Axel.

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now