CHAPTER 46

82 4 0
                                    

Ally POV

Hello ulit sa inyo mga readers. Nandito ako ngayon sa bahay nag-aayos ng kung anu-ano dito sa kwarto ko kahit na birthday ko. Habang nagpapahinga ako ng bandang 9:00 am ay biglang tinawag ako ni Charlly.

"Ally magbihis ka may date daw kayo ni Felix." sabi niya.

"Hoy! Charlly wag ka ngang mang-good time. Tumawag sakin si Felix kanina para batiin ako pero wala siyang sinabing may date kami." sabi ko ng makalapit na ako sa kaniya.

"Basta magbihis ka na lang nag-text sakin si Felix eh at ang sabi niya may date daw kayo." sabi niya.

"Sure ka ba talaga diyan?? Kapag ikaw nanggo-good time yari ka sakin." sabi ko.

"Sigurado ako kaya bilisan mo na malapit na yun, 9:30 am ka daw niya susunduin eh." sabi niya.

"Oo na mag-aayos na ako." sabi ko at pumunta na ulit sa kwarto ko.

Naligo na ako at pagkatapos ay nagbihis at nagsuklay ng buhok. Nagsuot lang ako ng high waste na pantalon at crop top. Ang sinuot ko namang sapatos ay yung white na fila ko. Mga 9:30 am siguro ako natapos.

Maya-maya pa ay may narinig akong busina galing sa labas. Bigla naman akong tinawag ni Charlly. Lumabas na agad ako at pagkalabas ko ay inasar ako ni Charlly.

"Ano naniniwala ka na?? Sabi sayo eh hindi ako nanggo-good time." sabi niya.

"Oo na...Nakabihis na nga diba." sabi ko.

"Pumunta ka na nga dun at naghihintay na si Felix." sabi niya.

"Paalala lang Charlly ha! Birthday ko ngayon, kung paalisin mo ako parang ayaw mo na akong makita. Diyan ka na nga." sabi ko at lumabas na.

Pagkalabas ko ay nakita ko nga yung kotseng sinakyan namin ni Felix nung hinatid niya ako dito. Lumapit naman ako dun at sakto namang lumabas si Felix.

"Happy birthdayulit Ally." nakangiting bati ulit nito sakin at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thank you." sabi ko at pumasok na sa kotse.

Pumasok na rin siya sa kotse. Nag-drive na siya agad. Habang nagda-drive siya ay tinanong ko siya.

"Felix bakit hindi mo sinabing may date tayo ngayon?? Bakit pati tayo magde-date?? Hindi ka naman nanliligaw sakin ah." tanong ko.

"Surprise kase eh at saka gusto ko lang ma-celebrate natin yung birthday mo ng tayong dalawa lang ang magkasama." nakangiting sagot niya.

"Ah eii saan naman tayo punta??" tanong ko ulit.

"Hahaha matanong ka rin pala, sa mall tayo pupunta." sagot niya.

"Ah okay." sabi ko na lang.

Tumingin na lang ako sa may bintana. Hindi ko alam kung bakit pero medyo nakaramdam ako ng ilang kay Felix ngayon.

Felix POV

Habang nagda-drive ako napansin kong tahimik ngayon si Ally kaya tinanong ko siya.

"Ally natahimik ka yata. May problema ba?? Birthday mo ngayon kaya dapat lagi kang nakangiti." sabi ko.

"Huh??" tanong niya.

"Sabi ko natahimik ka. May problema ba??" tanong ko ulit.

"Wala naman." sagot niya.

Nginitian ko naman siya bilang sagot.

'Baka naiilang lang siya sakin.' sabi ko sa isip ko.

Nag-focus na lang ako sa pagda-drive ko. Pagdating sa mall ginawa ulit namin yung mga ginawa namin kahapon.

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now