CHAPTER 80

42 3 0
                                    


Bailey POV

Habang kumakain kami ay naisip kong sabihin sa kanila na dadating sina Mom at Dad pati ang parents ni Chelsea.

"Guys! Dadating nga pala sina Mom at Dad bukas pati ang parents ni Chelsea." sabi ko.

"Talaga dadating sina Tita Bell at Tito Lance??" tanong ni Aron.

"Oo, kami na lang ni Christine ang susundo sa kanila sa airport tapos kayo na lang ang bahala dito sa bahay." sabi ko.

"Makikita na naman natin sina Tito and Tita." sabi ni Dave.

"Na-miss ko sila." sabi ni Jun.

"Hahaha na-miss rin nila kayo." sabi ko.

"Sabi mo pati parents ni Chelsea dadating, ibig sabihin ba nito ipapakilala na ni Chelsea si Jun sa parents niya??" sabi ni Dave.

"Oo." sagot ni Chelsea.

"Hahaha Jun ready mo na ang sarili para bukas para magustuhan ka nina Tita Cherry at Tito Sean." biro ko kay Jun.

"Hahaha okay lang yun. Alam ko namang matatanggap nila ako at saka kung hindi edi wag." sabi niya.

"Paano si Chelsea kung hindi ka tanggap ng parents niya??" tanong ni Christine kay Jun.

"Itatanan ko, joke. Siyempre ipaglalaban ko si Chelsea at sisikapin kong magustuhan ako ng paraents niya pa sa kaniya." sagot ni Jun.

"Yiiieee naman." pang-aasar namin sa kanila.

Pagkatapos ng asaran na yun ay natapos na rin kaming kumain. Siguro mga 7:30 pm kami natapos.

"Guys tutulog na kami ni Christine, maagap pa kami bukas eh." sabi ko at hinawakan ang kamay ni Christine.

"Okay, goodnight and sweet dreams." sabi ni Chelsea samin.

Umakyat na kami ni Christine papunta sa kwarto ko. Pagkahiga ko ay pinahiga ko si Christine sa may braso ko at niyakap siya.

"Goodnight, i love you." sabi ko sa kaniya.

"Goodnight, i love you more." sabi niya.

"Wala ba akong goodnight kiss??" tanong ko.

"Siyempre meron." sagot niya at bumangon tapos ay hinalikan ako pero smack lang. "I love you." sabi niya ulit at humiga.

"I love you more." sabi ko at hinalikan siya sa ulo niya.

Pagkatapos ng nakakakilig naming palitan ng i love you ay natulog na kami.

KINABUKASAN

Nagising ako ng 4:00 am. Hindi ko muna ginising si Christine dahil mga 5:30 am pa naman kami aalis. Isang oras at kalahati kase ang biyahe papuntang airport kapag mula dito sa bahay.

Tapos ang dating nina Mom at Dad pati nina Tita Cherry at Tito Sean ay 7:00 am. Ang gagamitin naming sasakyan sa pagsundo sa kanila ay yung Van ni Dad na saka ko lang ginagamit kapag susundo sa kanila.

Anyway bumaba na ako at pumunta sa kusina para magluto ng pang-breakfast namin ni Christine. Oo para lang samin ni Christine kase mas gusto ng barkada na bagong luto ang pagkain kay si Jun na lang magluluto ng para sa kanila.

Ang niluto ko na lang ay kanin tapos dalawang egg at bacon. Habang nagluluto ako ay narinig kong tinatawag ako ni Christine. Narinig ko rin ang tunog ng tsinelas na gamit niya. Nang makarating dito sa kusina si Christine ay tinanong niya.

"Boyfriend ko bakit hindi ka sumasagot??" tanong niya.

"Naka-tutok to egg ako eh." sagot ko.

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now