CHAPTER 41

99 5 0
                                    



Felix POV

Uwian na ngayon kaya naman diretso agad ako sa bahay. Iniisip ko pa rin yung naging pag-amin ko kay Ally kanina. Pagdating ko sa bahay sinalubong agad ako ni Mama.

Si Mama na lang ang kasama ko sa buhay at ang nag-iisang kapatid kong lalaki na si Lexi iniwan na kase kami ng tatay namin ibig kong sabihin sumama na sa iba.

"Oh! Felix kamusta school??" tanong ni Mama.

"Okay lang naman po Ma." sagot ko.

"Oh! Ano kuya may girlfriend ka na ba??" tanong ni Lexi sakin habang nagbabasa ng pocket book.

"May balak ligawan." sagot ko kaya napatingin agad siya.

"Talaga kuya?? Dalhin mo dito minsan ha para naman magkaron na ako ng Ate." sabi niya.

"Oo ba...Ikaw baka may boyfriend ka na ha bawal pa grade 8 ka pa lang." sabi ko.

"Ito naman si Kuya wala pa ano at saka aral muna." sabi niya.

"Ah talaga aral muna?? Eh bakit puro pocket books binabasa mo??" tanong ko.

"Kuya naman may nakukuha rin naman akong aral dito no." sagot niya.

"Hahhaha kayong dalawa punta na kayo dito sa kusina kakain na." sabi ni Mama.

Pumunta naman na kami ni Lexi sa kusina. Habang kumakain kami naitanong sakin ni Mama kung sino yung balak kong ligawan.

"Felix sino ba yung swerteng babae ang balak mong ligawan??" tanong ni Mama.

"Ah si Ally Shuai po. Dadalhin ko po siya dito kapag pumayag na siyang ligawan ko siya." sagot ko.

"Mabuti pa nga." sabi ni Mama.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na agad ako sa kwarto ko. Kahit na nakahiga ako ay hindi pa rin ako makatulog. Maya-maya pa habang pinipilit kong tumulog ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

*Tok Tok Tok

"Pasok, hindi naka-lock yan." sabi ko.

Bumukas naman ang pinto at pumasok si Lexi sa kwarto ko.

"Kuya usap tayo." sabi ni Lexi at umupo sa gilid ng kama ko umupo na rin ako pero indian sit ang ginawa ko.

"Ano namang pag-uusapan natin??" tanong ko.

"Edi yung babaeng balak mong ligawan. Ano maganda ba??" tanong ni Lexi.

"Oo mas maganda pa sayo, hindi naman kailangang maganda eh basta mabuti siyang tao." sagot ko.

"Ang kuya ko tunay na inlove na nga." sabi niya.

"Ikaw kapag may nanligaw sayo sabihin mo agad sakin ha." sabi ko sa kaniya.

"Opo Kuya alam ko na yun. Sino unang nagkagusto siya o ikaw??" tanong niya.

"Siya." maikling sagot ko.

"Teka eii sinong unang umamin??" tanong ulit niya.

"Siya rin." sagot ko.

"Huh?? Bakit siya ang unang umamin dapat ikaw." sabi niya.

"Eh kase nagtaka ako kung bakit marami siyang alam sakin kaya tinanong ko siya. Nalaman kong siya pala yung dati kong kinukuwento sayo na parang sumusunod sakin. Tinanong ko siya kung bakit niya ako sinusundan at yun umamin siya na may gusto siya sakin." mahabang sabi ko.

"Ah...Paano mo nalaman na may gusto ka sa kaniya??" tanong ulit ni Lexi.

"Ah dahil kay Dino." sagot ko.

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now