CHAPTER 69

39 1 0
                                    

Alexius POV

Kahit na lunch na ay kagigising ko pa lang. Ang sakit ng ulo ko. Habang naglalakad papunta sa lamesa ay naalala ko yung babaeng nagpapa-alis sakin kagabi sa bar. Naisip kong umub-ub muna kase sobrang sakit talaga ng ulo ko. Habang naka-ub-ub ay may biglang nagsalitang babae.

"Buti naman at gising ka na." sabi niya kaya napabangon ako.

"Teka ikaw ba yung babae kagabi?? Anong ginagawa mo dito sa condo namin??" tanong ko.

"Oo ako nga yung babae kagabi. Nandito ako dahil dun sa kaibigan mong si Sam. Ito oh kainin mo tapos inumin mo to kapag nakain mo na to." sabi niya.

"Nasaan ba si Sam?? Anong nangyari kagabi??" tanong ko.

"Si Sam pumasok na sa school niyo. Kagabi naman, ayun hirap na hirap akong akayin ka papunta sa parking lot. Nahirapan din akong hanapin yung susi ng kotse mo na nasa bulsa lang pala ng jacket mo." sagot niya at inayos yung pagkain at inilagay sa harap ko.

"Ah salamat at saka pasensiya na sa abala. Ano nga ulit ang pangalan mo??" tanong ko.

"Camari Grey." sabi niya at inilahad yung kamay niya.

"Alexius Lurica." nakangiting sabi ko at saka nakipag-shake hands sa kaniya.

"Bakit ka pala nagpakalasing kagabi??" tanong niya at umupo sa upuan na nasa right side ng lamesa.

"Trip ko lang." sagot ko at nagsimula ng kumain.

"Broken ka no." sabi niya.

"Dati pero hindi na ngayon at isa pa magkaibigan na kami ng ex ko." sabi ko.

"Ows talaga?? Sa pagkaka-alam ko kase kapag mahal mo talaga yung taong yun 15 months and 27 days muna ang lilipas bago mo siya malimutan." sabi niya.

"Yun ay kung hindi mo agad makikita ang taong para sayo talaga. Ako kase nakita ko na yata." sabi ko.

"Sino naman yun??" tanong niya.

"Ikaw." sagot ko.

"Hoy!!! Tigil-tigilan mo ako sa mga ganiyan mo. Kakakilala mo lang sakin kagabi tapos kung makapagsalita kang ako yung nakatadhana sayo, ano to joke??" sabi niya.

"Hindi ako nagbibiro no." sabi ko.

"Manahimik ka na nga lang kung yan lang ang sasabihin mo." sabi niya.

"Hahaha okay." sabi ko.

"Sabi pala ni Sam hindi daw siya makaka-uwi agad kase didiretso siya sa mall para mamili ng christmas gift para sa mga teacher. Saka ang sabi niya kung may ipapabili ka i-text mo na lang daw sa kaniya." sabi niya.

"Matagal na ba kayong magkakilala ni Sam?? Mukhang sobrang close na kayo ni Sam eh." sabi ko.

"Kagabi ko lang siya nakilala. Eh feeling close sakin kaya eto feeling close rin ako sa kaniya." sabi niya.

Tumango-tango naman ako sa sinabi niya. Maya-maya pa ay tumunog yung phone ko. (AN: Simpleng ringtone lang po ang kay Alexius walang arte sa buhay yan eii. Sa wallpaper pa lang halata na eii.).

"Hello Sam." sagot ko sa phone.

"Ano may ipapabili ka ba??" tanong niya.

"Bakit bibili ka na ba?? Lunch pa lang ah." sabi ko.

"Magha-half day ako wala namang ginagawa sa school eh. Saka para makapunta na ako diyan, nakakahiya kay Camari eh." sabi niya.

"Okay lang, wala naman akong gagawin eii." singit ni Camari.

 The Boy Changed The GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang