CHAPTER 82

28 3 0
                                    

Christine POV

Gaya ng laging nangyayari lumipas na naman ang mga araw at ngayon ay May 8 na. Inaayos na ngayon ang design dun sa may tent. Nandito rin sa bahay sina Tita Bell, Tito Lance, at si Bailey. Nagpa-cater na lang kami para konti na lang ang lulutuin.

Ang kulay ng mga telang design ay pink and white. Ang kulay naman ng isusuot kong dress ay pink. Off shoulder ang design niya. Anyway kasama ko nga pala si Bailey dito aa may kusina. Nililinis namin yung mga gagamitin sa pagkain mamaya.

"Girlfriend ko anong oras ang simula ng program??" tanong niya habang nagbabanlaw ako kase ang nagsasabon.

"7:00 pm." sagot ko.

"Ah Happy 18th Birthday." sabi niya.

"Thank you." sabi ko.

"Ano nga palang kulay ng dress mo??" tanong ko.

"Pink." sagot ko.

"Ah sige bibili ako ng pink na necktie mamaya." nakangiting sabi niya.

"Hahaha grabe effort ah." sabi ko.

"Siyempre naman, ito ang special day mo eh. Saka para naman may terno tayo." sabi niya.

"Dapat gwapo ka mamaya ha." sabi ko.

"Ibig sabihin hindi ako gwapo ngayon??" tanong niya.

"Hahaha siyempre gwapo ka ngayon. Ang ibig kong sabihin ay dapat mas gwapo ka mamaya." paglilinaw ko sa sinabi ko.

"Ikaw rin ha dapat mas maganda ka mamaya." nakangiting sabi niya.

"Siyempre naman." sabi ko.

Pagkatapos naming hugasan yung mga gagamitin ay pinunasan naman namin yun. Pagkatapos ay nilagay na namin sa mga lagayan.

"Bailey!!!" tawag ni Tita mula sa labas.

Agad namang pumunta sa may pinto si Bailey at tinanong si Tita. Sumunod na rin ako sa kaniya.

"Bakit po??" tanong ni Bailey.

"Itong ilaw ilagay mo nga." sagot ni Tita.

"Okay po." sabi ni Bailey.

"Boyfriend ko ingat ha baka makuryente ka." sabi ko.

"Don't worry Christine hindi pa naman nakasaksak yung extension eh." sabi ni Tito.

"Ah okay po." sabi ko na lang.

Pagkalagay niya ng ilaw ay bumaba na agad siya. Nga pala pumayag na sina Tito Sean, Tito Lance, Felix, Xyrille, Matt, Axyrus, Aron, Dave, Jun, James, Charlly, Dino, Stell, Axel, Alexius, Jay, at Sam na makasayaw ko mamaya sa 18 roses.

Siyempre si Bailey yung escort ko kaya matic na kasama siya sa 18 roses. Pumayag na rin yung mga girls na sa 18 candles sila kasama. Marami pang 18 something kasama yung mga kaklase ko.

Lumipas ang oras at ngayon ay inaayusan na ako. Naka-suot na rin sakin ang dress ko. Nasa labas na ang mga bisita at si Bailey naman ay katabi ko. Pagkatapos ng pag-aayos sa akin ay nagsalita si Bailey.

"Lalo kang gumanda." bulong niya.

"Hahaha ikaw nga lalong gumwapo." sabi ko naman sa kaniya.

"Christine lumabas na kayo ni Bailey. Inaantay na kayo ng mga bisita." nakangiting sabi ni Mama kaya tumayo na ako.

"Ma ang ganda niyo ngayon ah." sabi ko.

"Mas maganda ka." nakangiting sabi ko.

"Let's go??" tanong naman ni Bailey sakin.

"Let's go." sagot ko at humawak sa braso niya.

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now