CHAPTER 22

176 6 0
                                    


Alexius POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa room nina Christine para sunduin siya at ihatid sa bahay nila. Nakita ko Naman na palabas na siya Kaya medyo binilisan ko na ang paglalakad.

Paglapit ko sa kaniya ay binati ko siya.

"Hello Christine I love you" Sabi ko

"I love you too" Sabi niya at hinalikan ako sa pisnge

"Ang sweet Naman ng Girlfriend ko" Sabi ko

"Hahaha Tara na nga" Sabi niya

Naglakad kami ni Christine ng magkahawak ang kamay papunta sa parking lot.

"Sino pa lang panlaban niyo sa spoken poetry??" Tanong niya sakin

"Ako at si Jay...Sa inyo??" Sabi ko at tinanong Rin siya

"Ako at si Bailey" sagot niya

"Ahh ibig sabihin magkalaban tayo" Sabi ko

"Oo siguradong panalo ka" Sabi niya

"Wag Kang mag-alala handa akong magpatalo para lang sayo" Sabi ko

"Hahaha Basta good luck na lang satin" Sabi niya

Hindi na ako sumagot at nag-focus na lang ako sa pagda-drive. Pagdating sa bahay nila ay pinagbuksan ko siya ng pinto

"Pasok ka muna" Sabi niya

"Hindi na may gagawin pa ako eh" Sabi ko

"Ahh okay ingat ka na lang...bye" Sabi niya at pumasok na sa loob

Umalis na ako at sa dorm namin pumunta. Pagdating ko dun ay agad akong sinalubong ni Sam.

"Uyy Alexius malapit na mag-August 2...Alam mo na ba ang gagawin mo??" Sabi niya

Oo nga pala malapit na mag-August 2 ibig sabihin makikipag-break na ako Kay Christine.

"Kaya nga ibig sabihin Ibibigay mo na sa akin ang kotse mo" Sabi ko

"Ayyt natalo nga pala ako sa pustahan" sabi niya at pumunta sa sa higaan niya

Tahimik Naman akong humiga sa higaan ko at naisip kong sobrang masasaktan ko si Christine kase halata sa kaniya na Mahal niya talaga ako.

Sa loob ng isang buwan na kami ni Christine unti-unti ring nahuhulog ang loob ko sa kanya Kaya parang Hindi ko kayang Makita siyang nasasaktan ng dahil sakin.

August 3 pa Naman Yung program baka Hindi makapag-perform si Christine ng maayos dahil sakin. Siguro naman sasaluhin ni Bailey si Christine Kaya okay lang.

Tuesday

Ganon pa Rin sabay kaming nag-recess at nag-lunch ni Christine at hinatid ko ulit siya sa bahay nila.

Wednesday

Sabay ulit kaming nag-recess at nag-lunch. Pagkatapos ng 1st subject namin ay Wala ng next teacher Kaya nakakuha na Naman ng chance Sina Stacey para kausapin ako. Pero Hindi ko Alam Kung bakit dalawa lang sila Hindi nila kasama Yung Chelsea.

"Hello Alexius" malanding bati nito sa akin

"Anong kailangan niyo??" Tanong ko sa kanila

"Paniguradong magagalit ka Kay Christine kapag nakita mo to" Sabi ni Margot Yung isang alipores niya may iniabot sa aking brown envelope

"Ano to??" Tanong ko sa kaniya

 The Boy Changed The GirlOn viuen les histories. Descobreix ara