CHAPTER 28

151 5 0
                                    

Chrisha POV

Hanggang hapon naririnig ko pa rin ang bulungan ng mga students tungkol dun sa story na ginawa ni kuya Bailey. Nandito pala ako ngayon sa harap ng pinto ng kwarto ni ate at nagdadalawang-isip ako kung kakatukin ko ba o hindi.

Gusto ko lang namang malaman kung sure na siya sa pagta-transfer niya ng school. Habang pabalik-balik ako hindi ko namalayang napansin ako ni Mom.

"Oh! Chrisha ano pang ginagawa mo diyan??" tanong ni Mama.

"Ah! Mom gusto ko lang po sanang makausap si Ate." sabi ko.

"Ahh bakit hindi ka pa kumatok??" tanong ulit ni Mom.

"Ah kasi po baka ayaw niya." sabi ko.

"Okay lang yan sa kaniya. Diba nga nung bago ka pa lang dito sabi niya kumatok ka lang kung may kailangan." sabi ni Mom.

"Sige po. Thanks Mom." sabi ko.

"Oh siya sige matutulog na ako ha pagod ako ngayong araw eii." sabi ni Mom.

"Goodnight Mom." sabi ko at ngumiti naman ito bago pumasok sa kwarto niya.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto.

*Tok Tok Tok

"Sino yan??" malamig na tanong ni Ate.

"Si Chrisha to Ate." sabi ko.

"Anong kailangan mo??" malamig na boses na naman ang narinig ko.

"Ah gusto lang sana kitang kausapin Ate." sabi ko.

Maya-maya pa ay binuksan na ni Ate ang pinto ng kwarto niya.

"Dun na lang tayo mag-usap sa sala." sabi ni Ate at nauna ng pumunta doon.

Sumunod agad ako kay ate at umupo sa upuan na nasa harap ng upuan niya.

"Tungkol saan ang pag-uusapan natin??" tanong ni Ate.

"Hmm Ate sigurado ka na ba sa desisyon mong lumipat ng school??" nahihiyang tanong ko.

"Oo naman bakit mo naman natanong?? Nasan si Mama??" tanong ni Ate.

"Si Mom matutulog na daw napagod daw siya ngayong araw eii." sagot ko.

"Ahh okay so bakit mo naitanong kung sigurado na ako??" tanong ulit niya.

"Ah kase Ate baka nabibigla ka lang sa mga desisyon mo." sabi ko.

"Alam mo Chrisha kapag nagdesisyon ka tungkol sa isang bagay dapat sigurado ka na dun kasi kung hindi ibig sabihin hindi mo kayang panindigan ang isang bagay tulad na lang ng isang gamit for example may mga gamit ka na gusto mo ng itapon dapat pag-isipan mo ng mabuti kasi kapag naitapon mo na hindi mo na maibabalik pa pano na lang kung isang tao yun." sabi ni Ate.

"Sorry kung jinudge ko yung desisyon mo Ate kasi malulungkot ako kasi hindi na tayo same ng school at tsaka panigurado mamimiss ka nina Kuya Bailey." sabi ko.

"Ano ka ba lilipat lang ako ng school pero hindi ako lilipat ng bahay." biro niya.

"Ate basta mag-iingat ka dun ha." sabi ko

"Oo naman." sabi niya.

"Sige Ate matulog na tayo." sabi ko.

"Sige mauna ka na." sabi niya.

Naglakad na ako papunta sa kwarto ko at bago ko isara yung pinto lumingon ulit ako kay ate.

"Goodnight Ate." sabi ko.

"Goodnight din." sabi niya.

Bago ko pa maisara ang pinto tinawag ulit ako ni Ate.

"Chrisha may sasabihin lang ako sayong mahalaga. Ingatan mo si Axel ha kase hindi porket babae ka ay ikaw lang ang iniingatan kailangan pareho niyong iniingatan ang bawat isa kasi once na nawala ang isang bagay o tao hindi na maibabalik pa lalo na kung may nakakuha ng iba." sabi ni Ate.

 The Boy Changed The GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon