CHAPTER 73

26 3 0
                                    


3rd Person POV

Pagkabalik nina Bailey ay agad na niyakap ni Christine si Bailey at ganon din ang ginawa ni Chelsea kay Jun. Samantalang si Stacey at Margot ay nag-aalalang tinanong sina Bailey kung nasaan sina Aron at Dave.

"Nasaan sina Aron??" nag-aalalang tanong ni Stacey kay Jun.

"Sila ang gustong makalaban nina Rex." sagot ni Jun.

"Bakit hindi niyo sila sinamahan??" naiiyak na tanong ni Margot.

"Sorry, ang sabi kase nung dalawa ay bumalik kami dito para protektahan kayo." sabi ni Bailey.

"Alam kong hindi maalis ang pag-aalala niyo sa kanila pero magtiwala kayo sa kanila na matatalo nila si Rex at Eros." sabi ni Christine.

"Kaya nga, isa pa narinig niyo naman na kayo ang nakataya sa laban nila diba. Alam kong gagalingan nung dalawa para hindi kayo makuha ng Rex at Eros na yun." sabi ni Chelsea.

Habang sina Stacey at Margot ay nag-alala kina Aron at Dave. Ang dalawa ay nakikipag-laban na kina Rex at Eros.

"Hinding-hindi mo makukuha sakin si Stacey." sabi ni Aron at sinuntok si Rex sa tiyan.

"Tingnan natin." nakangising sabi ni Rex at sinuntok si Aron sa mukha.

Nagpatuloy lang sa paglalaban ang dalawa. Sa dalawa mas madami ng tama si Rex pero hindi niya pinapahalata kay Aron na nanghihina na siya dahil sa mga natamo niya kay Aron.

"Mukhang mapapasakin na si Margot ah." nakangising sabi ni Eros kay Dave.

"Paano mo nasabi??" nakangising sabi ni Dave at tinuhod ang tiyan ni Eros dahilan para magsuka ng dugo si Eros.

Ang hindi alam nina Rex at Eros ay lalong nagpupursigi sina Aron at Dave na matalo sila sa tuwing binabanggit nila ang pangalan ni Stacey at Margot. Nagpatuloy lang sa paglalaban ang apat. Maya-maya pa ay bumagsak na si Eros na punong-puno ng dugo.

"Akala ko ba makukuha mo na sakin si Margot??" nakangising tanong ni Dave sa nakahigang si Eros at pinag-susuntok ulit ito sa mukha.

"Tama na yan Dave." sabi ni Aron pagkatapos niyang mapatumba si Rex.

Tumayo naman si Dave at lumapit kay Dave. Bago sila umalis ay nagbantang muli si Rex sa kanila.

"Natalo niyo kami ngayon pero sa susunod sisiguraduhin na naming hindi na ulit kami matatalo. Hinding-hindi namin hahayaan na maging masaya kayo." sabi ni Rex at nawalan na ng malay.

"Huwag mo na siyang pansinin." sabi ni Dave at naglakad na sila pabalik sa Sagpro.

Stacey POV

Nasaan na ba yung dalawang yun. Arrrggghh kapag si Aron nawalan ng malay dudurugin ko talaga ang katawan ng Rex na yun. Anyway kanina pinabalik na ang ibang students sa kani-kanilang room.

Nanatili kami dito sa gym dahil siguradong dito pupunta sina Aron at Dave. Habang nakatayo ako at pabalik-balik sa paglalakad ay biglang may humawak sa braso ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Christine." usal ko sa pangalan niya.

"Tama na yan, alam kong matatalo nila sina Rex at Eros." sabi niya sakin.

"Bakit ang tagal nila?? Naiiyak na ako dito eii." sabi ko.

"Magtiwala ka lang, parating na rin yun." sabi niya.

"Nasaan si Margot??" tanong ko.

"Ayun umiiyak na sa pag-aalala." sabi niya at tinuro si Margot na nakayakap kay Chelsea.

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now