CHAPTER 65

78 5 0
                                    

Chapter 65

Felix POV

Hello ulit sa inyo mga readers. Eto kami ngayon nakikinig sa discussion. Ganito na lang iku-kwento ko na lang sa inyo yung pagpapakilala ko kay Ally.

FLASHBACK

Pagkatapos naming magpaalam kina Bailey ay pumunta na agad kami sa bahay. Pagkababa ay kinakabahan si Ally kaya hinawakan ko yung kamay niya.

"Huwag ka ng kabahan kase kilala ka na nila at saka sila na rin ang nagsabi sakin na kahit sino ka man o kung ano ka man ay magugustuhan at magugustuhan ka raw nila." sabi ko.

"Talaga??" tanong niya.

"Oo kaya tara pasok na tayo." sabi ko.

Pumasok na kami sa bahay at sinalubong naman kami ni Lexi habang nagce-cellphone kaya hindi niya agad napansin si Ally.

"Kuya pumunta ka na sa kusina kakain na daw tayo." sabi niya.

"Eh bakit nagce-cellphone ka pa??" tanong ko.

"Hayaan mo na last chapter naman na to." sabi niya at tumingin sakin kaya nakita na niya si Ally. "Ikaw na ba si Ate Ally??" tanong niya kay Ally.

"Hehe hi." nahihiyang sabi ni Ally.

"Kuya mas maganda nga sakin." bulong niya sakin.

"Hahaha sabi sayo eh." sabi ko.

"Hm ano yun??" takang tanong ni Ally.

"Wala yun." sabi ko.

"Welcome home nga pala sayo Ate Ally at saka feel at home na rin." nakangiting sabi ni Lexi kay Ally.

"Thank you." nakangiting sabi naman ni Ally.

Pumunta na kami sa kusina. Pagdating dun ay inaayos na ni Mama yung mga pinggan.

"Felix maupo ka na at kakain na." sabi ni Mama at saka tumingin sakin.

"Ma si Ally po yung nililigawan ko po." sabi ko

"Ah siya pala si Ally. Hello sayo iha, feel at home ha at saka mas maganda ka pa sa ini-expect ko." nakangiting sabi ni Mama.

"Ate Ally kwentuhan tayo mamaya ha." sabi ni Lexi.

"Sige." sabi ni Ally.

"Sige kain na tayo." sabi ko.

Nagdasal na kami at pagkatapos ay kumain na kami. Pagkatapos naming kumain ay nag-presenta na ako na maghugas ng mga pinag-kainan namin.

"Ma ako na lang po maghuhugas." sabi ko.

"Ate tara na maghuhugas pa naman si Kuya eii." sabi ni Lexi at hinila na si Ally.

Si Mama naman ay pumunta na sa kwarto niya. Sinimulan ko ng maghugas ng pinggan at pagkatapos ay nilagay na sa mga lagayan.

End of Flashback

So ayun na nga ang nangyari. Buti na lang talaga mahilig makipag-close ang kapatid ko.

Ally POV

Hi sa inyo mga readers. Nandito nga pala ako ngayon sa room. Arts ang subject namin ngayon kaya naman nagpipinta kami ngayon. Kwento ko na lang sa inyo kung anong nangyari pagka-hila sakin ni Lexi.

FLASHBACK

Hinila ako ng hinila ni Lexi hanggang sa makarating kami sa sala. Habang naka-upo ay nagtanong sakin si Lexi.

"Ate paano mo nagustuhan si Kuya??" tanong niya.

"Hindi ko alam kung paano eii pero nung nasigurado kong may gusto ako sa kaniya ay sinundan ko siya ng patago." sagot ko.

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now