CHAPTER 54

75 6 1
                                    

A/N: My new story po akong ginagawa sana po suportahan niyo

THE MIRROR

Jun POV

Kanina hinalikan ko lang si Chelsea kase wala na akong choice pero nung nasa kotse kami trip ko lang para manahimik na siya. Anyway ako nga pala si Jun Seys, 17 years old. Papasok pa lang ako ngayon sa bahay ni Bailey.

"Jun anong nangyari kay Chelsea??" tanong ni Bailey.

"Bakit parang inis yun??" tanong ni Dave.

"Siguro may ginawa ka na namang kalokohan ano." sabi ni Aron.

"Nakasalubong kase namin si Claire tapos sinabi kong girlfriend ko si Chelsea." sagot ko at umupo sa tabi ni Dave.

"Yun lang pala eh, pero bakit parang galit na galit??" tanong ni Bailey.

"Sinabi kase ni Claire na hindi siya maniniwala kapag hindi kami nag-kiss kaya hinalikan ko si Chelsea." sagot ko.

"Baliw ka Jun yung pinsan ko pa talaga ang ginamit mo." hindi makapaniwalang sabi ni Bailey.

"Sorry na hindi ko naman sinasadya yun at saka ang ingay niya kase kaya hinalikan ko ulit siya." sabi ko.

"Dalawang beses mong hinalikan si Chelsea??" tanong ni Aron.

"Hehe ganon na nga." sabi ko.

"Kay Chelsea ka mag-sorry." sabi ni Dave.

"Paano eh baka nga kahit papasukin sa kwarto niya hindi niya gawin." sabi ko.

"Dalhan mo na lang ng pagkain hindi pa kumakain yun eh. Ito yung susi ng kwarto niya in case na naka-lock." sabi ni Bailey.

"Okay, anong pagkain ba ang dadalhin ko sa kaniya??" tanong ko kay Bailey.

"Ipagluto mo na lang siya magaling ka namang magluto eh. Paborito ni Chelsea yung adobo tapos juice orange at dahil nga gabi na gatas na lang ang timplahin mo para sa kaniya tapos kanin siyempre. Yung mga ingredients nandun sa kusina, ikaw na ang bahala." sabi ni Bailey.

"Okay." sabi ko.

Pumunta na ako sa kusina at niluto ang mga sinabi ni Bailey sakin. Nagtimpla na rin ako ng gatas para kay Chelsea. Pagkatapos ay umakyat na ako sa hagdan siyempre. Pumunta na ako sa kwarto niya at kumatok.

*Tok Tok Tok

"Tuloy, bukas naman yan." sabi ni Chelsea.

Pagkasabi ni Chelsea nun ay pumasok na ako. Pagkapasok ko ay nakahiga si Chelsea ng patagilid na nakaharap sa may bintana ng kwarto niya.

"Chelsea kain na." sabi ko.

"Ayoko wala akong gana." sabi niya.

"Hindi pwede, kailangan mong kainin to. Sayang naman ang effort kong magluto." sabi ko at inilagay yung pagkain sa lamesa niya.

"Ayoko nga diba." inis na sabi niya kaya pumunta ako sa harap niya at umupo sa kama niya.

"Yung nagawa ko sayo kanina, sorry." sabi ko.

"Okay na yun nangyari na eii hindi na pwedeng ibalik." sabi niya.

"Sorry talaga, kumain ka na please." sabi ko.

"Wala nga akong gana." sabi niya.

"Kapag hindi ka kumain hindi lang first kiss mo ang kukunin ko." pananakot ko sa kaniya at tingnan siya mula ulo hanggang paa kaya napatingin siya sakin.

"Nasaan na ba yung pagkain??" tanong niya.

Napangiti naman ako ng sabihin niya yun. Pumunta na ako sa lamesa kung saan ko ipinatong yung pagkain at dinala kay Chelsea.

 The Boy Changed The GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon