CHAPTER 35

137 4 0
                                    

Chrisha POV

Ang bilis ng araw Friday na at Saturday na bukas. Feeling ko marami akong gagawin ngayong araw ewan ko ba feeling ko lang siguro yun. Anyway napapansin kong unti-unti ng nagbabago si Ate this fast few weeks, lagi na siyang ngumingiti at tumatawa.

Kahit na ganon feeling ko may something pa rin sa kaniya. Nakakapagtaka kase na halos isang buwan pa lang ang nakakalipas tapos parang wala lang nangyari parang sobrang bilis naman yata niyang maka-move on kay Kuya Alexius usually kase umaabot ng taon ang pagmomove-on.

Haaayyysss bahala na nga. Binilisan ko na lang ang pag-aayos kase susunduin ako ni Axel ngayon. Pagkatapos kong kumain ay nag-toothbrush na ako at inayos ang mga gamit ko. Maya-maya pa ay may narinig na akong bumusina kaya nagpaalam na ako kay Mom pati na rin kay Ate.

"Mom, Ate alis na po ako." sabi ko pareho kase silang nasa kusina.

"Sige ingat ka." sagot ni Mom.

Lumabas na ako at nakita ko naman si Axel na palabas na ng kotse niya. Paglabas niya ay agad niya akong tinawag.

"Chrisha tara na." nakangiting sabi niya.

Ngumiti naman ako sa kaniya at lumapit. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya sumakay na ako. Nag-drive na siya at pagdating sa school hinatid niya ako sa room at tumambay na muna sa room namin.

"Chrisha alam ko na yung plano ni Kuya Jay." sabi ni Axel.

"Talaga...Ano naman yun??" tanong ko.

"Pagkatapos daw ng flag ceremony pupunta si Kuya Jay sa stage at haharanahin si Mikka. Ang gusto ni Kuya Jay ay pumunta ang ibang students sa gilid at iwanang mag-isa si Mikka sa gitna." sagot niya.

"Maganda nga yun full of effort kaso paano natin iiwanan na nag-iisa sa gitna si Mikka?? What if umalis agad siya pagkakita niya kay Kuya Jay??" tanong ko.

"Siyempre naisip ko na yan kailangan natin siya pilitin kasama ang barkada sasabihin nating magtatampo tayo kapag umalis siya ng hindi pa natatapos ang kanta ni Kuya Jay." sagot niya.

"Ano ba yang pinag-uusapan niyo??" biglang tanong ni Ella.

"Wait nandiyan ba si Mikka??" tanong ko muna bago namin sabihin.

"Wala pa naman 6:30 am pa lang eii mga 7:00 am yun dumadating." sagot niya.

"Ah ganon ba tawagin mo na lang yung iba." sabi ni Axel.

"Okay...Jasmine, Josh at Emman punta kayo dito may sasabihin sina Axel." tawag ni Ella sa iba.

Pumunta naman dito yung tatlo.

"Tungkol saan??" tanong ni Josh.

"Diba alam niyo namang ex ni Kuya Jay si Mikka. Nakausap ko si Kuya Jay gusto daw niyang makipagbalikan kay Mikka." sabi ni Axel.

"Oo nga hindi ko nga alam kung bakit naghiwalay ang dalawang yun eii." sabi ni Jasmine.

"So anong connect namin dun??" tanong ni Emman.

"Gusto kase naming humingi ng tulong sa inyo. Ang plano kase ni Kuya Jay ay haharanahin niya si Mikka pagkatapos ng flag ceremony tapos kapag nasa stage na si Kuya Jay pupunta sa gilid lahat ng ibang students at iiwanang mag-isa sa gitna si Mikka. Ang magiging tulong niyo dun ay pipilitinniyong huwag umalis si Mikka sa gitna ng gym." sagot ni Axel.

"Paano naman namin siya pipilitin??" tanong naman ni Josh.

"Sasabihin natin sa kaniya na kapag umalis siya sa gitna ng gym ay magtatampo tayo sa kaniya." sagot ko.

"Wait lang diba nasabi mo na pupunta sa gilid lahat ng students. Paano naman natin papapuntahin lahat ng students sa gilid??" tanong ni Ella.

"Ah kami na ni Kuya Jay ang bahala dun kakausapin na lang namin ang mga president sa bawat room at yung mga teachers." sagot ni Axel.

 The Boy Changed The GirlOn viuen les histories. Descobreix ara