CHAPTER 50.1

67 3 0
                                    

Ngumiti na lang kami ni Chrisha. Buti na lang may sasakyan kaming nasakyan. Pagdating sa mall ay tinanong ko ulit si Chrisha habang naglalakad.

"Chrisha ano bang babaguhin mo sakin??" tanong ko sa kaniya.

"Ate tatanggalin na natin yang napaka-kapal mong salamin at papalitan natin ng contact lens." sabi niya.

"Yun lang??" tanong ko.

"Hindi no, yang pananamit mo papaltan na rin natin. Nagmumukha kang tomboy diyan. Yung mga damit mo papalitan natin ng crop top, yung pants mo okay na pero bibili pa rin tayo ng mga high ways na pantalon." sagot niya.

"Okay bahala ka, by the way saan galing ang pera mo??" tanong ko.

"Sabi kase nina Lola at Lolo baguhin ko raw yang pananamit mo para ka raw kaseng lalaki kung manamit. Nakita kase nila yun nung nakipag-video call tayo sa kanila nung minsan. Pagkatapos nun tumawag sakin si Lola tapos pinadalhan ako ng 15,000." sagot niya.

"Saan galing ang pera nila??" tanong ko.

"Nung nagtatrabaho pa sila lahat ng sweldo nila diretso sa banko kaya ayun nakaipon sila ng 2,000,000." sagot niya.

"Okay." sabi ko na lang.

"Tara dun unahin natin yung contact lenses mo." sabi niya.

Pumunta na kami dun sa tindahan ng mga contact lenses at bumili. Pinili namin yung natural lang dahil ayaw ko nung may mga ibang color. Sunod na pumunta kami ay dun sa tindahan ng mga damit at pantalon. Bumili kami ng sampung crop top, take note akin lang yun.

Bumili rin kami ng limang high waste na pantalon, 2 black at tatlong blue. Sunod na binili namin ay mga pambahay lang pero kahit pambahay ay high waste na maong shorts ang binili ni Chrisha. Lima ang binili niyang maong shorts tapos limang t-shirt rin na sakto lang sakin.

"Ate anong sapatos mo sa bahay??" tanong niya.

"Yung sandals na ginamit ko nung sinagot ko si Alexius tapos black shoes na pang-school at saka ito." sabi ko at tinuro yung rubber shoes kong white na nike.

"Ah sige bili na rin tayo may 5,000 pang natira eii." sabi niya.

Pumunta naman kami sa tindahan ng mga sapatos. Pagdating dun ay tinanong niya ako kung anong gusto ko.

"Ate anong brand ang gusto mo?? At saka anong kulay ang gusto mo??" tanong niya.

"Gusto ko white na keds tapos black na nike." sagot ko.

"Ah sige ako ng bahala dun sa tatlo." sabi niya.

Bumili siya ng limang sapatos. Hindi na niya itinanong yung size ng paa ko dahil alam na niya. Pagkatapos naming bumili ng mga bagong gamit ko ay tinanong ko siya.

"Hindi ka ba bibili ng bagong damit mo??" tanong ko sa kaniya.

"Hindi na ang dami ko na rin kaseng damit." sabi niya.

"Sige na ibili mo na yang natitira." sabi ko.

"Okay sige tapos magpasundo na lang tayo kay Axel." sabi niya.

Bumili na siya ng mga gusto niyang damit. Pagkatapos ay tinawagan na niya si Axel para sunduin kami. Ni-loud speaker niya para marinig ko yung mga sasabihin ni Axel.

*Krrriiinnnggg

*Krrriiinnnggg

"Hello Axel pwede bang sunduin mo kami ni Ate dito sa mall??" tanong ni Chrisha.

"Sorry wala kaseng magbabantay kay Lola eh." sagot ni Axel.

"Ah ganon ba okay sige thank you." sabi ni Chrisha.

"Sorry talaga promise babawi ako next time. I love you." sabi ni Axel.

"I love you too." sabi ni Chrisha at inend na ang tawag.

"Si Bailey na lang ang tawagan mo." sabi ko.

"Okay ate, sana hindi siya busy." sabi ni Chrisha bago idial si Bailey.

*Krrriiinnnggg

*Krrriiinnnggg

*Krrriiinnnggg

"Hello Chrisha." sagot ni Bailey.

"Hello kuya Bailey pwede bang sunduin mo kami ni Ate dito sa mall??" tanong ni Chrisha.

"Ah sige intayin niyo na lang ako diyan. Nasaan ba kayo??" tanong niya.

"Dito sa may tindahan ng Zagu malapit sa pinto ng mall." sagot ni Chrisha.

"Sige sige punta na ako." sabi ni Bailey.

"Thank you Kuya." sabi ni Chrisha at inend na ang call.

"Buti na lang hindi busy si Kuya Bailey." sabi ni Chrisha.

"Hahaha ay wala namang kasama sa bahay yun at saka wala rin kaming assignment or project ngayon kaya wala talagang gawain yun." sabi ko.

"Ah kaya naman pala." sabi ni Chrisha.

Inantay na lang namin si Bailey at habang nag-aantay ay bumili na muna kami ng Zagu gamit yung 500 na natira sa pera namin.

"Christine, Chrisha tara na." sabi ni Bailey na palapit samin.

"Hindi ka ba muna bibili ng Zagu??" tanong ko sa kaniya.

"Ayaw ko tinatamad akong uminom kapag nagda-drive eh." sabi niya.

"Kuya Bailey kamusta na, ngayon lang ulit tayo nagkita eii." sabi ni Chrisha.

"Ok lang naman. Kayo ni Axel kamusta??" tanong ni Bailey.

"Ok lang rin ayun sinagot ko na." sagot ni Chrisha.

"Ah congrats, tara na." sabi ni Bailey.

Pumunta na kami sa kotse niya at sumakay. Inihatid na kami ni Bailey sa bahay at umalis rin agad dahil 7:30 pm na rin.

-RianeMich-

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now