CHAPTER 30

176 5 0
                                    


Chrisha POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nag-dodrawing ako ngayon wala kase akong magawa at hindi pa ako makatulog. Bigla ko namang naalala si Axel habang nag-dodrawing ako.

Hindi naman talaga kami tabing natulog dun sa kwartong ina-sign sa amin ni Kuya Bailey. Sa sofa kase siya natulog pero sa loob pa rin nung kwarto.

FLASHBACK

Pagpasok namin sa kwarto nagsalita si Axel.

"Chrisha dun na lang ako sa sofa malaki naman yung sofa oh!" sabi niya at tinuro pa yung sofa.

"Ano ka ba dito na lanh sa kama. Hindi naman ako malikot matulog at saka pwede naman nating lagyan ng unan sa gitna." sabi ko.

"Pero Chrisha hindi naman ako sanay na may babaeng katabi sa kama at saka isa pa nirerespeto lang naman kita kaya please dun na lang ako sa sofa." pagpupumilit niya.

"Okay bahala ka." sabi ko.

Kahit na labag sa kalooban ko hinayaan ko na lang na sa sofa siya matulog. Ayaw ko rin na mag-away kami. Humiga na ako sa kama at pumikit pero hindi pa ako natutulog.

"Chrisha wag ka ng magtampo babawi na lang ako sayo. Haayy Goodnight" sabi niya at may kasama pang buntong hininga.

Hindi muna ako natulog at pinakiramdaman si Axel kung tulog na. Nung alam ko na tulog na si Axel tumayo ako at humanap ng kumot sa cabinet na nandito sa kwarto. Good thing may isang kumot pa dito.

Pagkatapos kong maghanap ng kumot ikinumot ko yun kay Axel. Naka-air condition kase yung kwarto baka lamigin si Axel at saka baka magkasakit pa siya.

End of FLASHBACK

Pagkatapos kong maalala yun naisip kong sagutin ko na kaya si Axel tutal naiparamdam naman niya sa akin na mahal niya talaga ako. Alam ko naman pati na malaki ang respeto niya sakin at mukhang hindi niya naman ako kayang saktan.

Ano kayang magandang date para sagutin siya??...Hmm...Sa birthday na lang niya sa September 5. Tumingin ako na calendar at binilang. August 13 ngayon at may 3 weeks and 2 days pa para maghanda.

3 days after

Lumipas ang mga araw at mas lalong nahuhulog ang loob ko kay Axel. Ngayon ay magkasama kami dahil babawi daw siya. Nandito kami sa coffee shop.

"Anong gusto mo??" tanong niya.

"Chocolate cake at saka chocolate coffee." sagot ko.

"Sige order lang ako ha." sabi niya.

"Ano ka ba hindi naman ako aalis dito." sabi ko.

Ngumiti na lang siya at pumunta na sa counter. Pagka-order niya dinala na niya agad dito sa upuan namin.

"Ito oh!" sabi niya.

"Thank you...Anong inorder mo??" tanong ko sa kaniya.

"Tulad nung sayo." sabi niya at sumubo ng cake at nadumihan yung gilid ng labi niya.

"Axel nadumihan yung gilid ng labi mo." sabi ko.

"Ah sorry hehehe." sabi niya at pinunasan yung gilid na walang dumi.

"Hindi naman diyan eh." sabi ko.

"Eh saan ba??" tanong niya.

Kumuha ako ng tissue at pinunasan yung dumi.

"Dito oh!" sabi ko at pinunasan ng ayos yung gilid nung labi niya.

Nung aalisin ko na yung kamay ko biglang hinawakan ni Axel ang kamay ko at hinalikan. Tumingin siya sa mata ko tapos nagsalita.

 The Boy Changed The GirlWhere stories live. Discover now