CHAPTER 8

2.8K 106 2
                                    

TINITITIGAN ni Mara ang resibo ng mga pinamili nila ni Sir Icko habang tulak-tulak nito ang cart na naglalaman ng grocery bags ng pinamili nilang ingredients para sa gagawin nilang gourmet mini-cake. Nasa Megamall sila. Kahit natatakot pa rin siya, sinusuportahan siya nina Rika at Ate Izzy kaya lumakas ang loob niya. Isa pa, nasa tabi niya si Icko kaya wala siyang dapat alalahanin.

"We'll do this together, Mara," sabi nito bago sila naghiwalay nang nagdaang araw.

Hinawakan niya ang rim ng salamin na binili nito para sa kanya. Contact lenses sana ang gusto nitong bilhin para sa kanya pero tumanggi siya. Napangiti siya. Wala pang nag-abala sa kanya na ibang tao ng ganoon maliban dito. Nagulat siya nang may pumitik sa harap niya.

"'Oy, Mara, huwag mo akong titigan at baka ma-in love ka sa akin. Bawal iyon," natatawang sabi nito sa kanya.

Bago pa niya marendahan ang bibig ay nakapagtanong na siya. "Bakit?"

"Anong bakit? May balak kang ma-in love sa 'kin?" Nahimigan niya ang panunukso sa tinig nito.

Nataranta siya. Baka isipin nito na sinasamantala niya ito. "Naku, wala! Safe po kayo sa akin, Sir."

Sino ba naman siya para ma-in love sa isang kagaya nito? Ang kapal naman ng mukha niya. But Sir Icko kept on looking at her intently. There was a different glow about him that day. Ano kaya ang nakapagpapasaya rito? Tingnan pa lang niya ito, parang nanlalambot na ang puso niya.

Hoy, Mara, maghunusdili ka!

Ibinaling na lang niya ang atensiyon sa cart na tulak-tulak nila. Nalula siya sa halaga ng ibinayad nito kanina sa grocery. Kumuha ito nang kumuha ng iba't ibang klase ng chocolate at fresh fruits.

"Sir Icko, ang dami ng mga pinamili mo. Masasayang lang 'tong mga chocolate dahil hindi naman natin gagamitin lahat," wika niya rito.

"Eh, di sa 'yo na lang 'yong sobra. Kainin mo habang nagma-marathon ka ng dramas mo."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Thank you, Sir."

Lumapad ang ngisi nito. She knew he was indulging her caprices, and it warmed her heart instantly.

Naglakad ito sa unahan niya habang tumitingin-tingin ng magandang mixer para sa pagbe-bake. Nanghiram sila kay Mang Pilo ng ibang gagamitin nila. Sa kusina ng Caramello rin siya nagbe-bake noon ng cakes at baked desserts. Todo ang suporta sa kanya ni Mang Pilo dahil first time daw niyang gumawa ng hakbang para tuparin ang pangarap niya.

All because of Sir Icko...

Napangiti siya. She thought she was contented with what she had. Dahil dito kaya parang gusto uli niyang mangarap. Gagawin niya ang lahat para hindi ito ma-disappoint sa kanya.

Nang mabayaran na ang mga kinuha nito ay lumabas na sila sa bilihan ng mga gamit sa baking. Habang naglakad-lakad sila sa hallway ng mall, napatigil ito sa tapat ng isang video na nasa loob ng Healthy Options. May nagsasalitang fitness expert sa video—isang babaeng naka-sports attire na kita ang magandang abs sa tiyan at magandang hubog ng legs. Napahawak tuloy siya sa tiyan niya. Maumbok na iyon dahil constipated siya nang araw na iyon.

Kumunot ang noo niya nang maging pamilyar ang mukha ng magandang babae. "Sir Icko! Hindi ba si Rachel 'yan?" bulalas niya.

Marahas na lumingon ito sa kanya. "What did you say?"

"Si Rachel 'yan, 'di ba? 'Yong pangalang binanggit n'yo no'ng lasing kayo..." Hindi niya maituloy ang sasabihin dahil kumunot na ang noo nito. Patay! "Hindi, Sir, wala lang. Joke- joke lang..."

"Paano mo nalaman?" tanong nito.

"Binanggit n'yo ang pangalan niya noong nagdedeliryo kayo. Saka nasa wallet n'yo po, Sir."

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon