CHAPTER 20

2.5K 98 0
                                    

NAIILANG si Mara habang sumisimsim ng iced tea. Nasa katapat niyang upuan si Dylan at pinapanood siyang uminom. Dinala siya nito sa branch ng Sweetest Thing sa Makati. Marami nang tao sa lugar. Napapansin niya na napapalingon ang mga tao sa puwesto nila. She knew it was because of Dylan's presence.

Kahit paano ay medyo gumaan ang pakiramdam niya. Hindi man ito nagsasalita, nararamdaman niya na nababasa nito ang iniisip niya. Naghalungkat siya ng sasabihin sa isip niya. She didn't want to make a fool out of herself in front of him.

"Hindi ko alam na ikaw pala ang nagha-handle ng Sweetest Thing dito. Akala ko..."

"Bum ako? That all I do is play around?" sabi nito pero hindi naman mukhang na-offend.

Napangiwi siya. "Sorry."

"'Ayan ka na naman eh. Don't always say 'sorry' about everything. Kapag may point ka, ipaglaban mo."

Napangiti siya. "At dahil lang ito sa napagkamalan kitang bum?"

Pero imbes na ngumiti ay itinuon nito ang siko sa mesa. "Huwag mo nang iyakan 'yong nakita mo kanina," mayamaya ay sabi nito.

Nag-iwas uli siya ng tingin. Tama nga siya na nakita rin ni Dylan ang nakita niya. It seemed like Dylan need no explanation. Hindi ito nanghuhusga o nanunumbat. Nagpapasalamat siya roon.

"Nakapagpaalam ka ba sa kanya na aalis ka na bukas?" kapagkuwan ay tanong nito.

Umiling-iling siya. Hindi niya kaya. Sa kabila ng nangyari kanina ay hindi pa rin niya kayang magpaalam kay Icko.

"Mara, hindi ka puwedeng mag-back out. Kailangan mong umalis bukas. Don't ever change your mind."

Paano nito nalaman na natatakot na siyang umalis?

Kinurot siya nito sa pisngi.

"Aray!"

"Well, you look like you didn't want to leave Icko. Pero kailangan mong umalis."

"Alam ko. Wala akong lugar dito." Wala akong lugar sa puso ni Icko.

"Sa ngayon. Because right now, you're just one rough gem amongst thousands of diamonds. Even the ugly duckling had to leave to find her place in the world. Iyon ang gagawin mo. You will find your place under the sun. I'll make sure of that."

"Dylan..."

Pinisil nito ang kamay niya. "Be strong. Kailangan mong magpakatatag."

Tumango siya. Sumagap siya ng hangin. Be strong... Sa loob ng maraming taon ay palagi niyang naririnig iyon. Pero isang tao lang ang nagbigay sa kanya ng dahilan para magpakatatag. At hindi pa para sa kanya ang taong iyon.

Biglang nag-ring ang cell phone niya. Si Icko ang tumatawag. Nagpa-panic na tumingin siya kay Dylan. Tumango ito na parang sinasabing sagutin niya ang tawag.

"H-hello..."

"Ahm, Mara," panimula ni Icko. His voice was a pitch higher than normal. "Listen, I think I need to talk to you. Puwede ka ba mamaya? I have something important to tell you. Hindi ko nga lang alam kung matutuwa ka..." Tila may pag-aalinlangan sa boses nito, pero nahihimigan din niya ang tila excitement doon.

Sasagot na sana siya ng "oo," pero nang maalala niya ang nadatnan niya kanina sa opisina nito ay natakot siya. May sapantaha na siya kung ano ang gustong sabihin ni Icko sa kanya. At aaminin niyang naduduwag siyang marinig mismo rito iyon.

"H-hindi puwede, eh. Masama kasi ang pakiramdam ko. Matutulog na ako agad," pagsisinungaling niya. Nakagat niya ang ibabang labi nang tumingin siya kay Dylan.

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Where stories live. Discover now