PART 2: CHAPTER 1

2.8K 101 2
                                    

Three years later...

"THAT'S it for today, class. A demain," wika ni Mara sa harap ng mga estudyante niya.

Unti-unting naglakad palabas ng silid ang mga estudyante niya. Inayos na niya ang mga gamit sa mesa. Hinilot niya ang batok at tumingin sa labas ng bintana. Marami nang nagdaraang mga sasakyan, hudyat na nag-uumpisa nang umuwi sa kanya-kanyang tirahan ang mga tao. Ang iba naman ay mukhang papunta sa pinakamalapit na Teatro.

France was six hours behind Philippine time. Sa ganitong oras, siguradong puno na ang Caramello. Nai-imagine na niya si Mang Pilo na nakaupo sa stool at pinapanood ang mga customer na kumakain. Just like him, she had spent much of her days studying people then. Bagay na nakatulong sa kanya ngayong nagtuturo na siya sa mga estudyante.

"Congratulations, Professor Benitez."

Lumingon siya sa nagsalita. Nakita niya si Nori Watanabe, isa ring pastry chef na nagtapos din sa Le Cordon Bleu at isa sa mga assistant professors doon gaya niya.

"I heard that Amore-sensei sent you in her place. How does it feel to be finally going back after many years?"

Noong isang gabi pa niya iniisip iyon. Siya kasi ang special guest at magbibigay ng speech sa Annual Food Expo kung saan magbibigay ng presentation ang mga nangungunang pastry companies sa Pilipinas.

Tumango siya. "Yeah. It seemed pretty surreal, right? And I'm really honored for the chance, though I don't think I deserve it."

"You deserve it. You always do," nakangiting sabi nito. Tiningnan nito ang mga gamit na inaayos niya. "You're going home?"

Nginitian niya ito. "Work's not done for me yet."

Natawa ito. "You're always overworking yourself. You'll age early. In Japan, no one goes home at five in the afternoon."

Ikinumpas niya ang kamay. Palagi kasi siyang tinutukso ng mga kasamahan niya roon dahil pagkatapos ng trabaho ay dumederetso siya sa apartment niya. Some things never change...

"Or maybe, someone's waiting for you at home. Your boyfriend?" panunukso pa nito.

Lalo siyang natawa. Kilala niya ang "boyfriend" na tinutukoy ng mga ito.

Napangiti na rin siya. "I better go. A demain."

Tumawa ito. Sanay na ito sa mga evading tactics niya. "A demain."

NAPANGITI si Mara nang makita na bukas ang ilaw sa loob ng apartment unit niya. Nakatira siya sa isang apartment building ilang blocks sa Le Cordon Bleu. Iyon na ang naging tirahan niya sa loob ng tatlong taon niya roon.

Nagmamadaling binuksan niya ang pinto ng unit niya. Lumapad ang ngiti niya nang mabungaran ang matangkad na lalaking nakatayo sa kusina niya at naghahalo ng mga ingredient. She had been greeted countless times by that same scene. Naramdaman yata nito ang presensiya kaya humarap ito sa kanya hawak ang frying pan.

"You're early," nakangising sabi nito.

Lalo siyang natawa. "It's good to see you again, Dylan."


"WOW! THIS is really good. Barley? I never even thought of using that," puri ni Mara sa pasta sauce na ginawa ni Dylan. Nasa veranda sila at doon kumakain.

Tuwing dinadalaw siya ni Dylan sa Paris ay palagi na lang itong nag-e-experiment sa kusina niya. Minsan, masarap ang kinakalabasan. Pero kadalasan ay pumapalpak ito. Which she really didn't mind. She was always happy to see him in her apartment.

"Mabuti naman. Akala ko, hindi na kita masu-surprise pagdating sa pagkain," good-natured na sabi nito.

"Para sa bago mong menu?" natatawang sabi niya. Nang mamula ang tungki ng ilong nito ay lumakas ang tawa niya. "Ginagawa mo akong tagatikim."

Ngumisi ito. "Kung hindi papasa sa 'yo, paano papasa 'yan sa mga customer ko? Ayaw kong malugi nang maaga."

A year ago, Dylan proposed the expansion of Sweetest Thing's menu. Gusto nitong gumawa ng pasta station sa mismong loob ng branch. When the proposal was approved, she was the first one to taste his signature house pasta.

"What brings you here?" tanong niya rito. "Akala ko ba, sa NAIA na lang tayo magkikita dahil maraming ginagawa sa opisina?"

Ito ang nagprisintang sumundo sa kanya sa airport. Isa ang TGF sa mga kasali sa Annual Food Expo. Ang sabi nito, mas mabuti raw na maaga siyang bumalik sa Pilipinas. She also took it as a chance to visit her friends before going back to Paris.

Uminom muna ito. Sumeryoso ang hitsura nito. Pakiramdam niya ay bigla itong pinagpawisan, lalo pa at nilalaro-laro lang nito ang kopitang hawak nito.

"C'mon, Dylan," naa-amuse na sabi niya.

"Mara, alam mo bang hindi pa uli ako nagkaka-girlfriend sa loob ng tatlong taon?" biglang sabi nito.

Umarko ang isang kilay niya. "You've lost your touch? Maraming may crush sa 'yo sa mga co-teacher ko. I can vouch—"

"And you know I've been constantly visiting you here whenever I find time, right? I always find time for you," dugtong pa nito na hindi pinansin ang sinabi niya.

Totoo iyon. Sa loob ng mga taong nasa Paris siya ay naging mabuting kaibigan si Dylan sa kanya. Actually, if it not for him, life in Europe wouldn't be as easy. Kapag nalulungkot siya sa naiisip niyang iniwan niya sa Pilipinas ay palaging naroon ito para sa kanya. But they never talked about Icko. Siguro, paraan iyon nito para protektahan siya. Sa isang banda ay ipinagpapasalamat niya iyon.

"You're a good friend, Dylan," she said gratefully.

Halata ang amusement nito. "At siyempre, slow ka pa rin. Or maybe you're trying to dodge, just like what you've been doing to me every time."

"Ha?"

"Mara, will you open your heart for me this time around?"


Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora