CHAPTER 7

2.5K 85 1
                                    

NAGISING si Mara sa sunod-sunod na katok sa pintuan niya. Napatingin siya sa relo niya. Ala-sais pa lang ng umaga. Iyon naman ang gising niya sa Paris pero dahil late nang six hours ang Paris Time sa Philippine time ay hindi pa nag-a-adjust ang sistema niya.

Pupungas-pungas pa siya nang pagbuksan ng pinto ang nasa labas. She was surprised to see Icko standing in front of her door –looking fresh and gorgeous as he had ever been. Muntik pa niyang isipin na nananaginip lang siya.

"Good morning," nakangiting bati nito sa kanya.

"Icko, bakit ang aga-aga mo?" Hindi niya alam kung pagbabagsakan niya ito ng pinto dahil literal na kababangon pa lang niya ng kama. Busabos pa ang hitsura niya. "Diyan ka lang muna. Wag kang papasok. Hindi pa ako nagsusuklay!"

Pero naglalakad na ito papasok ng apartment niya bago pa niya napigilan. Pinasadahan nito ng tingin ang T-shirt at pajama na suot niya.

"I've seen you in far worse state than that, Mara, remember?" nangingiting sabi nito.

Napasimangot siya. Totoo naman ang sinabi nito pero hindi pa rin niya maiwasang mapahiya. She remembered the elegant Rachel. Sigurado siyang kahit bagong gising ang babae ay maganda pa rin ito.

And then she thought of Icko and Rachel. Ilang umaga na kaya ang nagisnan ni Icko na si Rachel ang katabi nito? The thought pricked her heart in painful little ways.

"I'm still a lady, you know that?" naasar na sabi niya. Now, Mara. I thought you've already moved on?

"Woke up on the wrong side of your bed, sweetheart?" Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang amusement sa tinig nito at ang endearment na ginamit nito. Itinaas nito ang paper bag na dala nito. "Nagdala ako ng breakfast natin."

Kaagad na nawala ang inis niya. She wondered why after all these years, Icko was still able to change her mood in a drop of a hat.

"Ano namang breakfast 'yan? Natikman ko na ang lahat ng masasarap na breakfast sa Paris," pang-iinis niya rito.

Natawa ito. Ito na mismo ang nag-ayos ng maliit na table niya sa harap ng TV. Pagkatapos ay umupo ito sa sahig at isa-isang inilabas ang mga dala-dala nito.

"Oh, I bet they don't have these there."

Lumawak ang ngiti niya nang makita ang tapa, itlog, corned beef, at pandesal na nasa mga Tupperware na dala ni Icko. Matagal na ring panahon ang nakalipas mula nang kumain siya ng Filipino breakfast.

At matagal na ring panahon mula nang makasama niya si Icko ng ganito. He looked a little out of place inside her small apartment—with his formal suit and all. Yet at the same time, every part of him seemed to belong there.

Nang makita siya nito na nakatitig lang dito ay tumaas na ang isang kilay nito.

"Kumain ka na rito. Samahan mo ako."

Napailing siya at sumalampak sa tapat nito. "Papunta ka sa opisina, 'tapos, dito ka nakikikain ng agahan. Hindi kusina ang bahay ko, Mr. Laurel," she teased.

"Kasinlaki lang ng kusina ko ang apartment mo," pang-iinis din nito.

"Ang yabang!"

Tumawa na rin ito. Nagsimula siyang kumain pero nanginginig na ang kamay niya. Ewan ba niya kung bakit kinakabahan siya sa harap nito. Marahil dahil matagal din silang hindi nagkita.

"Mara," tawag ni Icko sa kanya.

Nagulat siya nang biglang dumukwang si Icko sa kanya. Napaurong tuloy siya mula sa pagkakaupo. He was leaning his face closer she could even hear him breathing. Tumingin ito sa mga labi niya at nakita niya ang kaagad na paglamlam ng mga mata nito. Pagkatapos ay tumingin ito sa mga mata niya. He looked like he wanted to kiss her, and for a while, time stood still.

Naramdaman na lang niya ang daliri nito sa gilid ng mga labi niya.

"May corned beef," sabi nito sa namamaos na tinig.

Hindi pa agad nag-sink in sa kanya ang sinabi nito. "Oh, corned beef."

Bumalik na ito sa pagkakaupo pero nararamdaman pa niya ang tensiyon sa ere. Tumikhim siya. Kapag naiilang siya ng ganito sa harap ni Icko, baka maramdaman na talaga nito ang epekto nito sa kanya.

"'Nga pala, I watched Healthy Living last night. Hindi ko nakita si Miss Rachel sa show. Naka-leave ba siya?"

Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa sinabi niya pero nakita agad niya ang pagtensiyon nito.

"'Something wrong?" usisa niya.

Nagkibit-balikat ito. "Wala na siya sa show. They removed her more than a couple of years ago."

Hinihintay niyang dugtungan nito ang sinabi nito pero hindi na ito nagpaliwanag pa. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang pakiramdam na parang may mali.

"I'm sorry to hear that," nasabi na lang niya.

"I am, too."

The remorse and regret in his voice surprised her more. Pero alam din niya kung kailan hindi ito uusisain. Isa pa, kaunti lang ang oras na makakasama niya ito. Hindi niya gustong aksayahin ang kakaunting oras na mayroon sila para pag-usapan ang ibang babae.

"Is it true that you came back with Dylan?" biglang tanong nito.

Tumango siya. Bahagya siyang nailang. "Sinundo niya ako sa Paris. Ganoon naman si Dylan. Parang kabute kung magpakita."

"And yet he was there during the most important occasions in your life."

Tumingin ito sa frames na nasa tokador niya. Ngayon siya nagsisisi na dinala-dala pa niya ang mga iyon. Gusto kasi niya ang pakiramdam na palaging nakikita ang mga achievement niya. It helped remind herself every now and then that it was all for the best when she left the country years ago.

"Sa Food Expo noon, sa pag-alis mo, sa graduation mo... He was there during the times that mattered to you. While me," Huminga ito nang malalim. "I promised to be there but I always let you down."

Umiling siya. Hinawakan niya ang kamay nito ang pinisil iyon. "Alam mong hindi totoo 'yan. You've given me enough." Enough for me to go on...

Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Tuwing naiisip niya ang mga nangyari sa kanila noon ay laging tila siya maiiyak. Noong wala pang namamagitan na tatlong taon sa kanila. Dahil kung anuman ang mayroon sila noon ay isang bagay na hindi na niya maibabalik pa.

Napaigtad siya nang lumapit ito sa kanya at punasan ang mga luhang namuo sa mga mata niya. Nang tingnan niya ito ay nakita niyang namamasa rin ang sulok ng mga mata nito. Pero ngumiti ito sa kanya.

"Hanggang ngayon, iyakin ka pa rin," panunukso nito sa kanya.

She wondered if he would ever know the reason why she was crying.

"Wala ka namang gagawin mamaya, 'di ba?" kapagkuwan ay tanong nito. "I'll take you to some place."

"Ha? Hindi ba at may trabaho ka pa? 'Yong sa presentation n'yo pa."

Ngumisi ito. "Marami namang tao sa opisina. Kaya na nila iyon."

"You're selfish," natatawang sabi niya. "If Ivan hears you say that..."

Natawa na rin ito. "Anything for you, Mara."

Simple lang ang sinabi nito at maaaring walang kahulugan pero kumabog pa rin ang dibdib niya. Icko's eyes were expectant. She hated to disappoint him.

"Okay. Hihintayin kita."

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Where stories live. Discover now