CHAPTER 13

2.7K 96 2
                                    

NATIGIL sa pag-inom sa wine goblet si Icko nang may tumapik nang malakas sa balikat niya. Paglingon niya ay nakita niya ang nakangising si Dylan.

"Aba, ang black sheep, kinarir ang pagiging ulirang anak!"

Napailing siya. Kung ano-anong termino ang napupulot nito. Alam din niya kung bakit siya inaasar nito. Nasa celebration party kasi siya ng TGF. Alam kasi nitong hindi siya uma-attend ng mga ganoong party. But this night was extra special.

Tinapunan niya ito ng nakamamatay na tingin. "Hindi ko alam kung bakit ka pinagkatiwalaan ni Dad na i-handle ang branch ng Sweetest Thing sa Makati."

Tila hindi naman ito naapektuhan ng ganting-pang-aasar nito. "Charm, my brother. Bakit kasi wala ka no'n kaya hindi mo alam." Sinenyasan nito ang gumagalang waiter at kumuha rin ng isang kopita ng alak. Inilibot nito ang paningin sa loob. "Great party, huh? Proud na proud ka sigurong maungusan si Ivan sa pagkakataong ito."

Hindi siya umimik. Itinuloy lang niya ang pag-inom ng alak. Sumeryoso ito mayamaya. "Hindi mo pa rin kinakausap si Rachel, ano? Kinumusta ko siya kahapon. Mukhang hindi niya alam na nasa ospital ka noong unang araw na i-confine siya roon."

Lihim siyang napangiwi. Ang tanging matining sa isip niya nang araw na iyon ay nang halikan niya si Mara, at ang pagkagulo ng damdamin niya pagkatapos niyon.

"Is she okay now?" tanong niya. Kahit paano ay nag-aalala siya kay Rachel.

"Nakakapagtrabaho na siya, 'di ba? May shoot yata siya ngayon kaya nagpasabing male-late daw." Tumango-tango lang siya. Huminga ito nang malalim. "Really, Icko, ano ba ang gusto mong iparating? Sa tingin mo ba ay mamahalin ka ni Rachel kapag ganyan ang ipinapakita mo? If you want her back, you should do something."

Hindi pa rin siya umimik. Hindi niya alam kung dahil iyon sa hindi niya alam ang gagawin o kung dahil gusto pa ba niyang bawiin si Rachel. Parang kailan lang, sakop nito ang malaking bahagi ng puso niya. But now, he wasn't so sure anymore.

Dahil may isa nang tao ang mas naiisip mo kaysa mas naiisip mo si Rachel...

Mayamaya ay narinig niyang sumipol si Dylan. "Oh, wow! Pare, ang ganda n'on ah! Start na talaga ng party!"

Napailing siya. Nilingon niya ang inginunguso nito. Ilang metro sa kinatatayuan nila ay may kausap na babae si Ivan at ang ama niya. Sa mapusyaw na ilaw ay kitang-kita niya ang nagniningning na mga mata ng babae habang nakangiti sa sinasabi ng daddy niya. Lahat ng mga tao sa paligid ng babae ay nakatuon ang tingin dito. Hindi niya masisisi ang mga ito. She was beautiful—too beautiful for his comprehension.

"Mara," he whispered softly.

She was Mara, all right. Ang ngiti, ang pagkumpas ng mga kamay, ang mahinang tawa na parang chorus ng mga nagkakantahang anghel. And those budding lips that caught the faint flicker of light.

Naalala na naman niya ang gabing hindi niya mapigilan ang sariling damhin ng sariling mga labi ang mga labi nito. Tama siya. Her lips were even sweeter than the cakes she made. Pinigilan pa niya ang sarili niya na patuloy na halikan ito. Mukha kasing talagang mahihimatay na ito sa harap niya. He didn't know why he found her very endearing when she was crying over some silly soap opera, that he couldn't suppress the urge to kiss her.

Mula noon, may pakiramdam siya na umiiwas ito. Iisa lang naman ang opisina nila pero hindi niya gaanong makita ito sa hallway. Kahit paano ay na-amuse siya. Typical of her since it was her first kiss.

"Kilala ko ang ngiting 'yan. You did something naughty to her, didn't you?" panunukso ni Dylan.

Sumirit tuloy sa ilong niya ang wine na iniinom niya. Ganoon ba siya ka-obvious? "A-ano ba'ng sinasabi mo?" Damn him for stammering!

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Where stories live. Discover now