CHAPTER 14

2.7K 109 2
                                    

WALANG imikan sina Mara at Icko sa loob ng sasakyan nito. Panaka-naka ay sumusulyap siya sa lalaki. Nakangiti ito na parang may magandang iniisip. Nagkaayos na kaya ito at si Rachel? Napabuntong-hininga siya.

"Saan po ba tayo pupunta?" tanong niya rito.

He smiled at her. Her heart tumbled like crazy. "You'll see."

Hindi na siya umimik. Tahimik na lang siyang sumandal sa upuan ng sasakyan nito. Ilang sandali pa ay tumigil sila sa entrance ng TGF. Nagtataka man ay bumaba siya ng sasakyan nang bumaba rin ito. Umiling na lang ito nang lumigid ito para sana pagbuksan siya ng pinto pero nakababa na siya.

"Tara," yaya nito. Nang hilahin siya nito ay sumunod siya.

Dere-deretso lang ito patungo sa VTR room. Madilim sa loob puwera sa dim lights na nakakalat sa kisame. Pero mas nakakatakot na sila lang ni Icko ang nasa loob ng lugar na iyon. Para siyang mamamatay sa tensiyon. Nang pumasok ito sa VTR room ay pinaupo siya nito.

"Diyan ka lang, ako'ng bahala."

Kinalikot nito ang mga apparatus doon. Pero mukhang wala namang alam ito sa mga ganoong bagay dahil mali-mali ang napipindot nito. Napailing na lang siya.

"Ako na," nangingiting sabi niya rito. Napakamot na lang ito ng ulo.

"I-assemble mo lang, ako ang maglalagay ng DVD," sabi nito.

Malihim pa, nasabi niya sa isip. Nang matapos siyang i-assemble ay pinaupo uli siya nito. Napapailing na lang siya nang tumayo si Icko sa tabi ng projector at tumingin sa kanya.

Tumikhim ito. "Sorry dahil hindi kita nasamahan sa product launching. Nag-promise pa naman ako sa 'yo pero hindi ko natupad ang pangako ko," simula nito.

Sandali siyang napatda, pero nanatili siyang nakikinig dito.

Tumikhim uli ito. "But just so you know, a man doesn't break his words. Kapag sinabi kong panonoorin kita ay panonoorin kita."

Bago pa niya maintindihan ang ibig nitong sabihin ay nag-play na ang video. Napasinghap siya nang makita na sa kanya nakatutok ang camera. Siya ang nagsasalita roon! Kuha iyon noong Annual Food Expo! Naitakip niya ang kamay sa mukha.

"Nakakahiya!" aniya kay Icko.

"Bakit ka mahihiya? Nanalo ka kaya!"

Hindi naman dahil doon!

Mayamaya ay nagtanong ang interpreter ni Amore. Kinabahan siya lalo.

"Why do you call this mini-cake 'Kismet'?"

Ngumiti siya nang alanganin sa camera. "It's like... ahm, destined meeting."

"Destined meeting? Paki-explain mo nga, Miss Benitez."

"Para pong kapag may nakilala kayong tao sa buhay n'yo. Sa una, akala n'yo po ay pagkakataon lang ang lahat. Later on, mare-realize n'yo na may dahilan pala kung bakit nakilala n'yo siya sa hindi inaasahang panahon. Kasi, siya po pala 'yong kulang sa buhay n'yo. Para pong 'yong ingredients ng gourmet mini-cake na 'to.They are destined to meet to complement each other.

"Noong una, hindi ko po alam kung ano'ng kulang sa lasa. Nag-try po ako nang nag-try ng different ingredients. Pero wala pong sumakto sa lasang hinahanap ko. Then someone accidentally dropped something on the recipe. No'ng b-in-ake ko po, iyon pala ang hinahanap kong lasa. Parang destined po talagang 'magkakila-kilala' ang ingredients na iyon. At dapat po, 'sakto lang—right timing, right amount. Like Kismet."

Sa puntong iyon ay hindi na siya makatingin kay Icko. Tahimik lang ito. Lulubog na yata siya sa kahihiyan. Alam kaya nitong ito ang tinutukoy niya nang gawin niya ang gourmet mini-cake na iyon?

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Where stories live. Discover now