CHAPTER 15

3K 99 6
                                    

HINDI makapaniwala si Mara sa lahat ng sinabi ni Rachel. Hindi niya alam na marami palang nangyari dito sa loob ng mga taon. At hindi niya mapaniwalaan ang kinailangang suungin nito alang-alang sa pagmamahal kay Icko.

No wonder Icko fell in love with her. She was really outstanding. Samantalang siya, kapag nahihirapan siya ay hindi siya lumalaban.

"I'm sorry to hear that," sinserong sabi niya.

Ngumiti ito sa kanya. "Don't be. Matagal na 'yon. Isa pa, may kasalanan ako sa 'yo."

Nagtatakang tumingin siya rito.

"Natatandaan mo noong nagpunta ako sa bahay mo bago ka umalis? Nalaman ko lang kanina kay Dylan na nakita mo raw kami ni Icko sa opisina niya."

Yumuko siya nang maalala ang sinasabi nito.

"Kung ano man ang nakita mo at sinabi ko sa 'yo pagkatapos niyon, 'wag mo nang isipin 'yon. There's no ounce of truth in it, except for the fact that I've always loved Icko. I'm sorry if I hurt you then. Ang sabi ni Dylan, umiyak ka raw noon."

Nagulat man siya ay mabilis siyang umiling. "No. Huwag kang mag-'sorry.' 'Sabi mo nga, that was all in the past. Alam kong nagawa mo lang 'yon dahil mahal mo siya."

"Pero kailangan ko itong gawin para sa sarili ko. You see, Mara, this is the only way I can forgive myself. Dahil mahal ko siya, naisip kong may karapatan na ako para maging makasarili. Because I've always thought that love is selfish." Rachel was trying to blink back her tears.

"I've hurt him with the excuse that I was hurt. Alam kong nasaktan din kita pero nagpanggap ako na hindi ko alam." Ikiniling nito ang ulo. "Ako rin ang nagbura ng e-mails mo kay Icko? Dahil doon, malamang na inisip mo na nakalimutan ka na niya dahil sa akin."

Doon siya nagulat.

Ngumiti ito nang mapakla. "Natakot ako na kapag nabasa niya, sundan ka niya at iwan niya ako. You see, by loving him, I've become this insecure. Samantalang ikaw, ang layo ng narating mo. Naiinggit ako sa 'yo. Mahal mo si Icko at ginawa mong instrumento iyon para magtagumpay ka. I loved, Icko, too, but I used that love to hurt him... I hurt you, too, in the process."

"B-bakit mo sinasabi sa akin ang mga ito?"

"More than myself, I'm also doing it for someone. Isang taong ginamit at binale-wala ko sa loob ng maraming taon. Pero hindi siya nagreklamo. He loved me to a fault." There was so much regret in her voice. Pero tumawa ito. "At least sa bagay na iyon ay nagkakaintindihan kaming dalawa. It's time that I give myself a chance with him."

Hindi pa rin niya alam kung ano ang dapat sabihin. Pero iisa ang tiyak—lahat ng sama ng loob na kinimkim niya patungkol kay Rachel ay nawala na lahat. In a way, humahanga siya sa paraan nito ng pagmamahal kahit makasarili man ang tawag doon. Nagmahal din siya at alam niya ang pakiramdam na hilinging mahalin ng taong mahal niya.

Ngumiti siya rito. "Icko is lucky to have someone like you."

Na-amuse na tumaas ang isang kilay nito. "Nah. Pulos sakit ng ulo ang ibinigay ko sa kaibigan kong iyon." She gave emphasis on the word "kaibigan." Hinawakan nito ang kamay niya. "Mara, sa dami ng kasalanan ko sa 'yo, alam kong wala akong karapatang humiling sa 'yo. If it's Dylan you want to be with, desisyon mo 'yon. Kung aalis ka, wala akong magagawa roon. But please, decide what you want to do after hearing this."

Inilapag nito sa kanya ang isang iPod. Nagtatakang tiningnan niya iyon.

"Kahit huwag mo nang paniwalaan ang lahat ng sinabi ko sa 'yo. Kahit iyan na lang ang paniwalaan mo."

Inilagay nito sa tainga niya ang earphones. Pinindot nito ang "Play" button.

"Nakita ko 'yan noon sa mga gamit ni Icko sa opisina. Itinago ko. I thought that by doing that, I can bury the truth somehow. Pero may mga bagay talagang hindi para sa isa't isa. I've been with him my whole life, yet he couldn't learn to love me the way I want. While you, you've been with him for barely three months, yet he couldn't forget you."

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Where stories live. Discover now