CHAPTER 16

5.8K 203 32
                                    

NAKITA ni Mara si Icko sa booth ng TGF. He looked very apprehensive and nervous probably because of the presentation. Kahit siya ay kinakabahan. Paano kung mali si Rachel ng sinabi? Paano kung ito talaga ang mahal ni Icko?

Napatingin siya sa iPod na hawak niya. Naalala niya ang lahat ng mga narinig niya roon. That gave her the courage to walk up to him again.

"Icko," tawag niya rito.

Dagli itong lumingon. "Mara," bulalas nito. Nagpalinga-linga ito. "You're alone? Where's Dylan?"

"Naglilibot lang sa mga booth." Tumikhim siya. "Can I talk to you for a moment?" She smiled at him hesitantly.

Bilang tugon, hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya sa parte ng silid kung saan walang masyadong taong dumaraan.

"May problema ba? Kinakabahan ka ba sa speech?" nag-aalalang tanong nito.

She laughed because it was also what he said years ago the night before the competition. Funny how she could remember everything that had happened years ago, down to the tiniest details.

"Kinakabahan ako, pero hindi sa speech." She shifted her feet. Hindi niya alam kung saan mag-uumpisa. "Icko, 'yong sinabi mo sa akin no'ng isang gabi, puwede bang bawiin mo na 'yon? Hindi ko kayang magpaalam sa 'yo kahit kailan."

Nanlulumong sumandal ito sa haligi ng Expo. Tila nahihirapan ito nang tumingin sa kanya. "Mara, I want to, but I can't..."

"Mahal kita, Icko," wika niya sa marahang tinig.

She searched his eyes. Halatang nagulat ito sa sinabi niya, pero paninindigan niya ang sinabi. Kung masasaktan man siya ngayon, wala na siyang pagsisisihan.

"I was such a coward then I couldn't say it. Sa loob ng mga taon ay pinagsisihan kong hindi ko nasabi sa 'yo iyon. I lied to myself that it was okay to let you go. 'Sabi ko, mabubuhay ako nang wala ka. Basta masaya ka, okay na rin ako. Pero ayaw ko nang magsinungaling sa sarili ko, Icko. Hindi ko na kaya kapag nawala ka uli."

She hadn't intended to cry in front of him. Pero kusa pa ring lumabas ang mga luha sa mata niya. Suminghot siya kasabay ng pagpahid niyon.

"I don't want anyone else to have you. I want you for myself. Everything I've done for the last years was because I want to be deserving of you. Gusto kong pantayan si Rachel sa puso mo. I want to be the only woman for you. Hindi ba puwede 'yon ngayon?"

Sa ilang hakbang ay naroon na siya sa loob ng mga bisig nito. Niyakap siya nito nang mahigpit katulad noong gabing nagpaalam ito sa kanya.

"You already are, Mara. You will always have me. Always. Nagsinungaling ako sa 'yo no'ng sinabi kong gusto kong kalimutan mo ako. What I really wanted to say was wait for me. Stay with me if you can. But it will be wrong."

Sa kabila ng lahat ay napangiti siya. "Alam ko."

Bahagya siyang inalayo nito. Nagsalubong ang mga kilay nito. Itinaas niya ang iPod. "Rachel gave me this earlier."

His face became thoughtful. "Rachel did?"

"She told me to run after you. Ang sabi niya, panahon na raw para pakawalan ka niya. She asked for me to thank you in her behalf. And she wanted you to forgive yourself."

"S-sinabi niya 'yon?"

Tumango siya.

Lumamlam ang mga mata nito. Pagkatapos ay bahagya itong tumawa sa kabila ng nakikita niyang pamamasa ng mga mata nito. He looked utterly relieved. "Am I really forgiven? Puwede na kitang mahalin ngayon?"

Umiling-iling siya. "Wala kang kasalanan, Icko. We all have different ways to love, and that's the way Rachel chose to love you. And she chose to move forward this time." Napangiti siya nang maalala ang huling sinabi nito. "And that's the stupidest question I've heard in a long time."

He grinned at her. Ibinuka nito ang kamay nito. "Halika ka nga rito. Baka nananaginip lang ako."

She chuckled despite her tears. Pumaloob siya sa mga bisig nito, where she had always belonged.

"This is real," wika nito. Naramdaman niya ang panginginig ng katawan nito. "You are finally here."

Tumango-tango siya. She managed to speak even when her voice quivered.

"Narinig ko ang lahat ng sinabi mo rito sa iPod. Totoo ba lahat ng ito? Have you really... Did you really love me then? Kahit may Rachel ka pa?"

"I did. I still do. Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko nalaman iyon kaagad noon. Na hindi ko nasabi kaagad sa 'yo. At natatakot ako na baka hindi ko na masasabi iyon kahit kailan sa 'yo. Natatakot ako na masaktan kita katulad ng ginawa ko kay Rachel."

"No, you won't. You will never make the same mistake again," siguradong sabi niya. Hinawakan niya ang kamay nito. "Natatandaan mo 'yong sinabi ko sa 'yo noon? Na lahat ng magagandang bagay, meant-to-be. Na maaaring hindi noon pero darating ang panahon na puwede na. The time for us is now, Icko. Let's leave the past behind."

For the first time that day, he smiled at her. Tila lahat ng mga pasakit nito ay nawala na lahat.

He reached out and kissed the top of her head. "Sinabi mo sa akin noon na kapag nagmahal ka, natural lang na umasa ka. Maghihintay ka, at hihilingin mo ang taong iyon. Iyon ang natutuhan ko sa mga panahong wala ka sa tabi ko. You are what it means to love, Mara. Mahal kita. Kailangan kita. You are the sweetest thing in this world for me. And I swear this time, I gonna have you for the rest of my life.'"

Bahagya siyang inalayo nito. His eyes were filled with love and happiness. And he was looking at her. Looking only at her after all this time. Wala na siyang mahihiling pa.

Hinawakan niya ang pisngi nito. Suminghot uli siya para pigilan ang nagbabanta uli na mga luha.

"It's all right now, Icko. It's okay to move forward now."

Tila may naalala ito dahil bahagyang kumunot ang noo nito. "What about Dylan? Are you sure he's not the one you want? Nandiyan siya palagi sa 'yo sa mga panahong wala ako. And frankly, I wanted to punch him in the face every time he looks at you."

Natawa siya. "He's a good man. I hope he finds the right girl someday. Pero hindi siya ang mahal ko, Icko. Ikaw ang gusto ko. So let's be happy this time, okay?"

His eyes were misty, but he grinned at her. "Sounds like a good idea. So where do we start?"

Ngumisi siya. "Sa congratulatory kiss."

"Now, that's an idea."

Bumaba ang mga labi nito at sinakop ang mga labi niya. It was the first time their lips met after many years, and for the first time, she knew she was finally home.

"And for our special guest, may we call on Chef Mariana Benitez to open the event for us."

Kasunod niyon ay narinig niya ang malakas na palakpakan at ang pagtawag ng host sa pangalan niya.

"Tinatawag nila ako, Icko," wika niya sa pagitan ng paghalik nito.

"Really? Wala akong naririnig," he murmured.

Natawa siya. Hinila siya ni Icko palapit dito at pinalalim ang halik. And she couldn't hear anything else aside from the sound of their heartbeats.


---Wakas---

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Where stories live. Discover now