CHAPTER 10

2.6K 106 2
                                    

SINAMYO ni Mara ang dapyo ng malamig na hangin. Kay tagal nang panahon mula nang tumuntong siya sa rooftop ng TGF. Akala niya ay pauwi na sila ni Icko pero sinabi nito na may gusto pa raw itong daanan. She was surprised when he brought her to the place where her wishes first came true.

Na-excite siya. "Icko, it's still there!" Itinuro niya rito ang aandap-andap na ilaw.

Ngumiti rin ito nang makita ang itinuturo niya. "Your wishing star."

She felt nostalgic. Tanda pa niya ang sandaling nakatayo sila roon. Pagkatapos ng gabing iyon, natupad ang mga pangarap niya. Pero nagkahiwalay rin sila pagkatapos niyon.

"Natatandaan mo pa ba kung saan nagsimula ang kalokohang 'yan?" pagre-reminisce niya. "Umiiyak ako sa pinapanood ko. 'Tapos, 'sabi ko, meant to be ang lahat ng mga bagay, pero kailangan lang ng tamang panahon. 'Sabi mo, bibigyan mo ako ng wishing star."

Ngumisi ito. Nanatili itong nakatingin sa malayo. "Yeah. Your wishing star that doesn't go away even when it rains."

"Kaya lang, hindi naman ulan ang naging problema," aniya rito.

"Umalis ka. You left your star here," mahinang sabi nito. "But it's just there. Tuwing gabi, nakikita ko siya sa opisina ko."

Sinulyapan niya ito. "Nagwi-wish ka pa rin?" panunukso niya rito.

He smiled wistfully. "Palagi. Hinihiling ko na sana makita uli kita," anito habang titig na titig sa kanya. "Everyday, I'm wishing to turn back the hands of time. Gusto kong ibalik ang panahon sa panahong ginagawa pa natin ang Kismet. Iyon ang pinakamasayang panahon sa buhay ko. Or maybe, I would turn it back to the night when we first met. Hindi ako magpapakalasing nang gabing iyon para maitanong ko ang pangalan mo, and I will spend the rest of the night laughing with you."

Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya sa sinasabi ni Icko. Hindi siya makatingin nang deretso rito. Sinikap niyang ituon ang paningin sa pulang ilaw ng tower.

"All these years, I've deluded myself that it was easy to forget you. Naisip ko, mas madaling mabuhay kung hindi ko iisipin ang mga nasasayang na taon na wala ka sa tabi ko. Alam nating pareho na kailangan mong umalis noon. There's nothing much to be gained if you stayed. At ako naman, kailangan ko pa ring ipagpatuloy ang buhay rito.

"But it wasn't easy at all. Kapag nakakakita ako ng babaeng naka-ponytail at nakamahabang palda, naiisip kita. Kapag nakakakita ako ng pirated DVDs, naiisip kita. Kapag umiinom ako ng kape, naiisip ko ang timpla mo. Everywhere I look, I see you. The world may have moved on, but nothing's quite the same without you, Mara."

There was so much sadness in his eyes that for some reason, she wanted to cry for him.

"God knows I wanted to be with you. Kung may pagpipilian lang ako noon, iiwan ko ang lahat at sasama ako sa 'yo sa Paris. At kung may pagpipilian lang ako ngayon, iyon ang gagawin ko. Being with you feels like homecoming."

"Icko, ano ba'ng sinasabi mo? What are you—"

Sa pagkabigla niya ay kinabig siya nito. Her head rested on his chest. Naririnig niya ang mabilis na tibok ng puso nito. They just stayed that way for a long time. Mayamaya ay nagsalita uli ito.

"I can't see you again, Mara."

Napatuwid siya ng tayo at pilit kumawala rito. Pero lalong hinigpitan nito ang yakap sa kanya. "No. Let me stay this way for the last time."

"Ano ba'ng sinasabi mo, Icko?" hindi na niya mapigilan ang panic sa tinig niya.

"Noong umalis ka noon, hindi ako nakapagpaalam sa 'yo. Hindi ko alam kung kaya kong magpaalam sa 'yo sa susunod na mga araw. I don't want to regret not saying my proper good-byes to you."

Nagpapaalam ito! Hindi niya napaghandaan na iyon ang rason kung bakit siya niyaya nitong lumabas ngayong araw. Kahit tila may milyong karayom na tumutusok sa puso niya ay sinikap niyang paglabanan ang emosyon niya. "You don't have to say it that way. We can still remain friends..."

"No," mariing sabi nito. "Ayaw ko no'n. Hindi ko na kayang gawin iyon. I have to let you go now, or I won't be able to do that ever again. I can't do this to you."

Nang marinig niya ang desperasyon sa tinig nito ay wala na siyang masabi. He was saying everything as if it was a matter of life and death.

"D-dahil ba kay Rachel?"

Tumango ito. It was all the answer she needed to hear, and it was the most painful one. Marahan siyang kumalas dito.

"Naiintindihan ko. You can't even be friends with me because of her."

"Kalimutan mo na ako, Mara. Bayad ka na sa lahat ng tingin mo ay utang-na-loob mo sa akin. Just... forget you ever met me. Move on."

Tumango siya. Sinisikap niyang paglabanan ang samut-saring emosyong namamayani sa dibdib niya. "Gusto mong kalimutan kita." Tumingala siya rito at sinalubong ang mga mata nito. "I don't even know if you have the right to ask me to forget you. Hindi kita nakalimutan hindi dahil gusto ko. It's because you live in me, Icko. There's a part of me that will always be yours. I have no choice in the matter."

Dagli niyang naramdaman ang panlalamig. Niyakap niya ang sarili niya.

"At kung papipiliin man ako kung alin sa mga nakaraan ko ang hindi ko makakalimutan, pipiliin ko 'yong gabing nakilala kita. I don't care if you were drunk, or if you couldn't remember my name afterwards. I found you. Your existence alone was a blessing to me. Hindi ko pagsisisihan kahit kailan ang gabing iyon. If that was a burden to you, I'm sorry. Pero huwag kang makiusap sa akin na kalimutan kita. Hindi ko kayang gawin iyon kahit kailan."

Pagkasabi niyon ay humakbang siya patalikod at nagsimulang tumakbo palayo rito. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayaning hindi umiyak sa harap nito.

Dali-dali siyang lumabas ng building at pumara ng taxi. Sa biyahe ay walang tigil ang pag-iyak niya. Wala na siyang pakialam kung pasulyap-sulyap sa kanya ang taxi driver. Nang makarating sa harap ng apartment niya ay dali-dali siyang bumaba. Suddenly, she just wanted to rest.

Nagulat siya nang may humawak sa braso niya. Mabilis siyang lumingon, umaasang si Icko iyon. It was Dylan.

"Dylan..."

Dali-dali siyang yumakap dito at dito umiyak nang umiyak. Hindi ito nagtanong, niyakap lang siya nito nang mahigpit.

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon