CHAPTER 6

2.5K 88 1
                                    

"YOU SEEM happy," puna ni Rachel kay Icko.

Nag-angat ng paningin si Icko mula sa kinakain niya. "Hmm?"

Kasalukuyan siyang nasa apartment ni Rachel. Tumawag ito sa kanya kanina para sabihin na sabay silang kumain. Gusto sana niyang tumanggi, lalo pa at gusto pa niyang makasama si Mara. Kaya lang ay naalala niya ang sinabi ng kapatid niya noong nagdaang gabi.

"May nangyari bang maganda kanina?"

Naalala niya si Mara. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito sa unang araw nito sa Pilipinas. Frankly, he didn't know if he wanted to see her before the event. But he was glad he did. He had never felt that much elated in the past years of his life. Sinikap niyang panatilihing blangko ang ekspresyon ng mukha niya. "Nothing much."

Matagal na hindi ito nagsalita. Tila tinatantiya nito kung nagsasabi siya ng totoo. Pagkatapos ay nilaro-laro nito ang pagkain sa harap nito. Nag-take out ito ng pagkain sa mall pagkatapos nitong mag-shopping.

Hindi ito marunong magluto. Noong college sila ay sinubukan nitong ipagluto siya ng adobo. Umiyak lang ito nang umiyak dahil nasunog na nga ang adobo nito ay sobrang alat pa. Hindi nito iyon ipinakain sa kanya kahit sinabi niyang okay lang iyon sa kanya. Mula noon ay hindi na ito nag-attempt na ipagluto siya.

And then she thought of Mara's heavenly pastries. Kapag kumakain siya ng mga pagkain nito ay naaalala niya ang lolo niyang nagpalaki sa kanya. Naaalala rin niya ang masasayang sandali ng kabataan niya. Dahil sa Kismet kaya naging madali sa kanya ang manatili sa TGF. Where Kismet was, it was where he belonged.

"Ang sabi ni Dylan ay nandito na raw si Mara," biglang sabi ni Rachel.

Pagkarinig sa pangalan ni Dylan ay napahigpit ang hawak niya sa kutsara niya. Oh, yes, that brilliant cousin of his.

Sumagi sa isip niya ang mga litrato nitong kasama si Mara. Wala siyang karapatang mainis pero sa mga sandaling iyon, parang gusto niyang itakwil sa pamilya niya si Dylan. Hindi niya matanggap na naroon ito sa mga masasayang sandali ni Mara habang siya ay nakatali sa mga "responsibilidad" niya kay Rachel.

He was angered so much by the fact that Mara had become a stranger to him in some ways. Marami nang nagbago rito. Ang dating mahabang buhok nito na laging nakaponytail ay nakalugay na at umabot na lang hanggang sa balikat nito. She had sported bangs that partially covered her beautiful forehead. Hindi na rin nito suot ang salamin nito kaya marahil ay contacts na ang suot nito.

Even the way she carried herself was very different. The past years had certainly brought a kind of confidence and independence in her. Ibang-iba na ito sa Mara na nakilala niya dati. Pero ang mga pagbabagong iyon ay hindi naging dahilan para mabago ang tingin niya rito—she still had the power to make his heart beat faster. Yet he felt that he had lost her somewhere in the process. It hurt him. Hurt him beyond what he could fathom.

Ibinalik niya ang atensiyon kay Rachel nang magsalita uli ito.

"Magkasama pala silang umuwi rito. Dylan told me he fetched her up in Paris."

"Really?" bored na tanong niya. Gusto na niyang ilihis sa iba ang paksa.

"Yeah. I wonder if they are finally together. Pero siguro ay sila na nga. I mean, kahit noon pa bagay na sila, 'di ba?"

"That'd be the day," hindi niya napigilang sabihin. Damn you, Dylan.

Tumaas ang isang kilay nito. "Bakit? Hindi mo ba sila gusto para sa isa't isa? I think Mara is a great girl."

"And Dylan changes girlfriends the way he changes his tie." Nang sabihin niya iyon ay nagsisi siya.

"Are you jealous?"

Huminga siya nang malalim. Sumasakit na naman ang sentido niya. "Do I have the right?"

"You're not denying it."

Exasperated na huminga siya. "Look, Rachel, kung ano man ang meron sa kanila ni Mara, wala na tayong pakialam do'n. So can we change the topic instead?"

Napansin yata nito na talagang naiinis na siya. For a moment, he was afraid he had gone over the line. Pero nakahinga siya nang maluwag nang bumuntong-hininga lang ito.

"Tomorrow, may free session ang class namin sa pottery making. You're free to come if you have the time."

Sa loob ng halos tatlong taon ay pottery making na ang naging hobby ni Rachel. Inirekomenda ng therapist sa kanila na magkaroon ito ng bagong pagkakalibangan. Nakatulong iyon para malibang ito at mawala ang isip sa mga bagay na nagdudulot ng stress dito, katulad ng pagkawala ng trabaho nito sa Healthy Living.

Three years ago, she was diagnosed with depression. Ang sabi ng therapist, nagpatong-patong daw ang mga isipin nito. Kasabay ng pagiging workaholic nito ay nalaman nito ang paghihiwalay ng mga magulang nito. Hindi ito kumakain sa tamang oras at sobra ang workouts nito. And then he believed there was the problem with their relationship before. Dahil sa kondisyon nito ay kinailangan itong tanggalin sa Healthy Living, lalo at maraming naka-witness ng nangyari dito. Alam niyang iyon ang buhay ni Rachel at masakit dito ang nangyari.

Mula nang mangyari iyon kay Rachel noon ay natakot siya—sila. And he felt guilty because he knew he was partly at fault. Or he was being egotistical to presume it was his fault because he had always hurt her in different ways. Either way, walang may gustong maulit ang nangyari dito. Sa loob ng mga taon ay pinrotektahan nila ito. Lalo na si Ivan. There were times that he felt he was also doing this because he owed Ivan something. Hurting Rachel would mean hurting his brother.

Sinikap niyang alisin ang agiw sa isip niya. "Titingnan ko kung maaga akong makakauwi mula sa trabaho." Naalala niya ang pag-uusap nila nang nagdaang gabi. "Rae, gusto mo bang samahan kita kay Doktora Rodriguez bukas?"

Ang tindi ng naging iling nito. "No! No, don't bother. Kaya ko na ang sarili ko."

"Sigurado ka?"

"Yes."

Kumunot ang noo niya. Dati ay ito pa ang nagpupumilit sa kanya na samahan ito sa therapist nito. Nitong nakaraang mga buwan ay hindi na ito nagpapasama sa kanya. Pero inisip na lang niya na siguro ay pilit na ibinabalik ni Rachel ang nawalang independence nito. In a way, he was glad she was finally starting to get back on track. Makasarili man pero naisip niyang mabuti na rin iyon.

Ibinalik na lang niya ang atensiyon sa pagkain. But he couldn't enjoy his food anymore. The sauce on the steak was too bland for his taste. What he longed for all these years was something sweet.

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Where stories live. Discover now