CHAPTER 9

2.7K 107 1
                                    

NAABUTAN ni Mara si Icko na nakatayo sa labas ng Caramello nang gabing iyon. Nakasandal ito sa pader habang nakatingin sa madilim na gabi. There was faraway look in his eyes and a slight smile on his lips. Alam niya kung bakit. Tinanggap kasi nina Don at Ivan ang presentation na ginawa nila kaninang umaga. Halos mahimatay pa siya habang hinihintay ang verdict ng mga ito.

But when Icko walked out of the conference room with a big smile plastered on his lips, all her fears went down the drain.

"Great job, Miss Benitez. Everyone was greatly impressed by the taste and the presentation," sabi ni Sir Ivan sa kanya.

Pati sina Chef Jeric at Chef Adrien ay binati siya. Even the Don himself praised the gourmet mini-cake they presented. She had never been happier being recognized like this. Sulit ang dalawang araw na pagpupuyat nila ni Icko para maperpekto ang lasa at design ng gourmet mini-cake.

Nilapitan niya ito at binigyan ng isang mug ng beer. "Icko, treat daw ni Pangulo."

Gulat na nilingon siya nito. Ngumiti ito nang matamis sa kanya. "I really like the way you say my name. Parang lagi kang kumakanta." Tumaas ang isang kilay nito. "Don't tell me you can sing and nobody knows?"

Natawa siya sa sinabi nito. "Masyado ka talagang bilib sa akin. Hindi ako marunong kumanta. Sa shower pa siguro, puwede."

"I can sing in the shower, too. Baka mas magaling pa sa 'yo," pagbibiro din nito.

Sabay silang tumawa. Nitong mga nakaraang araw na nakakasama niya ito, parang madali na para ditong ngumiti at tumawa. Sumasaya siya kapag nasisilayan niya ang magandang ngiti nito.

Nilingon nito ang nagkakaingay sa loob ng Caramello. Sina Rika, Ate Izzy, at ang iba pa niyang officemate ay sumama sa kanila para sa simple celebration daw. Kahit ayaw niya ay wala siyang nagawa, lalo pa at napapayag ng mga ito si Icko.

"Pasensiya ka na. Maingay talaga sina Rika lalo 'pag nalalasing. Bakit nga pala narito ka? Ano ang iniisip mo?"

Lumamlam ang mga mata nito. "I'm thinking that it's been a long time that I felt happy like this," mahinang sabi nito. "Palagi kasi akong lumalayo sa responsibilities ng kompanya. Ayaw ko kasing kasama ang kapatid ko sa isang bubong." May mapait na ngiting sumilay sa mga labi nito. "He's Rachel's boyfriend, you know."

Pagkabanggit sa pangalan ni Rachel ay naging alerto siya. Hindi pa man niya nakikita nang personal ang babae pero para itong isang malaking anino na nakatunghay sa kanila. "S-siguro, mahal na mahal mo talaga si Rachel, 'no?" wika niya. Sinikap niyang kontrolin ang paggaralgal ng tinig. Bakit siya naiiyak na mabanggit ang pangalan ni Rachel?

Hindi ito umimik. Tumungga uli ito ng beer.

"Alam ba niyang mahal mo siya?" lakas-loob na tanong niya.

Sa pagkakataong iyon ay isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Humigpit ang kapit nito sa mug ng beer na hawak nito. "I don't think so. Nang mapagtanto ko ang damdamin ko, masyado ko na siyang nasaktan. Wala nang point para sabihin ko pa sa kanya ang nararamdaman ko. I mean, bakit hindi ko sinabi sa kanya noon? Noong panahong mahal pa niya ako."

"Siya rin ba ang dahilan kung bakit naglasing ka no'ng gabing nakita kita?" tanong niya.

Pagak na tumawa ito. "Siya ang dahilan kung bakit gabi-gabi akong naglalasing. Hindi ako makatulog kapag hindi umiinom. I'm really a hopeless case." Sandali itong tumahimik na parang iniisip ang sunod na sasabihin sa kanya. "Iyon din ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Nakainom ako no'ng gabing naaksidente ako sa motocross. I suffered from head injuries. It was because I was beating myself to death when I found out about them." Sumulyap ito sa kanya. Ngumiti ito pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. "Iyon pa rin siguro ang ginagawa ko ngayon kung hindi kita nakilala."

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Where stories live. Discover now