CHAPTER 21

2.7K 111 0
                                    

"NERVOUS? Puwede ka pang mag-back out," wika kay Mara ni Dylan.

Natawa siya sa kabila ng lungkot at pangambang nararamdaman niya. Alam niyang pinapagaan lang nito ang nararamdaman niya.

"Mag-ingat ka roon, Mara," garalgal ang boses na sabi ni Mang Pilo. "Mami-miss kita. Mag-i-e-mail ka palagi, ha?"

"Ang OA mo, Pangulo," naiiyak na ring sabi niya rito. Lumapit siya rito at niyakap niya ito. Nag-umpisang mamasa ang gilid ng mga mata niya. "Aalagaan n'yo ang sarili n'yo, ha? Maghanap na kasi kayo ng mag-aalaga sa inyo."

Sa kabila ng pagsinghot ay tumawa ito. "Diyaske kang bata ka. Wag mo akong intindihin. Tuparin mo ang mga pangarap namin sa 'yo."

Tumango siya.

"Nasaan nga pala si Icko?" nagtatakang tanong sa kanya ni Mang Pilo.

"Hindi ko po alam."

"You didn't tell him you're leaving today?" nakakunot-noon tanong ni Dylan sa kanya.

Umiling siya. She wanted to call him up last night but she held herself. Instead, she cried herself to sleep.

"You're a masochist!" naiiritang sabi nito. Hinugot nito ang cell phone nito. He dialed a number and waited. Kumunot ang noo nito. "Out of coverage area."

Huminga siya nang malalim. Siguro kasama ni Icko si Rachel. Kahit paano, nalulungkot siya na hindi man lang siya makapagpapaalam dito. Taon din ang aabutin bago siya makabalik sa Pilipinas.

"Mara!"

Napalingon si Mara sa matinis na tinig na sumigaw. Nakita niya sina Ate Izzy at Rika na patakbong lumalapit sa kanya. Niyakap siya ng mga ito nang makalapit sa kanya.

"Salbahe kang babae ka! Aalis ka nang wala kang pasabi? Gusto mong sabunutan kita?" ani Rika sa garalgal na boses.

"Rika..."

"Hindi ka namin mapapatawad kapag hindi ka nakakuha ng diploma," wika naman ni Ate Izzy na naiiyak na rin.

Hindi na niya napigilan ang pinipigilang luha. "S-sorry. Hindi ko kasi kayang magpaalam..." Suminghot siya. "Mami-miss ko kayong dalawa."

Nakita niyang tumalikod si Dylan at nagpunta sa isang sulok. Inilayo siya ni Rika at pinahid ang mga luha niya.

"Basta promise mo, ha, daigin mo kaming lahat pagbalik mo. Follow your dreams."

Tumango siya at itinaas ang isang kamay. "Fighting!"

"Fighting!"

HINILOT ni Icko ang batok niya nang matapos ang interview sa kanya para sa Healthy Living. Kasabay niyon ay ang paglapit ng reporter sa kanya.

"Thank you for granting us the interview, Mr. Laurel," nakangiting sabi ng host na si Lily sa kanya.

Tumango siya at kinamayan ito. "The pleasure is mine."

Hinanap niya si Rachel. Nakita niya itong nakatayo sa dulo ng set at may kinakausap. He debated whether to approach her or not. Pagkatapos ng nangyari sa kanila nang nagdaang araw, naiilang siyang kausapin ito. Naaalala pa niya ang usapan nila...

"Totoong mahal kita, Rachel—"

Hindi pa niya natatapos ang sasabihin ay kaagad siyang hinalikan nito. Hindi siya nakapag-react agad, lalo pa at nagulat siya sa rebelasyon nito. Hindi niya inaasahan iyon.

"Rachel..." Pigil niya sa balikat nito pagkatapos siyang halikan. "This is not right..."

"Mahal kita at mahal mo ako. What can be wrong about that?"

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Where stories live. Discover now